CHAPTER 12

3 1 0
                                    

Ilang araw na din akong tuliro dahil sa ilang problema ng aming kompanya. Idagdag mo pa dito ang ilang fans ng dati ko fiance na si Abygail Sherman. Pinalabas nila ang aking anak na si JC ang naging dahilan ng aming paghihiwalay. Kaya may ilang reporters ang lagi nag-aabang sa labas ng gate ng mansyon ng aking anak. Nakiusap ako sa aking mga magulang na baka kung pwede mo na manatili si Sharina at JC sa isang resthouse namin sa Camarines Sur. Ito ang resthouse na malayo sa siyudad at wala kahit na sino makaka-kilala sa amin. Exclusive lang ang resthouse na ito para sa aming buong pamilya. Kahit si Abygail ay hindi pa ito napuntahan kahit kailan at hindi niya din ito alam. Ayaw kasi ng aking mga magulang noon na basta na lang ipaalam ito sa kung sino lang. Lalo pa at hindi pa naman kami kasal ni Abygail noon. Nag uusap kami noon sa study room ng mansyon ng aking anak, si Sharina at JC kasi ay nasa kanilang mga kuwarto na at nagpapahinga.

"Mom, Dad please I need that resthouse now for my son and Sharina." Seryoso ko noon pakiusap sa aking mga magulang.

"Jordan, you have a 5 penthouse here in Metro Manila. Bakit hindi sa mga yun mo sila dalhin? Plus you have also a 3 mansion in Laguna." Sa tono ng pananalita ng aking ina mukha ayaw niya noon na dalhin ko ang aking anak at si Sharina sa resthouse. Dahil ito ang una beses na may makakatunton na ibang tao dito, bukod sa aming pamilya.

"Pero hindi ako kampante doon. Isa pa alam nyo na may mga ilang reporters ang pwede magbayad ng malaki maka kuha lang ng picture ng aking anak at ni Sharina." Madiin ko sabi sa aking mga magulang. " I will make sure that the helicopter brings my son and Sharina to the airport."

"Jordan, you must understand that the resthouse is our family's privacy. It's our sanctuary, not just a residence." Seryoso na sabi ng aking ama. Nakita ko sa expression ng aking ama na medyo matigas ito. Kahit sa tono ng kanyang pananalita ay pabor siya sa aking ina.

Pero sa pagkakataon na iyun ay hindi ako sumuko. "I know, Dad. And I respect that, but Sharina and my son needs a safe place to stay. Kung ako lang ang masusunod gusto ko sila iuwi mismo sa mansyon natin. But I know that it's a red flag to our whole family." Desperado ko sabi sa aking ama, kung ayaw talaga nila pumayag pwede ko naman dalhin si Sharina at JC sa Switzerland. Meron naman ako isang resthouse doon na malayo din sa siyudad. "Fine, I think I have no choice but to bring them in Switzerland. At least doon, mas safe din sila."

Tumayo na ako noon sa aking kinauupuan, tumalikod na din ako at nilabas ko ang aking cellphone para tawagan ang aking pilot na ihanda niya ang aking private plane. Pero bigla nagsalita si Daddy na pumapayag na siya dalhin ko sa resthouse namin si Sharina at JC. Ginamit ko ang aking personal helicopter para makabiyahe kami papuntang airport at hindi na kami maharang o makita ng ibang reporter sa labas ng gate ng mansyon na naghihintay. Pagkatapos ko silang maihatid noon dito sa resthouse ay bumalik ako ng Manila.

Halos gabi na ng lumabas ako ng aking opisina, pagod na pagod ako at gusto ko na matulog, kaya tinawagan ko na ang aking driver sa VIP parking basement na paandarin na ang kotse at uuwi ako sa mansion ng aking pamilya sa Taguig. Pero iba pa ang sumalubong sa akin sa parking lot, isang reporter ng isang Newspaper at TV station na si Gabe Saltzman. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa aking anak, lalo na kay Sharina.

" I know who Sharina Montecillo is Mr. Lim, she's a gold digger. According to my source, she was abandoned by her family because she was pregnant with your child. But what I want to know is if it is true that you cheated on Abygail because of Sharina?" tanong sa akin ng reporter na ito. Hindi pa nga siya nakuntento at kung ano ano pa ang sinabi niya sa akin habang ako ay naglalakad patungo sa aking kotse. "I also heard from my source that your son is nothing but autistic?" malisyoso tanong sa akin ni Gabe Saltzman.

Dito na nagpanting ang aking tenga, kaya nagawa ko siya itulak at suntukin sa mukha ng dalawang beses. Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan kaya ng magtaka siya na ako ay gantihan ay mabilis ko napigilan ang pagtama ng kanyang kamao sa aking mukha. Ito ay sa pamamagitan ng pagyuko at pag ilag sa kanya, tsaka ko pinatamaan ang kanyang sikmura. Tapos ay ginamit ko ang aking kanan siko para patamaan ang kanan gilid ng kanyang panga. Nakita ko dumugo ang kanyang nguso at ilong. Hindi pa siya nakakabawi para makatayo ng maayos ay sinipa ko na kaagad ang kanyang kanan tagiliran para siya ay matumba. Dito ko na siya binigyan ng limang suntok sa mukha. Para maibuhos ko ang aking matinding galit. Nahismasmasan na lamang ako ng may dalawang kamay ang humatak sa akin palayo kay Gabe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BEAUTIFUL DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon