Chapter 9

235 3 0
                                    

KANINA pa nakaalis si Terence pero hindi pa rin tumitinag si Kraine mula sa pagkakatayo sa likod ng pinto. Isinara lang niya iyon nang ihatid siya ng lalaki ngunit hanggang sa marinig niya ang papalayong ugong ng sasakyan nito ay hindi na siya umalis mula sa pagkakasandal doon.

She was afraid. Talagang natatakot siya sa damdaming ginising nito sa kanya. Magkaibang-magkaiba ang naramdaman niya kay Jobert at kay Terence. Minsan na niyang naramdaman kung paano ang mabigo nang sabihin ng kanyang kababata na pakakasalan nito si Marixi, to think that she wasn't really in love with him in the true sense of the word. Pero gumuho ang lahat-lahat sa kanya dahil sa pangyayaring iyon. Paano pa kung mabibigo rin siya kay Terence?

Sinabi nitong gusto siya nito. But that did it. He liked her, no more no less. Gusto siya nito dahil sa atensiyong ibinibigay niya sa anak nito. Sa madaling salita, gusto lang siya nito dahil pinasasaya niya si Nayan. Isipin pa lang niya na hanggang doon lang ang lahat ay nais na niyang umiyak. At habang hindi pa ganoon katindi ang nararamdaman niya para sa lalaki ay kinakailangan na niyang gumawa ng paraan upang putulin ang kahibangang iyon.

No matter how it would hurt her, she had to do it.

Sa pangalawang pagkakataon, tatakas ulit siya sa kabiguan.

"AALIS ka na? Pero bakit?" Iyon kaagad ang tanong ni Wica kay Kraine kinabukasan habang nag-aalmusal sila at sabihin niya ritong babalik na siya sa Maynila.

"Overstaying na ako rito. Kahit naman nakapagpaalam ako sa opisina ay kailangan ko na ring bumalik doon," sagot naman niya.

Umangat ang kilay nito. "Hindi ganyan ang drama mo nang bigla ka na lang sumulpot dito. Mukhang may gusto ka na naman yatang takasan."

"Ano ka ba, sino naman ang tatakasan ko rito, aber? Naka-recover na ako sa kabiguan ko kay Jobert at tanggap ko na ang pagpapakasal nila ni Marixi kaya babalik na ako sa amin. Isa pa, nag-aalala na sina Papa at Mama Aurora," katwiran niya, trying to sound convincing.

"You should hear yourself, Kraine. You're lying," seryoso nitong pahayag.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin." She sipped her chocolate drink. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pag-iling nito.

"Kailan mo naman balak umalis?"

"Baka bukas nang maaga o kaya mamayang gabi na. Pupunta na nga ako sa terminal para bumili ng ticket."

"Mukhang nagmamadali ka yata. Nakapagpaalam ka na ba kay Nayan?"

"Hindi na siguro ako magpapaalam sa kanya."

"How about Terence?"

Masyadong mapanuri ang tinging ibinigay nito sa kanya kaya iniwas niya ang mga mata rito.

"Hindi na rin siguro ako magpapaalam sa kanya."

"Hindi ka magpapaalam sa bata, 'tapos hindi ka rin magpapaalam sa ama ng bata. I sense that something is wrong. Pero kung ayaw mong magsabi sa akin, bahala ka." Dinampot nito ang shoulder bag na nakapatong sa mesa. "I better be going. Baka ma-late ako sa opisina. Sana pag-uwi ko mamaya, abutan pa kita rito." Humalik ito sa pisngi niya.

"I'll still be here. Hihintayin kita bago ako umalis."

"AALIS ka." Mas kumpirmasyon iyon kaysa tanong.

Nilingon ni Kraine ang pinanggalingan ng tinig. It was Terence. Wala siyang mabasang anuman sa mukha nito habang seryoso itong nakatingin sa ineempake niyang mga damit.

"Ikaw pala." Nakangiting humarap siya rito. "Hindi ko namalayan ang pagdating mo. Where's Nayan?"

"Huwag mong baguhin ang usapan. Where are you going?" Humakbang ito palapit sa kanya.

One Silly Kiss - Keene AlicanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon