JORDAN
Noong araw na dinala ko si JC sa hospital ay takot na takot ako, ngayon lang ako nakaranas ng ganun kaba sa buong buhay ko. Iyak ng iyak ang aking anak, pero wala ako magawa para pakalmahin siya. Kahit karga ko siya habang kami ay nasa backseat at kasama ang kanyang personal maid na si Brena ay wala din ito magawa. Pagdating namin sa hospital ng Precision Medical Center, tinawagan ko kaagad ang hospital director nila na si Mr. Julio Aguas. Sinabi ko sa kanya na nasa Emergency room ako, at kailangan ko ang tulong niya, para madala ang aking anak sa VIP room. Lahat ng staff ay nataranta noong gabi na iyun, dahil kilala ako at ang aking pamilya dito sa hospital na ito. Inasikaso kaagad ng isang doktor ang aking anak na iyak ng iyak, tinanung niya sa akin kung ano ang nangyari, sinabi ko nalaglag siya sa hagdan, ilang test din ang ginawa sa kanya, CT scan at X ray, kung may bali ba ang kanyang buto, pero wala naman daw sabi ng doktor, ang sabi lang nila sa akin ay natapilok lang daw si JC, kaya masakit ang kanan paa nito. Kaya binigyan siya ng pain reliever na gamot at nilagyan ng nurse ng ice pack ang kanyang pasa sa kanan niya binti.
Hanggang sa pag-uwi namin ng mansyon, ayaw kumain ni JC at ayaw niya pa din kumalma kahit hindi na masakit ang kanyang paa. Tinapon niya ang snacks na pinahanda ko sa kanyang personal maid, at pilit niya ako pinapalabas sa kanyang kuwarto. Mabuti na lamang at dumating na si Sharina, kaya siya na ang nag-asikaso sa aming anak, hanggang sa kinabukasan. Hindi din naman ako nakatulog ng magdamag, binalita ko kaagad sa aking mga magulang ang nangyari sa aking anak.
"Anak, alam ko kung gaano kagulo ang isip at puso mo ngayon, pero hindi mo dapat ginawa yun sa anak mo." Pinagalitan ako ni Daddy.
"Jordan, what happened to you and Abygail is not an excuse, para sa anak mo ipasa ang init ng ulo mo, maging responsible ka sana ama."Dagdag din ni Mommy sa akin.
Sa ngayon nandito lang ako sa balcony ng aking presidential suite, naalala ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Abygail, lahat ng kaartehan niya sa katawan ay nasakyan ko. Kapag kami lang dalawa ay masiyado siyang demanding, pero hinahayaan ko lang lahat yun dahil minahal ko siya. Gusto niya ay lagi nasusunod ang gusto niya, lalo na kung saan kami pupunta para mag-date. Kapag kumakain kami sa labas, hindi siya masiyado kumakain, unless may green salad. Kanina lang ay nakapag video call pa kami, gusto niyang makipag balikan, at gagawin niya daw lahat para matuloy ang kasal namin, mahal na mahal niya daw ako.
"Listen to me, Jordan. Ethan blackmailed me last month, he told me that he would reveal my deepest secret if I didn't give what he wanted. You know that right? But I never said this to you before, I indeed feel threatened whenever your son and Sharina are with us. I saw how you looked at her, even in the restaurant."
"But I told you, Abygail. You cannot change the fact that you cheated on me! You slept with another man! For how many times did you sleep together?! I don't care about your insecurities, because I don't have any plans to get back to you! After what I did to my son because of you!! For you, I denied him in front of the public! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na insecure ka?! Don't you ever try to talk to me again Ms. Sherman, because it would be better if we treat each other like a stranger from now on."
"Jordan, I will not easily give up on you! I know that you still love me very much, and I will do everything to win you back------"
"Don't test my patience, Ms. Sherman, because I can easily get revenge on you if I want to! I can easily destroy your career!"
Nakita ko nagulat siya sa aking sinabi, pagkatapos noon ay siya na mismo ang nagputol ng aming pag-uusap. I blocked her in all my social media account, including her personal number on my phone.
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL DISASTER
RomanceSa kabila ng mga pagsubok na naranasan ni Sharina Almonte Montecillo ay nakaya niya mabuhay mag-isa ng walang tulong ng kanyang mga magulang. Determinado din siya magkaroon ng magandang buhay para na din sa kanyang nag iisa anak. Kahit kailan ay hin...