7 of 7

2.6K 23 9
                                    

Nakarating na sa Bahay ni Paolo ang Dalawa kaya naman mabilis na kumilos si Ina upang makapag luto ng Breakfast nila dahil parating na daw si Jen at Marlon. Inayos na rin niya ang Dining Table at ng malapit na Siyang matapos magluto ay sakto namang dumating Sila Jen at Marlon.

"Hi, Ina!" Bati ni Marlon at niyakap si Ina.

"Morning!" Ngiti ni Ina.

"Where's Pao?" Mataray na tanong ni Jen at hindi man lamang pinansin si Ina.

"I'm here!" Sagot naman ni Paolo na nakangiti.

"Ayos ka ah, walang paalam."
Mataray na sagot ni Jen.

"Nagselos na naman itong Bestfriend ko." Natatawang tugon ni Paolo.

"Halika kumain na muna tayo."
Ngiti ni Ina na naiinis na sa katarayan ni Jen.

Padabog na umupo si Jen sa Dining Table kasunod su Marlon.

Magkatabi sa Upuan si Paolo at Ina habang nag aasikaso si Ina ay napansin ng Dalaga kung paano Siya irapan ni Jen.

"So, Kamusta ang Bakasyon?"
Masiglang tanong ni Marlon.

"Masaya at Refreshing, may mga pasalubong kami sainyo."
Sagot ni Ina.

Patapos na Silang Kumain ng biglang magsalita na si Ina na ikinagulat ng lahat.

"Paolo, I'm breaking up with you."
Bulong ni Ina.

"What?!! No!" Mataas na boses ni Paolo.

"Ang arte!" Irap ni Jen.

"Alam ko ang lahat ng Plano ninyo sa Pustahan. This is our 7th day katulad ng gusto mo, Jen. Eksaktong isang Linggo Ngayon simula ng naging kami, So gusto kong makita ngayon kung paano ninyo iaabot ni Marlon kay Paolo ang tig P500k each ninyo para sa Charity." Kalmado at nakangiting pahayag ni Ina.

Parang Bombang sumabog ang pahayag ni Ina kay Paolo, Jen at Marlon. Namutla ang mga ito.

"I'll explain, Ina." Ani ni Marlon.

"No, you don't need to save yourself, Marlon. I'm done with this shit."
Kalmado pa rin si Ina.

"Pag-uusapan muna natin ito, Ina."
Sumamo ni Paolo.

"No need Paolo. Pumayag Ako at sinakyan yong trip ninyo dahil para sa Charity. Diba kaya nga ayaw mong ipa Bid ang Painting ko because you won sa Pustahan?"
Sarcastic na wika ni Ina.

"Of course not! May Pera ako, Ina! Totoong ayaw kong ibalandra ang Katawan mo sa mga Bidders kaya I decided to donate. That's it."
Paliwanag ni Paolo.

"Stop this nonsense. Since alam mo na, ano naman? Diba ginusto mo din dahil deads na deads ka kay Paolo?"
Ngisi ni Jen.

"Punyeta ka Jen! Kung hindi mo pa ititikom ang Bibig mo uutusan ko ang lahat ng Connections namin para mawalan ka ng Investors!"
Galit na galit na Banta ni Ina.

Tumahimik na si Jen dahil natakot siyang mawalan ng Investors, namutla ito at hindi mapakali.

"Now, gusto kong makita na inabot ninyo kay Paolo ang Pera! Now!"
Sigaw ni Ina na sumabog na sa galit na nararamdaman para sa mga ito.

Nagmamadali namang pumirma ng Check si Jen at Marlon. Mabilis nila itong binigay kay Paolo.

Tumayo na si Ina at kinuha ang kaniyang mga Maleta.

"Paolo, just make sure na napupunta sa Charity iyang P1M at para makabawi ka sa kasalanan mo saakin, make it P3.5M. Thank you!"
Seryosong wika ni Ina at tumalikod na.

Halos walang Luha na lumabas sa mga Mata ni Ina, napailing na lamang Siya dahil gumaan ang kaniyang pakiramdam.

POSSESIVE WILD SERIES #8 ; THE PAINTER by INA and PAOLOWhere stories live. Discover now