SHARINA
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Ma'am Lavinia sa Singapore noong isang araw, dahil nga may emergency meeting kami ng isang big clients niya mula sa New York sa isang sikat na Clothing company na si Mr. Anthony Miller. Humingi pa nga siya ng paumanhin sa akin, dahil alam niya na nasa bakasyon ako kasama ang aking anak. After ng meeting namin sa isang client niya na hindi naman tumagal, niyaya kami mag wine ni Mr. Miller para mag celebrate, sa isang private restaurant ng isang hotel sa Singapore, pagkatapos ng halos dalawang oras na kuwentuhan, nagpaalam na kami ni Ma'am Lavinia sa kanya. Dito ko na nga nakatagpo si Eugene Fernandez ng hindi sinasadya, at kasama niya pa ang aking ama na. Mabuti na lang at kilala nila si Ma'am Lavinia kaya hindi gumawa ng eskandalo si Eugene, pero nagpasalamat ako sa pagkakataon na nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag usap ng aking ama pagkatapos ng halos walong taon ng sarilinan.
"Papa how were you? Kamusta na kayo ni Mama?"
"Anak Sharina, I know that this is not the right place to tell you this--- I just want to say that I'm really sorry---listen to me, alam ko na pinapasundan mo kami ng Mama mo sa isang private investigator, check your email. Nandun ang lahat ng kailangan mo malaman."
Napansin ko na hindi na ganun kaganda ang katawan ni Papa, pumayat siya at mukhang laging walang tulog. Ang kanyang formal attire na suot ay maayos naman, pero sa itsura niya ay pagod, at halatado na marami iniisip.
"What do you mean Papa? Ipaliwanag nyo po." Seryoso ko tanung at sabi sa aking ama. Alam ko na marami siya gusto sabihin sa akin, pero hindi ito ang tamang lugat at oras na maari kami mag-usap ng matagal at sarilinan.
"Sharina, I want you to know I'm proud of you. Sana isang araw makita at mayakap ko din ang aking apo. I'm really sorry anak, for everything." Malungkot at malumanay na sabi sa akin ni Papa, bago niya ako iwan dito sa labas ng restaurant at puntahan na si Eugene sa loob.
Pagkatapos namin mag-usap ni Papa ay sumunod na ako kay Ma'am Lavinia sa parking lot, nakita ko nandun na ang husband niya na si Sir Franco Dela Vega at sandali kami nag usap.
"Ms. Montecillo, I investigated your father's former company, under Mr. Eugene Fernandez's management. Unfortunately, hindi maganda ang pamamalakad niya, kaya pumanget ang image ng former company ng father mo." Seryoso sabi sa akin ni Sir Franco. "I'm really sorry Ms. Montecillo, but I can't help you with your problems, lahat ng mga pioneer sa company nyo, at tumulong sa father mo para magtagumpay ay tinanggal niya."
Pagdating ng gabi, tinignan ko ang ilang documents na pinadala sa akin ni Sir Franco, via email. Kasama na din dito ang galing kay Papa, dito ko nalaman na nagkaroon ng isang illegal na paraan para mapabagsak ang kompanya ng aking ama. Ang money laundering, ang ilang pinagkatiwalaan ni Papa at kaibigan niya sa negosyo ay pinagkaisahan siya. Hindi sinabi ng aking mga magulang sa akin ang totoo. Nagkataon lang pala na naging desperado si Papa at nakipagkasundo sa pamilya Fernandez.
Nandito kami ngayon ni Jordan sa study room, hindi ko talaga gusto na makialam siya sa personal ko buhay. Tanging si JC lang dahilan kung bakit kailangan namin maging magkaibigan at civil sa isa't isa.
"Thank you for protecting me." Seryoso ko sabi kay Jordan, habang magkatabi kami nakaupo dito sa sofa. "But this is my own personal problem okay?"
"I'm sorry Sharina, pero makikialam ako. Ayoko umabot sa punto maapektuhan si JC dahil sa nangyayari sayo." Madiin at seryoso sabi sa akin ni Jordan, nakita ko sa kanyang mga mata na hanggang ngayon ay galit pa din siya. "I'm doing this for our son, not for you." Pagkatapos niya sabihin yun ay tumayo na siya dito sa sofa, at lumabas na ng study room.
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL DISASTER
RomanceSa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Sharina Almonte Montecillo ay nakaya niya mabuhay mag-isa ng walang tulong ng kanyang mga magulang. Determinado din siya magkaroon ng magandang buhay para na din sa kanyang nag iisa anak. Kahit kailan ay hin...