Chapter 4

213 7 0
                                    

Gusto pang umamot ng kahit kaunting tulog ni Kraine pero parang pilit na may gumigising sa kanyang nahihimbing na diwa. Sa kagustuhang matulog pa rin, inignora niya ang maliliit na kamay na kumakalabit sa kanya at nakapikit na kinapa-kapa sa tabi ang unan. Nang mahawakan iyon ay agad niya iyong itinakip sa mukha.

"Mommy Kraine, Mommy Kraine," anang maliit na tinig. Pinipilit din nitong hilahin ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. "Gising na, Mommy Kraine."

Patamad niyang inalis ang unan na nakatakip sa kanyang mukha at pilit na idinilat ang mga mata. Ganoon na lang ang gulat niya nang may mamulatang mukha ng bata sa tabi niya.

Napabalikwas siya. Hindi pa gaanong nagpapakilos nang tama ang utak niya kaya hindi agad rumehistro sa diwa niya kung sino ang batang naroon.

"You look funny, Mommy Kraine," tatawa-tawang sabi nito sa kanya.

Nang marinig ang tawag nito sa kanya ay saka lang niya naalala kung sino ang bata.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Nayan?" nagtatakang tanong niya. Nang sulyapan niya ang alarm clock sa side table ay napailing siya. Ang aga namang bumisita ng batang ito.

Pero hindi naman mukhang bumibisita lang ito sa kanya. Tila papasok ito sa eskwelaan dahil naka-school uniform ito at may sukbit pang backpack sa likod.

Tila napansin naman nito ang pagkalito niya.

"Papasok na po ako sa school, Mommy. Ang sabi ko kay Daddy, gusto kong ikaw ang maghatid sa akin sa school at hindi si Yaya Ana."

Bumukas ang pinto ng kuwarto niya at sumungaw si Wica. Tuluyan na itong pumasok nang makitang gising na siya. Nakabihis na rin ito at tila papasok na rin sa trabaho.

"O, mabuti at gising ka na. Ang agang nambulahaw niyang anak mo, magpapahatid yata sa iyo. Sige, bahala ka na muna rito dahil papasok na ako," paalam nito sa kanya. Isinara na uli nito ang pinto.

Hindi niya alam kung ngingiti o ngingiwi kay Nayan nang wala na ang kaibigan. Hindi naman niya alam kung saan ito pumapasok. Nagtataka rin siya kung sino ang naghatid dito roon nang ganoon kaaga.

Bumangon na siya at kumuha ng tuwalya sa cabinet.

"Maliligo lang ako saglit, Nayan, 'tapos saka kita ihahatid sa school, okay?"

Tumango naman ito, pagkuwan ay sabay na silang lumabas ng silid.

Sa kusina sila dumiretso dahil naroroon ang banyo.

"Good morning," bati sa kanya ng isang tinig.

"Good mor—" Napahinto siya sa pagsasalita at lumingon.

"Hi!" nakangiting bati ni Terence sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng mesa at nagkakape.

Hindi siya nakapagsalita sa kabiglaanan. Nanatili lang siyang nakatingin dito. He was wearing jeans and a casual white sports shirt which did not hide his athletic body. He looked handsome and fresh this morning! And it was unfair! Hindi makatarungang ang guwapo nito nang mga sandaling iyon habang siya ay mukha pang dugyutin.

"Daddy, nagulat yata sa iyo si Mommy Kraine," humahagikgik na sabi ni Nayan na nakapagbalik ng tama niyang huwisyo.

"M-­‐‑maliligo lang ako," aniya, pagkatapos ay pumasok na sa loob ng banyo.

Pulang-­‐‑pula ang mukha niya. Hindi siya maka-­‐‑paniwalang nakita siya ni Terence sa ganoong ayos, hindi pa nakakapagmumog, hindi pa nakakapaghilamos, at higit sa lahat, hindi pa nakakapagsuklay! Ni hindi pa nga rin niya napapalitan ang suot niyang damit-­‐‑pantulog.

Mabilis siyang naligo. Habang kinukuskos ang mukha ay gusto na niya iyong burahin sa sobrang pagkapahiya. Ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Terence kapag lumabas siya ng banyo?

One Silly Kiss - Keene AlicanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon