INTIMATE

3K 12 0
                                    

Maagang nagising si Paolo dahil balak niyang mamalengke at lutuan ng Almusal si Ina. Desidido Siya na patawarin ng Dalaga, extended din Sila roon dahil sa katunayan ay ang Binata ang nagbayad ng lahat. Pinalabas lamang ni Major Sebastian na Siya ang nagbayad para walang magawa si Ina.

Matapos niya mamalengke ay nagluto na rin Siya at inayos ang Lamesa bago niya gisingin ang Dalaga.

"Ina, Good morning! Tara, Kumain na muna tayo." Mahinang tapik ni Paolo sa Pisngi ng Dalaga.

Tumango ang Dalaga at dumerecho sa Banyo para maghilamos at mag toothbrush.

Namangha ang Dalaga dahil sa dami ng Pagkain at ramdam na ramdam niya ang Buhay Probinsya.

"Ang dami naman nito, salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang dami naman nito, salamat."
Nahihiyang sambit ni Ina dahil na appreciate niya ang ginawa ng Binata.

"No worries, halika na Kumain na tayo." Masiglang sambit ni Paolo.

Umupo na ang Dalaga dahil nakaramdam Siya bigla ng gutom sa mga nakahain, hindi na rin niya matandaan kung kailan pa siya huling nakakain ng maayos at ganito kasarap.

Maganang kumain ang Dalaga habang nilalasap ang sariwang hangin at init ng Araw.

Nagulat pa ang Dalaga dahil halos naubos na nila ang mga nakahain, nagkatinginan Sila ni Paolo at natawa.

Sabay nilang niligpit ang kanilang pinagkainan at nauna na si Ina na mag swimming at sinundan Siya ng Binata.

Nakatingin lamang ang Binata sa Dalaga dahil para itong Bata na ngayon lamang nakalaya.

Balak niyang ayain ang Dalaga bukas ng Umaga sa Enchanted Kingdom at mag rides Sila doon.

Maghapon silang naglangoy at ng mapagod ay muli Silang Kumain.

Nang sumapit ang hapon ay nagbago ang ihip ng hangin, dumilim at lumakas ang bugso ng ulan.

Narinig nila sa Balita na mayroong parating na Bagyo at malakas ito kaya naman mabilis na nagligpit ang Dalawa at nanatili na lamang sa loob ng Kwarto.

"Ina, anong gusto mo sa hapunan?"
Tanong ni Paolo.

"Ano ba ang Stocks na nabili mo?"
Tanong ni Ina habang inaayos ang kanilang higaan.

"May pang Pakbet, pritong tilapia at nilagang Baka pa. May nabili rin akong Cake diyan at hilaw na mangga na may bagoong." Pahayag ni Paolo.

"Ang dami! Diba pauwi na rin naman tayo?" Takang tanong ni Ina.

"Hmmn, sabi ni Major Sebastian ay hanggang Linggo pa tayo dito."
Palusot ni Paolo.

"What?! Eh Thursday pa lamang. Wait kakausapin ko si Tito."
Tugon ni Ina.

Pinigilan ng Binata si Ina na makuha ang Cellphone at inupo nito ang Dalaga sa kama.

"Can you give me a chance to make it up with you?" Marahang tanong ni Paolo at inayos ang Buhok ni Ina na tumatabing sa Mukha nito.

"Tapos ay ano? Patatawarin kita tapos ay makakagawa ka ulit ng kasalanan?
Pao, pagod na akong maloko. Quota na ako sa lahat ng ginawa saakin ni Jonathan, pagod na akong buoin muli ang sarili ko." Hikbi ni Ina na medyo rumupok na naman.

"Please, Ina. Kahit ngayon lamang, hayaan mong makabawi ako. Hindi na kita sasaktan." Pakiusap ni Paolo na naiiyak na rin.

"Hindi ko alam, Pao. Hindi ko na talaga alam." Hagulgol ni Ina.

"I'll be careful with your heart, Ina. Pangako, ako na ang lalayo kung masaktan pa muli kita."
Paliwanag ni Paolo.

Biglang kumulog ng malakas at matatalim ang mga kidlat, nawalan din ng Kuryente.

Nagulat at natakot ang Dalaga kaya biglang kumandong ito kay Paolo.

"Sshhh, I'm just here. Huwag kang matakot." Bulong ni Paolo at hiniga sa Kama si Ina, niyakap niya ito ng mahigpit.

POSSESIVE WILD SERIES #8 ; THE PAINTER by INA and PAOLOWhere stories live. Discover now