Kendric's Point of View
“What?! Lorelei just liked your post, bro!” Pagkukumahog na sabi sa akin ni Tam, kaibigan ko.
“Lorelei?” Mariin kong tanong sa kanya habang sinisilip silip ang phone na hawak niya.
Suminghal ito, “maang-maanga, bro? alam kong gusto mo nayang bago nyong border. Wala ka naman dapat itago sa akin, safe sakin yang mga sikreto mo.” Pang kukumbinsi niya sakin.
Agad ko naman idineny ang sinabi niya, “Gago! hindi ko gusto yon!”
“Sus, kaya pala laging sya laman ng ig mo.” Pang aasar pa nito.
Hindi na ako bago sa ugali nyang ‘yon, nasanay na ‘ko sa mga pang aasar niya pero hindi ko naman maitatangging siya ang pinaka pinagkakatiwalaan kong kaibigan, halos magkadikit na nga ang bituka namin.
Simula kasi bata ako, siya na lagi kong kasama. siya rin ang unang dumamay sa akin noong naranasan ko ang first ever heartbreak ko.
“Tapusin mo na lang yang pagkain mo, para makalabas na tayo.” Pagmamadali ko sa kanya.
Natapos namin ang pagkain, dumiretso kami sa isang coffee shop, as usual para magpalamig sa aircon nila.
Pagpasok namin ay kinalabit ni Tam ang likuran ko. “Bago na pala taga-bantay nila dito?”
“Hindi ko napansin.”
Hindi na talaga nabago ang hilig inya sa babae, akalain mo, napansin niya agad na iba na ang bantay. Nagkagusto kase si Tam sa dating nagbabantay ng shop na ’to, si Clare halos araw-araw yang pumupunta dito noon para lang makita ‘yon.
“Alam mo bro, dapat sa mga ganyang babae, pinopormahan agad, bigyan mo ‘ko ng tatlong linggo, mapa pasagot ko yan,” pag yayabang n’ya.
“Kung makapag salita, akala mo kung sinong gwapo, narinig kona ata yan sayo nung si Clare pa pinagkakainteresan mo.” Tawa kong sabi.
Tinanggal nito ang tingin nya sa babae at ibinaling saakin, halata namang nainis s‘ya. “Atleast ako bro gumagalaw, e ikaw? Kaylan mo balak ligawan yang babae mo?”
“Hoy, hindi ko trip yon ah, alam mo naman yung nangyari sakin,” pagdedepensa ko.
“Ang arte mo naman, parang puppy love lang, di mo naman ikamamatay yan.”
Hindi nalang ako umimik pa sa sinabi niya, puppy love lang daw yon? Baka nga, pwedeng ganoon nga lang... Pero paano pa naging puppy love ang halos tatlong taon naming relasyon? Ni hindi nga considered as infatuation ang naramdam naming dalawa. Alam ko namang hindi ko ikakamatay ang breakup namin, pero hindi naman ako robot para hindi makaramdam ng sakit.
Dahan dahan akong dumukdok sa mesa na nasa harapan namin. “Hindi mo pa ba naramdaman masaktan, sa dinami dami ng naging ex mo?”
Inabot niya ang menu at nag tingin-tingin. “Pag iniwanan ka, palitan mo, napaka daling problema, hindi ko nga lang ranas yan dahil hindi naman sila yung nang iiwan.” Tumawa pa ito.
BINABASA MO ANG
Serenade of the Lost
Cerita Pendek06.17.24 Kendric MacQuoid had a severe love trauma and his heart was totally closed but when he met a woman that he think was fit to him, he was immediately captivated by her and made a way to open his heart again. There were many obstacles that the...
