☘☘☘
"Mommy, this cake tastes good. It's like the cake you and Daddy gave me."
Nilingon ko si Lucky at napangiti na lang nang makita ang icing ng cake na nagkalat na sa kanyang pisngi. Kumuha agad ako ng wipes sa bag ko na hindi na nawawala sa mga dala ko at pinunasan ang kanyang mukha.
"It's the same flavor. Red velvet is what its called," I told him.
"Red vevet," he giggled.
"No, velvet," I corrected him, laughing at how cute he looks. "Just eat. You can finish that."
"Okay po." He nodded, taking another spoonful of the cake.
Sumulyap muli ako sa aking relo at tumanaw sa pinto ng coffee shop. Nasa bandang dulo kami ni Lucky dahil ayoko namang sa bungad. I'm anticipating for the worst because this is the first time I'll see him in a while.
"Mommy, why are we here po?" tanong ng anak ko.
Bumaling ako sa kanya at nakitang madungis na naman siya. Pinunasan ko naman siya ulit. "We'll meet someone."
"Sino po?" he asked. His face suddenly gleamed. "Si Daddy po ba?"
Napangiti ako nang mapait. "No. Daddy still have work."
He nodded pero dahil siguro sa cake ay hindi siya sumimangot. He usually frowns whenever he would remember his Daddy.
"Eh sino po?"
"Your..." I trailed when a thought hit my mind. "Someone we know well. A family."
Tumanaw muli ako sa pinto ng cafe. Wala namang masyadong tao dahil kalagitnaan pa lang ng umaga.
I hope he comes.
Naghintay pa kami ni Lucky sa aming pwesto. Naubos na ni Lucky ang cake niya at ngayon ay naglilibang na sa iPad niya. Wala pa rin ang aming hinihintay. But still, hindi pa rin kami umalis.
Determined na ako na hanggang tanghali ay maghihintay kami at kapag wala pa ay tsaka na kami uuwi. Pero para namang dininig ng langit ang aking pagka-inip dahil natanaw ko na ang hinihintay namin.
BINABASA MO ANG
karma, my husband's uncle
Romance"You haven't met her, have you? That is my wife, Sonya." My husband gestured a hand at me. "Sonya, this is my uncle, Karma." 𝘿𝙞𝙙 𝙄 𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙨𝙡𝙚𝙚𝙥 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙢𝙮 𝙘𝙝𝙚𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙨𝙗𝙖𝙣𝙙'𝙨 𝙪𝙣𝙘𝙡𝙚? ☘☘☘ After three years of marriage...