Chapter 9

259 8 0
                                    

"SIR, MAY bisita kayo rito sa office," bungad ng sekretarya ni Frederick sa kabilang linya. "And she insists that you meet her at once, kung hindi ay baka raw magbago ang isip niya."

Napakunot-noo si Frederick. "Sino yan?"

"You wouldn't believe, Sir." Nasa tinig ni Blessie ang kilig. "May pagka-demanding pala yon."

"Sino nga, eh?"

"Si Miss Phoebe, Sir!" Sinundan iyon ni Blessie ng isang impit na tili. "Can you believe it? Hinahanap niya kayo! Aba, dapat mamayang gabi ay narito na kayo sa Maynila, Sir, at dala na ang heirloom na emerald na para sa kanya!"

May kung anong kabang sumalakay sa dibdib ni Frederick. Malalaman na ni Phoebe ang tunay niyang pagkatao.

Bahala na, sabi na lamang niya sa sarili.

"Sabihin mong personal ko siyang pupuntahan sa town house niya mamayang gabi. Yes, dinner date. Seven-thirty, sharp."

Pagkatapos makipag-usap kay Blessie, mabilis na nagbihis si Frederick. Pupunta siya sa kanyang asyenda. Naroon ang kanyang helicopter. Kailangang makarating siya sa Maynila bago gumabi.

Nang maparaan si Frederick sa silid ni Phoebe, wala sa loob na lumapit siya roon. Nagulat pa siya nang biglang pumihit ang seradura. Hindi ini-lock ng dalaga ang silid nito.

Dire-diretsong pumasok doon si Frederick, at napangiti nang makita ang malaking portrait ni Phoebe sa dingding. Iyon ang larawang ipinakita sa kanya ng yumaong Don Protacio. Ang larawang agad bumighani sa kanyang pihikang puso.

Napapabuntong-hininga nilapitan ni Frederick ang portrait at pinaraanan ng mga daliri ang outline ng mukha ni Phoebe. "Phoebe..."

Ilang minuto pa iyong tinitigan ni Frederick bago nagpasyang lumabas na. Sa kanyang pagpihit, may nahagip ang kanyang mga mata. Nakapatong sa nightstand ang miniature wooden replica ni Phoebe na kanyang ginawa. Napapangiting nilapitan iyon ni Frederick at dinampot. Naalala niya ang iniukit niyang mga letra sa ilalim niyon. "I.. You," bigkas niya.

Ilang saglit pa iyong pinagmasdan ni Frederick bago dinukot mula sa kanyang bulsa ang swiss knife na kakabit na ng kanyang katawan. Sigurado ang mga kamay na inukit ni Frederick ang missing word sa pagitan ng dalawang letra. I love you.

Pagkuwa'y dahan-dahan niyang ibinalik sa nightstand ang maliit na sculpture.

FOR THE first time in his life, naging kabado si Frederick sa napipintong pagharap sa isang babae.

Bago pa lamang mag-alas-siyete ng gabi ay nakaparada na ang kotse ni Frederick di-kalayuan sa gate ng town house unit ni Phoebe. Nasa loob lamang siya at panay ang buntong-hininga.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng dalaga sa oras na mabatid nito ang totoo niyang pagkatao?

"Sir, manunubig lang ho ako."

Napukaw si Frederick ng tinig na iyon. Nawala sa kanyang isip na kasama nga pala niya si Jojie, ang kanyang personal driver. Tinanguan niya ito. Ilang paglabas-masok na sa kotse ang ginawa ng driver ay nakatunganga pa rin si Frederick sa backseat.

"Sir..." untag ni Jojie sa kanya.

Tumingin siya rito, waring lipad pa rin ang isip.

"Kanina pa ho naglalabas-masok sa unit niya si Miss San Buenaventura," sabi ni Jojie. Itinuro nito ang balkon ng dalaga na naiilawan. "Hayun ho siya... at mukhang inip na inip na."

Napasulyap si Frederick sa kinaroroonan ni Phoebe. At nakita niyang mukhang inip na inip na nga ito.

Napamaang si Frederick nang tumingin siya sa suot na wristwatch. "Shit! It's eight-ten already!" sambit niya, sabay baling kay Jojie. "Puntahan mo siya, Jojie. Dalhin mo na ang mga bulaklak."

Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon