Chapter 2

325 10 0
                                    

DAHIL si Phoebe ang nag-­‐‑asikaso sa bangkay ng dating labanderang labis niyang kinagiliwan noong bata pa siya, harassed na harassed din si Phoebe sa halos isang linggong burol hanggang sa libing ni Nana Ilyang.

Mabuti na lamang at kaagapay niya si Winnifred, mula sa suportang emosyonal hanggang sa pinansiyal. Gayon na lamang ang pasasalamat sa kanila ng pamilya ni Nana Ilyang. Walang kabuhayan ang mga ito kaya itinuturing nila si Winnifred na hulog ng langit ng mga naiwan ng yumao.

Dahil wala nang mag-­‐‑aalaga sa amang lumpo, napilitang mag-­‐‑resign si Nenita bilang alalay ni Phoebe. Pero may inirekomenda naman itong hahalili rito.

Nagpahinga lamang si Phoebe nang tatlong araw bago gumayak patungong Bukidnon.

Kasama niya sa pagpunta roon sina Winnifred at ang bago niyang alalay na si Luzviminda.

Nagsawalang-­‐‑kibo na lamang si Phoebe nang makita ang pagkadismaya ng mayordomang si Manang Inday nang ipakilala niya sa matanda ang nobyo. Halatang disappointed ito sa lalaki.

Kunsabagay, hindi ang matandang babae ang kauna-­‐‑unahang kinakitaan ni Phoebe ng ganoong reaksiyon nang malamang si Winnifred ang kanyang boyfriend. Maging ang ibang tauhan sa villa ay ganoon din ang naging reaksiyon.

Pasalamat na lamang siya at tunay namang all-­‐‑eyes sa kanya ang kasintahan kaya hindi nakahalata sa tahimik na pagbatikos dito ng kanyang mga kawaksi.

Napuna ni Phoebe na si Manang Inday na lamang yata ang tauhang kilala niya sa villa. Halos lahat yata ay pinalitan ng Kuya Rudolph niya kaya wala na siyang mahagilap na mga pamilyar na mukha.

Kinabukasan ng umaga ay lumipad si Winnifred pabalik sa Maynila. Masyadong abala ang kasintahan sa ospital na pag-­‐‑aari ng pamilya nito kaya ang isang araw na paglalagi sa Bukidnon ay malaki nang abala sa schedule ni Winnifred.

"NARINIG n'yo na ba, Senyorito? Nasa Rancho San Buenaventura na ang unica hija ni Don Protacio."

Nagulat si Frederick sa isinalubong na balita sa kanya ni Adolfo. Pagkatapos sumabak sa matinding pressure sa mga negosyo niya sa Maynila, napakagandang balita niyon sa pagbabalik ni Frederick sa kanyang asyenda.

Nasiyahan ang kanyang katiwala sa nakitang pagliliwanag ng mukha niya.

"Kayang-­‐‑kaya na ninyong gawan ng paraan upang makausap si Miss San Buenaventura, Senyorito. Nasa Amerika si Rudolph Ong at magtatagal daw doon, ayon kay Andoy," tukoy ni Adolfo sa bagong hardinero sa kabilang villa.

Napag-­‐‑alaman ni Frederick na si Andoy ay kamag-­‐‑anak ni Adolfo na namasukang kawaksi sa Villa San Buenaventura. Sa hindi matukoy na dahilan ay pinagpapatalsik ni Rudolph ang mga dating kawaksi ng villa. Ang tanging itinira ng lalaki ay ang mayordoma na kamag-­‐‑anak nito.

"Nagpakasal na raw ang timang," pagpapatuloy ni Adolfo. "At ayon kay Andoy, baka abutin sa Las Vegas nang mga anim na buwan ang mga bagong-­‐‑kasal."

Napangiti nang malawak si Frederick. "Good," aniya na may unti-­‐‑unting nabubuong plano sa matalas na isip. "Adolfo, operational na ba ang maliit na milk pasteurization plant na itinayo ni Ong sa rancho?"

"Hindi pa, subalit sabi ni Andoy ay nagsisimula nang mag-­‐‑eksperimento roon ang mga diumano'y expert na hired ni Rudolph. Bakit ho, Senyorito?"

"Hindi ba't ang mayordoma na lamang ang kawaksing nalalabi sa villa mula nang 'linisin' ni Ong ang Rancho San Buenaventura?"

Tumango si Adolfo.

"At ni minsan ay hindi pa ako nakikita ng mayordomang iyon since palagi lang siyang nasa bahay, correct?"

Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon