SHARINA
Mabilis lumipas ang isang buwan, mula ng pumasok sa buhay namin mag-ina ang ama ni JC, na si Jordan Banks Lim. Nakikita ko na masaya lagi ang aking anak kapag magkasama sila mag-ama. Lalo na ng isama siya ni Jordan sa Tokyo Japan, at ipasyal sa Disneyland. May ilang pictures na pinadala sa akin si Mrs. Lim, at nakita ko nasulit ni JC ang pagpunta doon. Gusto ni JC na ako ay isama, pero nagdahilan ako sa kanya, na hindi ako pwedeng magbiyahe dahil may kailangan ako gawin sa aking trabaho. Hindi ko intensiyon na hindi pagbigyan ang aking anak, pero alam ko nilalagay ko lang ang aking sarili sa tamang lugar. Wala ako intensiyon na pumasok sa buhay ni Jordan at ng pamilya niya, ang gusto ko lang ay ang makasama ng aking anak ang kanyang ama. Noong binisita naman si JC ni Mrs. Lim at Mr. Lim, kasama ang kanyang panganay na anak na si Ayesha, at husband niya na si Alexander, kasama din ang kanilang anak na si Elijah, kahit saglit lang ay nagkausap din kami.
"Hi Ms. Sharina, I'm Ayesha Lim Queen, it's nice to finally meet you."
"Nice to meet you too, Ma'am Ayesha."
"Please, let's drop the formality. You can call me Sis Ayesha if you want."
Mabait naman ang pamilya ni Jordan kung tutuusin, pero ayoko samantalahin ito para maging close sa kanila, dahil hindi naman dapat. Nakilala ko din ang kambal na kapatid ni Jordan na si Abby at Gabby. Nakakatuwa din sila, dahil madali silang nakapalagayan ng loob ni JC.
Tungkol naman sa aking career ngayon, nagtratrabaho ako bilang executive secretary ni Mam Lavinia Mae Dela Vega, kung nasaan siya ay nandun ako, lahat ng appointments niya ay alam ko, at kasama ako sa mga personal at company meeting niya. Masaya naman ako sa aking bagong trabaho, malaki ang aking sahod. Umaabot ito sa 200 thousand a month, hindi pa kasama dito ang aking allowance kapag may business trip kami ni Ma'am Lavinia sa abroad.
Kaya kumuha na din ako ng isang private investigator, para malaman kung ano na ang nangyayari sa aking mga magulang. Ang huli ko balita nalulugi na daw ang dati namin negosyo sa pamumuno ni Eugene Fernandez. Ito nga yung sandali na nahuli ako ni Jordan na may kausap sa cellphone.
Halos three times a week kung dumalaw si Jordan sa aming anak, kaya mas inaagahan ko na lang ang pasok ko sa opisina, lalo pa pag kasama niya ang fiance niya na si Abygail Sherman. Kahit pa wala ako dapat ikahiya sa kanila pareho, pero ramdam ko sa sarili ko meron awkwardness sa aming tatlo. Kaya dapat lang na ako ang umiwas, sa tuwing dadalawin ni Jordan si JC sa mansyon. Hindi pa din naman ako nawawalan ng oras sa aking anak, dahil every weekend tinuturuan ko pa din siya mag basketball. Isa yun sa mga sports na inaral ko, para maging ama at ina sa aking anak. Wala akong panahon makipag relasyon sa lalaki, dahil iniisip ko ang aking anak, bilang isang ina mahalaga sa akin na maibigay ko ang aking atensiyon at oras sa kanya ng buong buo, lalo pa at bata pa siya.
Ngayong umaga, medyo naging awkward ang paligid para sa amin ni Jordan, kung bakit ba naman kasi tinitignan niya ako habang kumakain ng fried rice at milkfish sa aking pinggan, gamit ang spoon at fork. Mabuti na lang at nagawa ko magpatay malisya dahil yun naman ang dapat. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero lalo siyang nagiging guwapo sa paningin ko bawat araw. Kaya lang alam ko na isa lang din simple ito paghanga. Meron na siya sarili buhay ngayon, at ikakasal na siya, at sobra mali ang isipin ko siya sa ganun paraan. Kahit na noong nagkita kami kahapon sa isang restaurant sa Makati. Hindi ko na lang siya pinansin, kahit alam ko na nakatingin siya sa akin, medyo malayo naman ang puwesto namin sa kanila ni Abygail.
"Is that Jordan Banks Lim? Yung nasa likod ko?" bulong sa akin ni Mam Lavinia.
"Yes Ma'am, please don't look at them." Simple ko bulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL DISASTER
RomanceSa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Sharina Almonte Montecillo ay nakaya niya mabuhay mag-isa ng walang tulong ng kanyang mga magulang. Determinado din siya magkaroon ng magandang buhay para na din sa kanyang nag iisa anak. Kahit kailan ay hin...