PUSTAHAN

2.8K 14 4
                                    

Mabilis na nakarating si Ina sa Bahay ni Paolo at kasama na niya ang mga ito, nag kwentuhan at nag inuman Sila.
Nakainom na Silang lahat at nagtawanan na, hindi na muna inintindi ni Ina si Paolo. Masaya ang Dalaga na kasama niya si Paolo ngunit ayaw niya itong tingnan.

"Excuse me, guys. Iihi muna ang Disney Princess." Natatawang paalam ni Ina.

"Go ahead!" Tugon ni Jen.

Mabilis na umihi si Ina at pabalik na sana Siya sa inuman nila ng marinig niya ang usapan nila Marlon, Jen at Paolo.

"I told you she will go here

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"I told you she will go here."
Sambit ni Paolo.

"Oo na! Send ko na lamang iyong 100k sa Bank Account mo bukas."
Tugon ni Marlon.

"Ikaw, Jen? Talo ka din sa pustahan natin ah!" Halakhak ni Paolo.

"All in na lang ako. Let's make a deal.
Kapag nanalo ka ulit sa pustahan mag dodonate ako ng P500k sa Charity mo.
Deal?" Lasing na wika ni Jen.

"Bring it on!" Ngisi ni Paolo.

"Alam ninyo magagalit iyon si Ina kapag nalaman niya ang lahat ng ito.
Ayaw ko na sa pustahan, I'm out."
Mahinahon na sambit ni Marlon.

"Kasali ka kaya!" Maktol ni Paolo.

"Ito ang catch, ligawan mo in 3 days si Ina then make her your Girlfriend. Dapat 3 days mo lang din Siya magiging Girlfriend then break up with her. 3 days sa ligaw, 3 days as her Boyfriend. Deal?" Ngisi ni Jen.

"Deal! Ang dali naman." Halakhak ni Paolo.

"Ayaw ko makisali, hindi ninyo kilala magalit si Ina." Seryosong saad ni Marlon.

"Whether you like it or not you're already part of this."
Ngisi ni Jen.

"Pag natalo ko kayo may P1M akong makukuha for my Charity. Deal?"
Ngisi ni Paolo at nilahad ng kaniyang Kamay.

Samantala narinig lahat iyon ni Ina at nais na niyang sugurin ang mga ito. Pero ayaw niyang mas lalo Siyang kaawaan ng mga ito, bumalik siya sa Banyo at naghilamos.

Pagbalik ng Dalaga sa pwesto niya sa kanilang inuman ay nilagok niya ng derecho ang Kopita niya na puno ng Alak.

"Wew! Relax! Ang dami nun ah!
Are you okay?" Tanong ni Marlon na nakikiramdam kay Ina dahil baka may narinig ito sa kanilang usapan.

"Yeah! Shot pa tayo. Sorry matagal ba ako sa C.r?" Kunwaring tanong ni Ina upang hindi makahalata ang mga kainuman niya na narinig niya lahat ng usapan ng mga ito.

"Shot!" Lasing na sigaw ni Jen.

Sabay sabay Silang uminom ng puno ang kanilang mga Kopita at sa buong panahon na nag iinom Sila ay hindi tinapunan ni Ina ng tingin si Paolo dahil baka masuntok lamang niya ito.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ina na uuwi at wala ni isa sa mga kainuman ng Dalaga ang pumigil kay Ina kahit alam ng mga ito na lasing na ang Dalaga.

Ang dating Jen na palaging inaalala ang kalagayan ni Ina ngayon ay parang walang pakialam kahit madisgrasya si Ina sa kalasingan.

Maging ang Kaibigan na si Marlon ay hindi siya pinigilan na umalis kahit nakita nito na muntik ng matumba si Ina.

Paalis na si Ina ng biglang nilapitan siya ni Paolo at kinausap.

"Ina, pwede ba kitang ligawan?"
Tanong ni Paolo na kasama sa Pustahan.

Shit! Ginalingan mo masyado, Paolo!
Sinimulan ko kaagad ang Pustahan ninyo, gusto ko sana kayo prangkahin pero sige lang. Sasakyan ko mga trip ninyo dahil ang Charity ang makikinabang.

Mahabang bulong ni Ina sa kaniyang isip habang nakatitig kay Paolo at sumagot ang Dalaga.

"Sure! Why not?" Kunwaring sambit ni Ina.

"Yun! Pasyalan kita sa Condo mo bukas, pwede ba?" Tanong ni Paolo.

"Huwag na, just text me the address kung sana tayo magkikita."
Tugon ni Ina.

POSSESIVE WILD SERIES #8 ; THE PAINTER by INA and PAOLOWhere stories live. Discover now