"KRAINE, ipinatatawag ka ni Ma'am Gigi sa opisina niya," anang kaopisina niyang si Beth.
Dalawang buwan na mula nang bumalik siya sa trabaho. Maayos na naikasal sina Jobert at Marixi at masaya nang nagsasama.
"Bakit daw?"
"May bago kasi tayong kliyente na gusto yatang magpa-account ng annual taxes ng kompanya nila. Sa iyo yata ipapahawak ni Ma'am." Pagkatapos ay pilyang ngumiti ito na tila nakakita ng nude picture ng isang lalaki. Kabisado na niya ang gesture nitong iyon. "Ang guwapo niya, Kraine," kinikilig pa nitong bulong sa kanya.
"Sus, nagsimula ka na namang t-um-arget ng mga DOM. Malamang na may apo na iyon sa tuhod." Umiling-iling siya. Lahat na siguro ng businessman na naging kliyente ng kompanya nila ay nakaliskisan na nito. Nangangarap kasi itong makapag-asawa ng mayamang businessman.
"Puwede ba?" Inirapan siya nito. "Hindi po siya DOM. Bata pa siya at mabangung-mabango. Hindi amoy-lupa."
"Talaga lang, ha?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Makapunta na nga sa opisina ni Ma'am Gigi at nang makaliskisan ko ang lalaking sinasabi mo." Ngingiti-ngiti pa siya.
"Hoy, huwag mong kalilimutan, ako ang unang nakakita sa kanya kaya huwag mo siyang aagawin sa akin," banta pa nito.
"Huwag kang mag-alala, iyung-iyo na siya." Nagbigay muna siya ng warning knock sa pinto ng opisina ng kanilang head accountant bago niya iyon binuksan.
"Ipinatatawag n'yo raw ho ako, Ma'am?"
Nasulyapan niya ang lalaking kasama nito sa loob kaya nga lang ay nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha.
"Yes, Kraine. Halika tumuloy ka. Ipinakikilala ko nga pala sa iyo ang bago nating kliyente, si Mr. Terence Orozco. You'll be working on his company's annual taxes."
Nang humarap sa kanya ang lalaki, pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya. She was dumbfounded. She was looking at the one person she couldn't wait to see, yet dreaded seeing.
"Mr. Orozco, I want you to meet one of our best accountants, si Miss Kraine Abrogar."
Nakangiti pa ang boss niya kay Terence habang ipinapakilala sila sa isa't isa. "I can assure you that your company's figures are in safe hands. Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa."
Before she knew it, silang dalawa na lang ni Terence ang naroon. Bigla ay parang naging masikip ang napakaluwang na opisina ng boss niya para sa kanila ni Terence. Pati dibdib niya ay nagsisikip na rin sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang iyon. Dalawang buwan niyang pilit itong kinakalimutan pero hindi pa rin siya nagtagumpay. Ayaw na niya itong makita pero ano ang ginagawa nito ngayon doon?
He stood in front of her, tall, brooding, and still very handsome. Wala namang masyadong nabago rito maliban sa walang buhay nitong mga matang matamang nakatitig sa kanya.
Gusto niyang lumapit dito at haplusin ang guwapo nitong mukha. She wanted to throw herself in his arms and kiss him and whisper in his ears that she would ease all his pains and worries. Pero pinigil niya ang sarili. Kapag ginawa niya iyon, lalo lang siyang masasaktan.
Pinaseryoso niya ang mukha. Hindi iyon ang tamang oras para mag-isip siya ng mga ganoong bagay. He was a client and she would treat him that way.
"Let's get down to business, Mr. Orozco. Show me the figures of your company and I'll account them right away." Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagiging kalmante.
"Kraine, mag-usap tayo."
"Nag-uusap naman tayo, hindi ba? We should get moving, Mr. Orozco. Ang mga businessman na tulad mo ay masyadong abala. Alam ko rin na galing ka pa ng Bicol kaya hindi tayo dapat nag-aaksaya ng oras at panahon."
BINABASA MO ANG
One Silly Kiss - Keene Alicante
RomansaILANG araw nang hindi nakikita ni Kraine si Nayan. At aaminin niyang nami-miss niya ito. Napabuntong-hininga siya habang nakapanga-lumbaba. "Nami-miss mo iyong mag-ama, ano?" tudyo ni Wica. "Si Nayan lang," depensa agad niya. "Iyong bata o iyong ama...