C H A P T E R 11

12 2 0
                                        

Lorelei's Point of View

M-maam?” mabilis kaming napalingon ni Kendric sa pintuan. Si Carmella. Nakatayo sa pintuan habang hawak hawak ang door-knob nito.



Dali dali kong tinanggal si Kendric sa pagkakahalik sa akin. Shit! She fucking saw us!



S-sorry ma’am” naka yuko niyang sabi na parang hiyang hiya magpakita ng mukha



Labas! Close that fucking door!” naiinis kong sabi sa kanya na agad naman niyang sinunod



Wala akong pakialam kung nasungitan ko siya kahit na alam kong hindi naman niya sinadya ang nangyari. Siguro ay nadala lang ako ng sitwasyon. Basta ang alam ko, nakita niya kami.



Ang bastos mo kasi, tingnan mo may nakakita tuloy satin!” pang sisisi ko sa kanya kahit alam kong ginusto ko rin naman.



Ano?! kasalanan ko bang nasarapan ka kaya tumagal?” pagmamataas niya.



Fuck him ang taas ng tingin sa sarili, akala mo naman ang sarap-sarap. Hindi ko na nga siya makita pa bilang dating siya. Yung nakasanayan kong siya.



Kakakita pa lamang namin uli ay sumunggab na siya, pero noon ay kahit ang hawakan lang ako ay kinanginginig na ng buong kalamnan niya.



Pero wala namang problema. I love the new version of him.



Ang landi ba pakinggan?

———

Isang linggo lang ang nakalipas at naging kami na, hindi ko na rin pinatagal dahil ito naman ang gusto ko noon pa.



Nag-aayos ako ng papeles nang pumasok ng office si Kendric.



Ano yan? ibebenta mo na ‘to?” Bungad niya



Tinaas ko ng kaunti ang paningin ko para maaninag ko siya bago magsalita “hindi, anong tingin mo rito? parang prutas na madaling ibenta sa palengke?



Ang maldita mo naman, kaya ko nga tinatanong ‘di ba” hinila niya ang isang silya na nasa harap ng table ko.



You’re just annoying me, lumabas ka nalang. Importante ‘to kaya kailangan kong tapusin,” sabi ko habang may pini pirmahan sa papel.



Ipinatong niya ang ulo nya sa mesa ko nang nakatingin sa akin. “Mas importante pa sa akin?



Yuon ang ibig kong sabihin noong sinabi kong hindi ko pwedeng tanggapin ang pagmamahal niya kasabay ng kumpanya. Magiging sagabal lang siya, pero obvious naman na bibitawan ko ang kumpanya para sa kanya.



Hindi ko na siya pinansin pa at tinuon na lang ang buong atensyon ko sa papel na nasa lamesa ko bagkus at binigyan ko pa siya ng irap, yung irap na hindi niya makakalimutan. Kailangan kona kasi itong matapos dahil ang papeles na ‘to ang maglilipat ng kumpanya sa pangalan ni kuya.



Ilang oras din ang lumipas bago ko natapos lahat ng kailangan kong tapusin. Pag tingin ko sa kanya, nandoon pa rin siya. Walang pagbabago sa pwesto, nakapatong parin sa mesa ang ulo, pero nakaangat ito. Yun nga lang, tulog na.



May nakapa akong basa sa lamesa ko “Wait! laway ba ‘yon?” nang tingnan ko kung ano ang nakapa ko na ngayon ay nasa kamay kona ay tubig ang nakita ko kaya’t inamoy ko pa ito para makasiguro “Shit laway nga!



Iwwww!!” bulyaw ko na parang nagwawala sa sobrang diri.



Napabalikwas siya sa gulat. Sa wakas, nagising din ang loko.



Nakita mong natutulog ako, sisigaw ka bigla,” naiirita niyang sabi.



At sinong nagsabi na pwedeng tulugan ‘tong opisina ko? kwarto ba ‘to ha!? At saka matutulog kana nga lang maglalaway kapa! ang baboy mo!” Pandidiri ko sa kaniya.



Kasalanan ko pa ngayon na nakatulog ako dahil hindi mo ko kinausap kanina, inuna mo pa yang papel papel na yan! Saka ang arte mo naman, parang laway lang akala mong mamatay ka! parang hindi mo naman natikman ‘to kanina” balik niya ng inis sa akin at nang gago pa.



Hindi naman ako maarte, ayoko lang talagang madikitan ng laway ang kahit na anong gamit ko. Hindi ’yon pag iinarte kung hindi pag-iingat, anong malay ko kung may sakit pala siya?

———

Dito ka na tumuloy sa bahay ko, total ay mag-isa lang naman ako rito, mas maigi siguro kung may makakasama ako,” sabi ko sa kaniya.



Oo may pera ako para kumuha ng kasambahay, pero mas gugustuhin ko naman na mag-isa kaysa makasama ang mga taong hindi ko lubos kilala.



Ginawan ko muna siya ng kaunting house tour para naman maging pamilyar siya sa bawat sulok ng bahay ko.



Lorelei! pst!” pag tawag niya sa akin sa sala “ano ‘to?



Nakita ko ang hawak niya. Yun ang binigay niya sa akin noon na maliit na laruang modelo ng tao.



Y-yan yung laruan na ibini—” hindi ko pa nabubuo ang sasabihin ko ay nagsimula na siya.



Mabuti naman, tinago mo. Kung hindi ko siguro nakita to rito ay malamang hindi ko na alam na may binigay pala ako sayong ganitong bagay.” sabi niya habang iniikot ang laruang hawak.



“‘Di ba ang sabi mo, pag namiss kita tingnan ko lang yang laruan na yan. Ang sabi mo pa ay kamukha mo yan kaya kapag gusto kitang makita, yan na lang ang tingnan ko” tumalikod na ako sa kanya, iniiwasan na baka umiyak na naman.



Narinig kong nilapag na niya kung saan nakapatong ang laruang iyon at naglakad papunta sa akin.



Saglit lang, may babalikan lang ako sa kwarto” sambit niya habang papunta sa direksyon kung nasaan ang kwarto ko.



Baka may kukunin lamang sa gamit niya. Doon ko nalang kase siya pinatulog dahil wala naman siyang ibang tutulugan dito. Maliit lang naman ang bahay ko dahil katulad nga ng sinabi ko, mag-isa lang
akong tumitira rito.



Habang hinihintay siya, nagtimpla muna ako ng tsaa para may mainom kami.



Matapos akong magtimpla ay umupo na ako sa sofa, sakto naman ang pagdating niya. Bitbit niya ang isang maliit na karton na may kalumaan na kung titingnan pero hindi maalikabok.



Pag-upo niya ay inabot niya sa akin ang karton. Dahil na rin na curious ako sa laman nun ay agad ko itong tinanggap at binuksan.



Pagtanggal ko ng takip at tumambad sa paningin ko ang isang laruan ding modelo ng tao— ang pagkakaiba lang nito ng nasa akin ay babae ang kaniya.



Nang hugutin ko iyon sa loob ng karton ay nagsalita siya.



Hindi ba ganoon rin ang ibinigay at sinabi mo sa akin?

“Hindi ba ganoon rin ang ibinigay at sinabi mo sa akin?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serenade of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon