NAGULAT si Kraine sa nabungaran nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ng stepsister niyang si Marixi. Kaya naman pala kanina pa siya katok nang katok at hindi man lang siya nito pinagbubuksan ay dahil himbing na himbing pa rin ito.
Ngunit hindi ang pagkakahimbing nito ang ikinagulat niya kundi ang katotohanang may katabi itong lalaki sa kama. At hindi naman siya makaluma para hindi iyon maintindihan.
They were sharing the same pillow and same blanket. She also knew that both of them were naked underneath. Obvious na obvious na walang damit ang dalawa dahil nakakalat ang mga iyon sa sahig. Dahil doon, isang konklusyon ang nabuo sa kanyang isip.
May nangyari sa mga ito!
Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya anumang sandali. Parang hindi niyon kayang tanggapin ang nakikita niya. Wala naman sanang problema sa kanya kahit na mahuli niya itong may katabing lalaki pero hindi ang partikular na lalaking katabi nito nang mga sandaling iyon.
"J-Jobert.." mahina niyang usal.
Gumuho na ang lahat ng pangarap niya sa buhay. She was numb already. Bigla na lang siyang nawalan ng lakas at pakiramdam. She just stood there dumbstruck and she could not even cry.
Ni hindi nga niya namalayan ang pagpanhik at paglapit sa kanya ng kanyang Mama Aurora.
"Kraine, ginising mo na ba si—"
Tili nito ang nagpagising sa dalawa.
"PAKAKASALAN mo ba ang anak ko, Jobert?" tiim ang mga bagang na tanong dito ni Fernan Abrogar. Nang pakasalan nito ang Mama Aurora niya, itinuring na rin nitong anak si Marixi.
Titig na titig naman si Kraine sa seryosong anyo ng ama. Sa tabi niya ay tahimik na umiiyak si Mama Aurora habang si Marixi naman—well, hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito nang mga sandaling iyon. Ang nasisiguro lang niya ay tahimik lang itong nagmamasid sa paligid. It seemed like Marixi was enjoying the chaos she created in the family.
"Pakakasalan ko po si Marixi, Tito Fernan," matatag na wika ni Jobert. Nang bahagya pa itong sumulyap sa kanya ay nakita niya sa mga mata nito ang paghingi ng pang-unawa.
Jobert was a responsible man. Alam niyang hindi nito tatakbuhan si Marixi, lalo na at may nangyari na sa mga ito. He was a man of character, which made her fall in love with him.
Pero ngayon, gusto niyang kamuhian ang pagiging responsable nito.
"Mabuti kung ganoon. Pag-usapan natin ang detalye ng kasal..." narinig niyang sabi ng kanyang ama.
Hindi niya alam kung paano siyang nakatagal na kaharap ang mga ito habang pinag-uusapan ang detalye ng kasal. She loathed every second and every minute of it.
Alam niyang natalo na naman siya ni Marixi dahil naagaw nito sa kanya ang lalaking mahal niya. Nasisiguro niyang nagdiriwang ang kalooban nito dahil naungusan na naman siya nito.
Kaya kinagabihan ay nagdesisyon siyang umalis muna sa kanilang bahay.
KANINA pa hinahanap ni Kraine ang bahay ng kaibigang si Wica. Pagod na siya at gutom na rin dahil napakaaga pa niyang dumating sa Naga kung saan ito nakatira.
Classmate niya ito noong college at minsan na rin siyang nakapagbakasyon sa bahay ng pamilya nito noong bago sila maka-graduate.
May nakita siyang tricycle sa kanto na bumibiyahe papasok sa lugar na iyon pero hindi siya nag-abalang sumakay. Natatakot siyang baka malampasan niya ang bahay ng kaibigan dahil hindi na niya matandaan ang address at numero ng bahay nito. Ang natatandaan lamang niya ay ang hitsura ng bahay ng mga ito. Minabuti na lang niyang maglakad. Siguro naman, sa nakalipas na dalawang taong hindi nila pagkikita ay wala namang gaanong nabago sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
One Silly Kiss - Keene Alicante
RomanceILANG araw nang hindi nakikita ni Kraine si Nayan. At aaminin niyang nami-miss niya ito. Napabuntong-hininga siya habang nakapanga-lumbaba. "Nami-miss mo iyong mag-ama, ano?" tudyo ni Wica. "Si Nayan lang," depensa agad niya. "Iyong bata o iyong ama...