"MASAYANG-MASAYA si Nayan habang nakikipag-usap si Kraine dito. Panay ang tawa nito sa mga jokes niya. Kahit pa nga minsan ay corny na iyon. Ganoon nga marahil ang bata, madaling mapatawa kahit hindi naman talaga nakakatawa. Maski nga siya ay hindi natatawa sa sinasabi niya pero kapag nag-umpisa nang humalakhak si Nayan, nadadala na rin siya.
"C'mon, Mommy Kraine, I want to hear another joke," nakangiting sabi nito.
"Hmm, let me see.." Nag-isip na naman siya ng panibagong joke.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo, ah," puna ni Terence nang pumasok ito sa silid ni Nayan.
"Daddy!" Tuwang-tuwang yumakap ang bata rito.
"Hmm.. how's my baby?"
"Mabuti na po ang pakiramdam ko, Daddy. Magaling kasing mag-alaga si Mommy Kraine."
"Talaga? Baka naman pinapagod mo nang husto ang mommy mo, anak?" anitong sumulyap sa kanya.
Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Parang natural lang dito ang pagkakabanggit ng salitang "mommy." Pakiramdam tuloy niya ay bahagi siya ng pamilyang iyon. Teka nga, ano ba ang mga pumapasok sa isip niya? Nag-iwas siya ng tingin kay Terence at ibinaling sa anak nito. Natatakot siyang mabasa nito ang iniisip niya. Nakakahiya kasi.
"Hindi naman niya ako pinapagod." Saglit siyang tumingin dito at ngumiti para pagtakpan ang pagkailang na nararamdaman niya. It seemed that her mind wasn't functioning well. Naguguluhan kasi siya sa mga ikinikilos at sinasabi ni Terence. May nabanggit na kaya si Nayan dito tungkol sa sinabi nito sa kanya?
"Àyan, okay naman pala kay Mommy. Dadaanan na lang ulit natin siya sa kanila bukas."
"Daddy, hindi po ba puwedeng dito na sa atin tumira si Mommy Kraine para araw-araw na lang kaming magkasama?" inosenteng tanong ng bata.
Nag-aalalang napatingin siya kay Terence at hinintay ang sasabihin nito. Ngunit hindi naman ito nagsalita kaya napilitan siyang sagutin si Nayan.
"Ah, o-okay lang sa akin. Wala naman akong gagawin bukas." Ngumiti ulit siya upang pagtakpan ang kakaibang nararamdaman niya sa sarili. It seemed that her mind wasn't functioning well.
Naguguluhan kasi siya sa mga ikinikilos at sinasabi ni Terence. May nabanggit na kaya si Nayan dito tungkol sa sinabi nito sa kanya?

"Ayan, okay naman pala kay Mommy. Dadaanan na lang ulit natin siya sa kanila bukas."
"Daddy, hindi po ba puwedeng dito na sa atin tumira si Mommy Kraine para araw-araw na lang kaming magkasama?" inosenteng tanong ng bata.
Nag-aalalang napatingin siya kay Terence at hinintay ang sasabihin nito. Ngunit hindi naman ito nagsalita kaya napilitan siyang sagutin si Nayan.
"Ah, Nayan, hindi puwede ang hinihiling mo. May bahay naman ako at saka kapag umalis ako roon, walang makakasama si Tita Wica. Mag-iisa lang siya," paliwanag niya kasabay ng panalanging tanggapin sana nito ang sinabi niya at huwag nang magtanong pa.
BINABASA MO ANG
One Silly Kiss - Keene Alicante
RomanceILANG araw nang hindi nakikita ni Kraine si Nayan. At aaminin niyang nami-miss niya ito. Napabuntong-hininga siya habang nakapanga-lumbaba. "Nami-miss mo iyong mag-ama, ano?" tudyo ni Wica. "Si Nayan lang," depensa agad niya. "Iyong bata o iyong ama...