06.17.24
Kendric MacQuoid had a severe love trauma and his heart was totally closed but when he met a woman that he think was fit to him, he was immediately captivated by her and made a way to open his heart again. There were many obstacles that the...
"Hello, I want to order some of your flower," sabi ko.
"Sure, any specific flower in mind?" tanong niya sa akin.
"I want your Alstroemeria one, would you get it for me?" nakangiti kong tugon.
"Of course, it's my job to serve you." nagpakawala sya ng malawak na ngiti.
Kinuha nya ang bulaklak at inabot sa akin. This type of flower is her favorite. Aalis na ako pero sumagi sa isip ko na magdala ng bulaklak. I want to surprise her.
"Any special occasion sir?" tanong niya.
"There's nothing. I just want to give that to her."
She's not just a woman. She's my partner- my friend. Lagi kong kasama sa tuwing kalaban ako ng mundo. She's the one who helps me even when I can't help myself. She saved me when no one was there to do that.
But destiny jokes. We met when I was not ready, when I was continuously ghosting my past. She's not the kind of woman that I will take a risk on.
She came when I didn't have the will to commit to someone.
That time, I can't see myself being in love again like I did before. I loved her actions but not her.
Binayaran ko na ang bulaklak para maka alis. I gave her some tip, appreciation for assisting me.
"Thank you sir," panapos nya.
Sumakay na 'ko ng taxi para makapunta na ng airport. Sinadya ko lang talaga ang bulaklak dito for me to have gift to her.
I get my passport in my pocket as I walk in the check-in counter of the airport. Actually this is one of my dreams that I prioritized. Noon ko pa pinag planuhan ang lahat ng ito... 2 years ago I think.
When I arrived at the Baggage Handling Area, they screened me and my belongings before I finally entered.
I put my baggage in the overhead compartment. I took my seat and tightened my seatbelt.
Nakita ko nang pumasok ang kapitan sa loob kaya't kinuha ko na ang pillow neck kong dala at sinimulang patugtugin ang paborito kong musika dahil panigurado ay ilang sandali na lang ay sisimulan nang paandarin ang eroplano.
As the flight went by, I heard a voice from my back.
"Hindi mo na siya mahahanap! You're so stupid to think that."
Lalaki iyon- mahina lang ang boses niya pero ramdam ko ang galit sa loob nito. Pasimple akong tumalikod at tiningnan ito. Tancha ko ay nasa mid 20's palang ang lalaki.
Agad na naman siyang sumagot sa kausap niya sa telepono. "Seryoso? ni hindi mo nga alam kung nasaan o kung buhay pa ba yang sinasabi mo."
Sa tono ng pananalita niya, mukhang babae ang kausap nya. Baka karelasyon niya.
Ang lalaking nasa likod ko lang ang naririnig ko. Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya pero sigurado akong mataas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman kasi naka loudspeaker ang cellphone niya.
Badtrip.
Hindi ko na inintindi pa ang pinag-uusapan nila bagkus ay nagsuot pa ako ng earphone at nilakasan ang volume ng hawak-hawak kong cellphone. Bilang chismoso kasi, pinaka ayaw ko ang hindi buo na pag-uusap dahil ayaw kong ini-intriga ang sarili ko.
Pumikit lamang ako saglit, hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
As I woke up, the plane reached our destination. Nagising na lamang ako sa pagkalas ng mga pasahero sa kani-kanilang upuan.
Kinuha ko lamang ang bagahe ko sa itaas at sumunod nang lumabas.
Ang creepy naman pala dito, walking around countless peoples without looking at each other, ni hindi mo makikita na madampian lamang ng tingin ng iba. As if they have their own business.
Akala ko isa lamang sa mga kumakalat na chismis na malinis ang lugar na 'to. Hindi pala. Wala kang makikitang nagtatapon ng basura kung saan-saan, nagbubuga ng usok sa pampublikong lugar, at nag-iinom sa mga tindahan.
This place is such a dream. Malayong malayo sa pinanggalingan ko.
Kinuha ko ang papel sa bulsa ko kung saan nakasulat ang eksaktong address ng hinahanap ko at sinimulang baybayin ang daan papunta rito.
Lorelei's Point of View
"I am the owner of this company so you have no right to tell me what I need to do," sambit ko sa isa sa mga shareholder ng kumpanya.
"Sinabi ko lamang na maigi kung iwasan mong makipag negosasyon sa mga taong 'yon. Lalo pa at may kumakalat na balita na walang awa nilang pinatay ang isa sa kilalang investor ng kumpanya nila. Nakasalalay dito ang bilyong pera ng kumpanya," he lectured me.
"We are professional enough para maniwala lang sa bagay na walang konkretongebidensya."
"Pero-" pagtatangka niyang sumagot.
"No more explanation!" pagpapalabas ko sa kanya sa loob ng opisina ko.
Gayunpaman, hindi ko isina walang bahala ang sinabi niya lalo at dignidad ko ang nakasalalay kung sakali mang may mangyaring hindi maganda. Magkakasundo na sana kami noon ng kabilang kumpanya but I refused, I refused their money kapalit ng malaking share sa kumpanya. I want to secure our property at hindi basta-basta lamang mawala ang pinaghirapan ng tatay ko.
Napatakbo ko ng maayos ang kumpanya. Tumaas ang sales, dumami ang investors at tumaas ang ratings ng service namin.
Nakatayo ako sa harap ng full covered glass kong bintana, sa direksyon ng labas. viewing the beauty of city.
May kumatok.
"Excuse me ma'am, you have visitor" boses iyon ni Carmella.
"Tell him/her to come inside," sagot ko.
Nilingon ko sa likod ang bisita nang bumukas ang pinto.
"W-wait, anong ginagawa mo dito?"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.