CHAPTER FOUR

5 3 2
                                    


JORDAN.

Isang buwan ang lumipas, mula ng makilala ko ang aking anak na si John Christopher Montecillo, na ngayon ay John Christoper Montecillo Lim na at legal ko na din anak. Naging mas lalong makulay ang aking buhay dahil sa kanya, bukod kay Abygail, isa din siya sa nagpapawala sa akin ng stress, lalo na pag pagod ako sa aking trabaho. Nasimulan na din namin ni Abygail na asikasuhin ang aming kasal, at kinausap na din namin ang wedding coordinator namin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sharina last month, kinabukasan ay lumipat na siya sa mansyon nila ng aming anak. Madali naman siya kausap basta makabubuti kay JC ay pumapayag siya. Kapag dumadalaw ako lately sa mansyon ng aking anak, lagi siyang nagbibigay ng privacy sa aming mag-ama. Hindi siya sumasali sa bonding namin, kahit pa ayaw ng anak namin na umalis siya, magaling magdahilan si Sharina. Naintindihan ko naman siya, ayaw niya na may masabi ang aking pamilya sa kanya, lalo na ang aking fiance, kaya kapag dumadalaw ako sa aming anak kasama si Abygail ay lumalabas siya ng mansyon, at maaga pumapasok sa opisina, ang balita ko lang mula sa kanya ay nagtratrabaho siya ngayon sa kompanya ni Lavinia Mae Dela Vega, isang businesswoman tycoon, na asawa ni Franco Dela Vega, isa din multi billionaire tycoon. Nalaman ko din na magaling siya mag basketball, minsan ko kasi nakita naglalaro sila ni JC, at ilang three point shot din ang ginawa niya, na akala mo ay professional player talaga. Nagtayo kasi ako ng sarili ko basketball court noon sa bakuran ng mansyon, at dun ko nakita naglalaro silang mag-ina. Kahit pa noong sinama ko si JC sa Tokyo Japan at ipasyal siya sa Disneyland, kasama ang aking buong pamilya ay hindi siya sumama, gaya ng sinabi niya noon sa akin.

"Mommy, bakit po ganun kasi dapat po diba magkasama sa iisang bahay ang Mommy at Daddy, bakit po iba ang bahay ni Daddy?"

"Anak, iba kasi ang sitwasyon namin ng Daddy mo, Oo nagkakilala kami noon, pero may mga bagay na hindi mo pa naintindihan sa ngayon anak. Ang importante nandito kami para sayo okay? Mahal na mahal ka namin."

Sa ngayon ay nandito ako sa mansyon ng aking mga magulang sa BGC Taguig, medyo malayo ito sa mansyon na tinutuluyan ni Sharina at ng aking anak. Isa itong exclusive village para sa mga bilyonaryo, kasama namin sa napakalaking bakuran na ito na umaabot ng 60 hectares ang aking tatlong Uncle na may kanya kanya din mansyon dito sa loob, si Uncle Luke, Uncle Tristan at Uncle Bryan, kasama ang tatlo ko Auntie's. 

"Jordan, next week na ang anniversary ng Lim Empire group. Gusto namin ng Daddy mo na dun mo na ipakilala si Abygail ng pormal." Malumanay na sabi sa akin ng aking ina, habang kami ay nag aalmusal dito sa dining room.

"Of course Mom, nag-usap na kami ni Abygail tungkol dun." Sagot ko sa aking ina, tapos ay humigop ako ng hot chocolate sa aking white mug.

"We will visit your son later, along with your sister Ayesha and her husband, Alexander." Malumanay na sabi ng aking ina, tapos ay nagsalita ulit, matapos kumagat ng ham gamit ang tinidor. " You know what, I really admire Sharina. Hindi ako nagkamali ng pagkilala sa kanya." Seryoso sabi ng aking ina, tapos ay uminom siya ng kanyang black coffee gamit ang kanyang white mug.

Bago pa ako makapagsalita ay pumasok na si Daddy dito sa dining room, he's wearing a black polo shirt, and navy blue garter shorts below the knee, plus black leather slippers, kahit sabihin mo nasa 60's na ang aking ama, mukha pa din siya bachelor tignan, guwapo at maganda pa din ang pangangatawan, kahit may ilang white hair na siya at ganun din naman si Mommy.

Naupo si Daddy sa tabi ni Mommy sa kaliwang bahagi ng mesa, bago nagsalita. "Your mother was right." Panimula niyang sabi sa akin, habang nilalagyan ni Mommy ng white bread at ham, kasama ang white boiled egg ang pinggan ni Daddy. "Actually, akala nga namin magiging kontrabida si Sharina sa inyo ni Abygail, kahit hindi niya sinasadya. But were wrong."

MY BEAUTIFUL DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon