"what the fuck is that decision Alliah? sabi ko naman sayo hindi ba? kaya kitang buhayin dito sa pilipinas, hindi mona kaylangan sumama sa nanay mo sa ibang bansa. Alliah, wag mo naman ako iwan oh" pagmamakaawa ni Kendric habang nakaluhod at umiiyak sa mismong harapan ni Alliah.Itinayo ito ni Alliah at hinaplos ang mga kamay ni Kendric na nanginginig sa takot na baka tuluyan na n'yang iwan ito "mahal, alam mo naman kung bakit ako sasama diba? tsaka isa pa, pamilya ko sila sana intindihin mo naman ako kahit minsan."
Pinunasan ni Kendric ang kan'yang mga luha gamit ang damit na suot-suot nito at deretsong tumingin kay Alliah "mahal? kung talagang may nararamdaman kang pagmamahal sakin, hindi ka sasama sa nanay mo, hindi mo'ko iiwan. Eh wala namang ibang ginawa yan kundi kumontra sa relasyon natin eh, at bakit? hindi ba ako pamilya para sa'yo?"
"Kahit pa anong sabihin mo, nanay ko parin sya Kendric, kaya wag na wag mos'yang pagsasalitaan ng ganyan at sa mismong harapan ko pa tala—."
"PAGSASALITAAN KO S'YA NG GANON BECAUSE THAT IS THE TRUTH!, can't you see?" nagsimulang mamula ang mukha nito na para bang kamatis sa sobrang galit.
Saglit lamang ay tumalikod si Alliah "wala na tayong dapat pag-usapan, nasabi kona ang gusto kong sabihin and I hope you'll understand it, I'm sorry, Kendric" mahina nitong sabi habang papasakay sa sinasakyan nitong kotse pero bakas ang lungkot at kita ang mga luha na nangingilit sa gilid ng mga mata nito.
"No Alliah, please, I cant lose you" malakas nitong sabi habang kumakatok sa bintana ng kotse na sinasakyan ni Alliah.
Tumingin lang sakanya si Alliah na nanghihingi ng tawad ang mga mata at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.Hinabol ni Kendric ang sasakyan kahit pa malakas ang ulan pero desperado nasya, ayaw n'yang pakawalan si Alliah. Binilisan pa n'ya ang takbo ngunit habang tumatagal ay palayo nang palayo ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa kan'yang paningin at ni usok na nanggagaling sa sasakyan ay hindi na n'ya maaninag.
napaupo nalang ito sa gitna ng daan habang sumasabay sa agos ng ulan ang kanyang mga luha "NOOOOO!!!!"
Note: This Prologue is the backstory of Kendric's heartbreak from his long time partner, Alliah.
BINABASA MO ANG
Serenade of the Lost
RomanceKendric MacQuoid had a severe love trauma and his heart was totally closed but when he met Lorelei Larkspur he was immediately captivated by her and made a way to open his heart again but there were many obstacles that they needed to overcome