Isang linggo ang lumipas, mula ng pumutok ang balita tungkol sa aming tatlo ng aking anak na si JC at sa ama niya na si Jordan. Nasa bahay ako noon ni Janeth, ang aking kaibigan ng tawagan ako ni Mrs. Lim tungkol sa lumabas na eskandalo sa isang article online sa New York. Umuwi ako kaagad ng mansyon at nakita ko may ilan na reporters ang nasa labas ng gate, mabuti na lang at may ilan security na humarang sa kanila kaya madali ko napasok ang aking kotse sa loob. Kinabakusan pa dumating si Jordan at pansamantala kami nilayo ng aking anak sa Metro Manila. Dinala kami ni Jordan dito sa Camarines Sur, sa kanilang tagong rest house at malayo ito sa siyudad. Maganda at malaki ang resthouse na ito, maaliwalas ang paligid, at sariwa ang hangin, malayo nga talaga sa ingay at gulo sa siyudad. Kasama namin dito ang limang security na inatasan ni Jordan na magbantay sa amin ni JC. Meron din dito tatalong kasambahay para magsilbi sa amin.
Tanging data plan ko lang sa aking cellphone ang nagagamit ko ngayon upang makibalita sa social media platforms, kaya napanood ko ang live press conference ni Jordan sa Manila
"Ladies and gentlemen, I am here today to address the speculations and reports about my personal life. I am indeed a father. I have kept the existence of my son a secret for the past 2 months to protect his childhood from the public eye and to allow him to have a normal happy life. I did not mean to deny him; I only wanted what was best for him. He is a bright and wonderful six-year-old boy. Now that everyone knows about my son, I ask for respect and privacy for him and his mother as we start building a relationship."
Sa ngayon ay nandito kami ng aking anak sa garden ng resthouse, dinala niya ang ilan niyang laruan dito, at books, kaya kahit paano ay hindi siya naiinip. Ako naman ay nakaupo sa sofa, at tumitingin sa aking cellphone ng mga balita, ang aking anak naman ay nilalaro ang kanyang robot at car toy, tapos ay tumatakbo takbo dito sa garden, at binabantayan siya ni Brena. Maya maya ay may dumating na armor car sa labas ng gate, color black ito at may makapal na tinted ang mga bintana. Lumabas dito si Jordan, nakasuot siya ng casual outfit, white polo shirt, at maong pants, naka rubber shoes siya ng black. Kasama niya ang kanyang driver at meron siya dala isang maleta na may gulong at kulay dark green ito. Tumayo ako sa aking kinauupuan, ang aking anak naman na si JC ay binitawan muna ang kanyang laruan saglit tapos ay tumakbo siya para salubungin ang kanyang ama.
"Daddy!! Daddy!!" excited na sigaw ng aking anak, tapos ay nakita ko yumakap siya sa kanyang ama.
Bago nagsalita si Jordan ay binuhat niya si JC, at hinalikan niya ito sa kanan niyang pisngi. "Hi my little prince, I miss you." Malambing na sabi ni Jordan sa aming anak. Hinayaan ko muna sila mag-ama ang mag-usap habang nagalalakad si Jordan palapit sa akin. "Sharina, can we talk?" tanong niya kaagad sa akin, matapos silang makalapit ni JC sa akin. "JC anak, dun ka muna kay Yaya Brena, maglaro ka muna dito okay? Mommy and I need to discuss some important matters." Malumanay na sabi ni Jordan sa aming anak na si JC.
"Okay, Daddy." Nakangisi sabi ni JC sa kanyang ama, tapos ay marahan siya binaba ni Jordan mula sa kanyang pagkakabuhat, at tumakbo na muli si JC para maglaro ng kanyang toys.
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL DISASTER
RomanceSa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Sharina Almonte Montecillo ay nakaya niya mabuhay mag-isa ng walang tulong ng kanyang mga magulang. Determinado din siya magkaroon ng magandang buhay para na din sa kanyang nag iisa anak. Kahit kailan ay hin...