CHAPTER SIX

11 2 1
                                    

JORDAN

Nagbakasyon kami ng aking buong pamilya dito sa Batangas, kasama ang aking fiance na si Abygail. Masaya ako dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, maliban lang sa aking anak na si JC. Hindi ko muna kasi siya pwedeng ipakilala sa madla dahil iniingatan ko ang relasyon namin ni Abygail at ang reputasyon niya. Ayoko din na masangkot ang aking anak sa isang eskandalo, lalo pa at bata pa siya. Bago pa lumabas ang interview ni Abygail sa ilang social media flatforms ay nauna na lumabas ang picture ni JC sa garden sa mansyon, at mukhang kuha ito mula sa labas ng isang drone shot. Impossible naman kasi na makita ang aking anak mula sa loob dahil mataas ang mga pader doon.

"Jordan what's your plan? Sigurado ako tatanungin ka ulit ng press people, tungkol sa issue lumabas." Tanung at sabi sa akin ng aking ina.

"Anak, mahal namin si JC, parte siya ng ating pamilya. Kaya inaasahan ko na handa mo siya protektahan kahit anong mangyari." Saad naman ng aking ama.

"I know Mom, Dad. Don't worry, I will do everything to protect my son and my fiance. Kaya magtiwala kayo sa akin."

Ginawa ko naman ang sa tingin ko ay tama, dahil sa ayoko magkaroon ng malaking eskandalo bago ang kasal namin ni Abygail. Halos limang taon din namin inalagaan at iningatan ang aming relasyon, at hindi ko papayag na may sumira nito, kahit anong mangyari. Kaya nang dumating ang isa sa pinakamahalaga gabi para sa amin ni Abygail, dito ko sinamantala ang pagkakataon na ipakita sa lahat kung gaano ako kaseryoso pakasalan siya kahit kailan at kahit saan. Inaasahan ko na din na tatanungin din ako ng press people tungkol sa lumabas na issue sa pagkakaroon ko ng anak, pero lahat yun ay nagawa ko i-deny. Pagkatapos noon, ay mas naging maganda na ang ambiance ng naging mini prescon namin.

Kinabukasan kinausap kami ni Abygail ng masinsinan ni Ate Ayesha.

"Jordan, I think you should talk to Sharina." seryoso sabi sa akin ni Ate Ayesha.

"Ate, nag-usap na kami ni Sharina tungkol sa aming anak. I'm sure she understands my situation." Malumanay na sabi ko.

"Ate, don't worry. Malawak ang pag-iisip ni Sharina, alam namin ni Jordan na maintindihan niya kami." Dagdag naman ni Abygail. "Besides, JC is too young to involved-----"

Pero pinutol kaagad ni Ate Ayesha ang gusto sabihin ni Abygail. "Abygail, ang sinasabi ko mas maganda pa din na kausapin nyo si Sharina, lalo na si Jordan. Isa pa, para aware siya sa ginawa nyo pag deny kagabi tungkol sa pamangkin ko." Sa totoo lang, ito ang unang beses na medyo natarayan ni Ate Ayesha si Abygail, kaya nagulat kami sa kanyang inasal. Kaya wala kami nagawa, kung hindi sundin ang payo sa amin ni Ate Ayesha.

Pero hindi ko naman inasahan na hindi maganda ang kalalabasan, nakita ko sa mga mata ni Sharina na sobra siyang nasasaktan pagdating sa aming anak, alam ko na tinakwil siya ng kanyang mga magulang noon, pero hindi ko akalain na gusto pala nila ipalaglag ang anak namin. Nasaktan ang ego ko sa mga sinabi niya sa akin, kaya nagawa ko siyang sampalin, at sa lahat ng ayoko ay pati ang relasyon namin ni Abygail ay nadadamay dahil sa galit niya. Kaya lang pagkatapos ko madapo ang aking kamay sa kanyang kanang pisngi, dito ako natauhan na siya ay isang ina lamang na gusto ipaglaban ang karapatan ng kanyang anak bilang isang Lim, at kilalanin ito ng may tamang pagtrato at respeto. Lalo pa akong nanlumo, matapos makita ng aking anak na sinaktan ko ang kanyang ina, halos madurog ang aking puso ng saktan niya ako at sabihin niya na ayaw na niya ako makita pa, dahil sa kanyang galit sa akin.

Sa ngayon ay dito muna kami ni Abygail tumuloy sa aking penthouse sa Makati, ayoko muna umuwi ng mansyon namin. Pagkatapos ng nangyari, dito ko naisip na mali ang aking ginawa. Halos hindi nga ako nakatulog ng magdamag, pero hindi ko ito pinahalata kay Abygail. Siguro ay dahil sa guilt na nararamdaman ko sa ginawa ko sa aking anak, pangalawa hindi mawala sa aking isipan ang itsura ni Sharina habang umiiyak.

MY BEAUTIFUL DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon