Chapter 7

218 6 0
                                    

"MORNING!" nakangiting bati ni Terence kay Kraine nang pagbuksan niya ng pinto ang mag-ama.

She just stood there with no reaction at all. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa kakaibang nararamdaman sa lalaking nakatayo sa harap niya nang mga sandaling iyon. Parang sa tuwing makikita niya ito ay lalo itong gumuguwapo. And she was again acutely aware of the athletic physique that not even his sober charcoal suit could hide.

The impact of Terence in her whole system was so overwhelming that she could not even think straight. Kahit kay Jobert ay hindi niya naranasan kahit minsan man na magkalabu-labo ang takbo ng utak sa tuwing magkakaharap sila.

Kung hindi pa siguro nagsalita si Nayan at humawak sa mga kamay niya ay hindi pa niya mahahagilap ang dila para magsalita.

"Hi!" tugon niya kay Terence, pagkatapos ay yumuko at ibinaling agad ang tingin kay Nayan dahil hindi niya makayanan ang pagtitig nito sa kanya. "Good morning, baby. Ready for school?" magiliw niyang tanong sa bata.

"Yes, Mommy."

"Mabuti naman." Dumiretso ulit siya ng tayo at humarap kay Terence. She gathered all her willpower just to look at him straight in the eyes and speak without stammering. "Gusto mo ba munang pumasok sa loob para makapagkape man lang?"

"No, thanks. Ihatid na natin si Nayan. I still have an early flight. Baka mahuli ako."

"Sige, ikaw ang bahala. Sandali at magpapaalam lang ako kay Wica." Saglit lang siyang pumasok sa loob, pagkatapos ay lumabas din agad. "Tara na," yaya niya sa mag-ama.

Hinawakan ni Nayan ang kaliwang kamay niya at ang kanang kamay ni Terence habang patungo sila sa sasakyan ng mga ito.

NAGLULUTO si Kraine ng pancake para sa merienda nang marinig niyang tumili si Nayan. Simula nang umalis si Terence dalawang araw na ang nakakaraan ay madalas na naroroon sa kanila ang bata. Lalo na ngayong Sabado, buong araw itong nasa kanila kasama ang Yaya Ana nito para magpalipas ng maghapon. Mabuti na lang at pumayag ang lola nito.

Hindi na niya pinansin ang tiling iyon ng bata dahil baka nakikipagharutan na naman dito si Wica.

"Nasaan na ba iyong mantika?" kunot-noong tanong niya sa sarili. Lalo siyang napakunot-noo nang makitang wala nang laman ang lalagyan. Pinatay muna niya ang kalan at naiinis na humila ng stool para maabot niya ang cupboard. Alam niyang may natitira pang maliit na lata ng Minola na hindi pa nagagamit.

Dahan-dahan siyang dumukwang para buksan ang cabinet. Mataas pa rin iyon kahit nakatuntong na siya sa stool. Nakita naman niya ang hinahanap at inabot iyon.

"Hi!"

Nagulat siya nang marinig ang tinig na iyon. Nawalan siya ng panimbang at pumikit na lang dahil alam niyang babagsak siya sa tiled floor ng kusina. Wala sa sariling nayakap pa niya ang lata ng mantika.

Ngunit sa halip na sa matigas na sahig siya bumagsak ay natagpuan na lang niya ang sariling bumagsak sa katawan ng kung sino. She was also aware of those sturdy and powerful arms around her body.

Nang magmulat siya ay nasalubong niya ang nakangiting mukha ni Terence.

"Nayan told me that you're here," anitong hindi man lang tumitinag.

Napatanga na lang siya rito habang walang puknat na nakatingin sa mukha nito. Masyadong malapit ang mga mukha nila sa isa't isa at natatakot siyang kapag nagsalita siya o gumalaw man lang kahit kaunti ay magpapang-abot ang mga labi nila.

"Kraine!" Narinig niya ang humahangos na tinig ni Wica. "Ano iyong narinig kong kala. . bog?" Kakaiba ang ngisi nito nang lingunin niya. Tiyak na iba na ang interpretasyon nito sa posisyon nila ni Terence.

One Silly Kiss - Keene AlicanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon