CHAPTER ONE

19 4 0
                                    


SHARINA

Ako si Sharina Almonte Montecillo, 28 years old, anim na taon na ang lumipas mula ng palayasin ako ng aking ama sa aming mansyon, pagkatapos niya madiskubre na nag away kami ni Eugene Fernandez, at may lumabas na litrato na nakipagkita ako sa isang lalaki. Si Eugene ay pinagkasundo sa akin ng aking mga magulang para pakasalan, dahil ang pamilya nila ang tutulong sa amin para mabayaran namin ang lahat ng utang ng aming kompanya, ang Montecillo Corporation. Napakaraming nangyari pagkatapos ng gabi na naibigay ko ang aking sarili sa isang lalaki hindi ko naman talaga kilala. Pagkaraan ng isang buwan, nagbunga ang aking kapabayaan, nabuntis ako, at hindi na ako nasuportahan ng aking mga magulang, ang huli ko lang balita sa kanila, ang aking ama na si Victor Montecillo ay nanilbihan bilang executive secretary ng pamilya ni Eugene, at ang aking ina naman na si Marina Montecillo ay naging secretary ng ina ni Eugene na si Mrs. Harlene Fernandez. Para mabayaran nila ang kanilang mga utang. Pag gising ko noon sa Penthouse ni Jordan, wala na tao doon, naiwan ako nakahiga at nakabalot ng white comforter ang aking hubad na katawan, pakiramdam ko ay nagising ako sa masakit na katotohanan, magsisi man ako ay huli na, nakipag one night stand ako sa lalaking hindi ko naman kilala, ang masaklap pa, tuluyan ko na naisuko ang aking pinakaiingatan.

"I told you to be careful and behave! How could you do this to us?!" sigaw ng aking ama.

"You have no shame Sharina! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!" sigaw ng aking ina.

"Get out of here! Wala na kaming anak na katulad mo! Lumayas ka!" muling sigaw sa aking ng aking ama, pagkatapos ay dalawang beses pa akong nasampal ng aking ina sa magkabilaang pisngi. "From now on you are dead to us!"

"Mama—Papa please—just hear me out. I don't want to marry Eugene---he's an abuser---" pero hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil muli dumapo ang malakas na sampal sa akin ni Papa, sa kaliwa ko pisngi.

Madami akong tiniis na hirap, habang ako ay nagbubuntis, napilitan ako magtrabaho bilang waitress sa isang coffee shop sa Quezon City, kahit pa maliit lang aking sahod, nagpasalamat naman ako at mabait ang may-ari na si Mam Leslie, kaya kahit buntis ako at halata na ang aking tiyan ay nakakapasok pa din ako. Tumira din ako sa isang maliit na apartment, at malapit sa squatters area. Kaya naranasan ko din ang pag chismisan at pag usapan ng ilang mga kapitbahay ko dahil wala nga ama ang batang dinadala ko noon. Inisip pa ng iba na baka isa akong mistress at pumatol sa may asawa. Alam ko naman sa aking sarili na dapat lang na parusahan ako, dahil sa akin tuluyan ng nagsara ang aming kompanya at nawala ang lahat ng aming ari- arian. Naghirap ang aking mga magulang, at nalagay ang pangalan namin sa eskandalo. Bukod dito nalagay din ang buhay ko sa alanganin, dahil kahit pa buntis ako ay may nagtangka pa rin na ako ay pagsamantalahan. Nangyari yun ng minsan na ako gabi umuwi sa aking maliit na apartment. Mabuti na lamang at dumating ang ilang tanod noon ng baranggay. Kaya nahuli ang tatlong lasing na lalaki na nanggulo sa akin.

"Naku tignan mo nga yang babae na yan, disgrasyada, sigurado ako pumatol yan sa may asawa"

"What a disgrace woman! Thank goodness that Eugene dumped her!"

"Miss alam ko buntis ka, pero kaya pa rin kita paligayahin! Napakaganda mo! At ang kinis ng balat mo!"

Pero mula ng isilang ko si John Christoper Montecillo, ang aking lalaking anak ay nabago ang aking buhay. Guwapo siya bata, matalino, pero madalas tahimik, at mahilig lang maglaro mag isa. Sa edad niyang 6 years old ay na-accelerate siya sa grade 1, may katabaan siya, pero siksik naman. Kaya sobrang proud ako sa kanya, ginagawa ko ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay, mahal na mahal ko ang aking anak, siya ang dahilan ng aking buhay kasama ang maykapal dito sa mundong ibabaw, masuwerte na lang at isa na ako ngayong Manager event coordinator sa isang kompanya, ang Black Sand Event Planners. Kahit na medyo busy ako sa araw araw ay natutukan ko pa din siya, kasama ang yaya niya na si Brena. Malaki ang naitulong sa akin ng aking trabaho ngayon, dahil nakalipat na kami ng aking anak sa isang bahay na naipundar ko, sa isang exclusive village sa Taguig, meron na din ako sariling kotse, na nabili ko isang taon na ang nakalipas.

MY BEAUTIFUL DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon