Nagdaan pa ang mga araw at Linggo at naging maayos ang Relasyon ni Ina at Paolo, tanggap ng bawat Pamilya nila ang kanilang pagsasama lalo na ng kanilang mga Lola.
Samantala, si Ina ay naging kakaiba ang mga Pagkain na hinahanap.
Nagsama kasi Sila ni Paolo sa isang House and Lot Property ng Binata sa bandang Alabang dahil doon malapit ang University nila Ina.
Tulad ngayon, kinukulit ni Ina na bumili Sila ng itlog na Penoy at Balut kahit na tanghaling tapat.
Minsan nagpabili rin ang Dalaga ng Singkamas at Ketsup, sarap na sarap si Ina na kainin iyon at inaalok pa si Paolo.
Kaya naman para makasigurado si Paolo sa kaniyang hinala ay kinausap niya ng marahan si Ina.
"Hmmn, Babe?" Ani ni Paolo habang nagbibihis ito.
"Yes, Babe?" Tugon ni Ina habang nakahiga.
"Pwede ba tayo dumaan sa Pharmacy?" Marahang tanong ni Paolo.
"Why?! May sakit ka ba?"
Takang tanong ni Ina at bumangon pa ito para tingnan kung may lagnat ang nobyo niya.Niyakap ng Binata ang kasintahan niya at kinandong niya ito sa Kama.
"Lately, marami kang gustong kainin na kakaiba. Try lamang natin dahil baka Buntis ka, Babe. Are you ready to be a Mom?" Kabadong tanong ni Paolo.
"OMG!! Oo nga! Hindi pa ako dinadatnan, syempre yes na yes ako sa pagiging Mom!" Masiglang tugon ni Ina.
Dumaan ang Dalawa sa Pharmacy at naiwan lamang sa loob ng Kotse si Ina dahil naiinitan ito.
Habang nagtatanong si Paolo sa Pharmacy ay may isang malakas na pagbunggo ang narinig ng Binata kaya napalingon ito.
Inararo ng isang Van ang mga Kotse na naka Park sa gilid at nakita ni Paolo kung paano umibabaw ang Van sa ibabaw ng Kotse niya kung nasaan si Ina!
Napatakbo si Paolo ng mabilis at pilit na binubuksan ang pinto na kaniyang Kotse!
Nagkagulo ang lahat sa Car Accident at maya-maya pa ay may dumating na Ambulance at Rescue.
Hindi mailabas ni Paiko si Ina at hindi rin sumasagot ang Dalaga sa loob na napipi na Kotse niya.
"Fuck! INA!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Paolo at hindi alam kung ano pa ang pwede niyang gawin mailigtas lamang ang Asawa.
Litung-lito ang Binata at sa sobrang Galit niya ay ang Driver ng Van na umibabaw sa kaniyang Kotse ang pinuntahan niya.
Hihilahin sana ni Paolo ang Driver ng Van ngunit pinigilan Siya ng mga Pulis at Rescuer.
Tumagal ng isang Oras bago natanggal ang Van sa ibabaw ng Kotse ng Binata, mas lalong nataranta si Paolo ng dumami ang mga Dugo na umaagos galing sa loob ng kaniyang Kotse.
Nang mailabas si Ina ay wala itong malay at mabilis na pinasok ito sa Ambulance kasama si Paolo.
"Please, My Ina!!! Wake up!"
Hagulgol ni Paolo habang hawak ang Kamay ni Ina.Nang makarating Sila sa Ospital ay dineklarang Dead on Arrival si Ina at nagwala sa loob si Paolo.
"Buhayin ninyo si Ina!"
Malakas na sigaw ni Paolo habang inaaway Siya ng mga Pulis."Sir, I'm sorry pero nakita mo kung paano namin sinalba ang Buhay niya."
Naiiyak na rin na sambit ng Doktor.Lumuhod si Paolo sa harap ng Doktor at pilit na nakiusap sa mga ito na subukan muli nilang i-revive ang Dalaga.
"Nakikiusap ako Doc, parang awa ninyo na. Please! Kahit isang beses pa na kuryentehin ninyo ang Mahal ko,Please!" Hagulgol ni Paolo habang nakaluhod at nakahawak sa Paa ng Doctor.
Tumango ang Doctor at muling lumapit kay Ina para subukan muli kung may mabubuhay pa ito.
Nabuhay si Ina!
Lumalaban si Ina at muli itong nabuhay kaya mabilis itong inasikaso ng mga Doctor at Nurses.
"Thank you Lord! Thank you sainyo!"
Hagulgol ni Paolo at hinintay na malipat si Ina sa Private Room.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #8 ; THE PAINTER by INA and PAOLO
RomanceSPG‼️ SPG ‼️ SPG ‼️ Si Ina Gariando ay isang Anak ng Mayayaman na Angkan sa kanilang Lugar sa Maynila. Kikay, maarte at maharot ang ilan sa mga katangian that would describe her. Gayun man ay may mga Charities ang Dalaga na tinutulungan, basta about...