Chapter 3

282 9 0
                                    

NAPAANGAT ang isang kilay ni Frederick nang marinig ang sinabi ni Luzviminda, ang kasamang alalay ni Phoebe mula sa Maynila. Kausap nito ang isang dalagang kawaksi sa villa.

"Talagang mabait si Sir Winnifred, Lucy," sabi ni Luzviminda. "Bukod sa siya na ang nagpaburol sa chapel at nagpalibing sa nanay ng kaibigan kong si Nenita, binigyan pa niya ng wheelchair at kung ano-­‐‑anong mga gamit si Mang Caloy. Ang pangako pa ay ia-­‐‑apply for scholarship ang bunso nila sa darating na pasukan. May pag-­‐‑aaring eskwelahan kasi ang pamilya ni Sir. Kung hindi lang mataba, superhero na talaga si Sir Winnifred."

"Oo nga," narinig ni Frederick na segunda ni Lucy. "May hitsura naman, kaso'y mataba nga. Bakit kaya pinatulan iyon ni Ma'am Phoebe? Oo nga't mabait siya, pero siguro naman ay mas marami pang mababait din na nagkagusto sa amo natin, ano? Lalo na't nag-­‐‑aral naman siya sa Amerika."

Inilapit ni Frederick ang tainga sa dingding na nakapagitan sa kanila ng dalawang babae nang humina ang pag-­‐‑uusap ng mga ito. Tila nagbubulungan na lamang. Nasa loob si Frederick ng barn habang ang dalawa ay naghuhuntahan sa labas niyon.

"Makuwarta si Sir Winnifred," mahinang turan ni Luzviminda. "Sabi sa akin ni Nenita, umaasa raw si Ma'am Phoebe na kapag nakasal sila, matutubos na sa pagkakasangla sa bangko ang ranchong ito."

"Ah," narinig ni Frederick na bigkas ni Lucy. Kahit hindi nakikita ay may palagay siyang tumango-­‐‑tango pa si Lucy. "Pero papaano iyon? Ibig kong sabihin, eh, papaanòpag kasal na sila? Pareho naman silang doktor kung saka-­‐‑sakali, kaya alangan naman sigurong dito sila sa Bukidnon manirahan, ano?"

"Siyempre hindi, ano. Kay Sir Rudolph pa rin niya ipagkakatiwala ang buong kabuhayan dito sa probinsiya. Ano ba naman ang gagawin dito ni Ma'am? Ngayon pa nga lang ay inip na inip nàyong tao, eh," sabi ni Luzviminda.

"Ayaw lang siguro niyang mawala ang mga lupaing ito na pinaghirapan ni Don Protacio, ano? May sentimental value, kumbaga," sabi naman ni Lucy.

"Mismo. Kaya nga tigas ang pagtanggi niyang makipagnegosasyon sa tusong Frederick Villavicencio na iyon, eh," yamot na pahayag ni Luzviminda.

"Talaga. Aba, sabi ni Sir Rudolph ay gagawin lang s'ong golf course ang lupaing ito para sa mga turista! Iyon nga namang ilog diyan sa duluhan ay napakagandang gawing resort dahil galing sa bukal ang tubig. At sa gawing kanluran naman, gusto niyang palawakin ang citrus farm niya." Obvious na prejudiced na rin si Lucy. Marahil ay dahil sa mga naririnig na kuwento mula sa amo at sa mga kasama sa villa.

Gustong manggalaiti ni Frederick habang pinakikinggan ang pagtsitsismisan ng dalawang kawaksi ni Phoebe. Ganoon pala ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao sa Rancho San Buenaventura! Alam na niya ngayon kung bakit pinagpapalitan ni Rudolph ang mga tauhan doon. Naisip din ni Frederick ang narinig tungkol sa diumano ay nobyo ni Phoebe. Kilala niya sa pangalan ang lalaking tinutukoy ng dalawang kawaksi, si Winnifred Concepcion, isang cardiologist na nagmula sa mayamang angkan sa Laguna.

Hindi alam ni Frederick kung masisiyahan sa kaalamang hindi magandang lalaki si Winnifred—na tulad niya, though hindi iyon ipinagmamalaki ni Frederick—o bagkus ay madidismaya. Dapat na malugod si Frederick dahil tiyak na kung gagamitan niya ng charm, tatalunin niya si Winnifred sa pagbighani kay Phoebe. Ngunit mas dapat siguro siyang malungkot dahil sa kabila ng diumano ay katabaan ng lalaki, mahal pa rin ito ng dalaga at siyang napipisil na maging asawa.

Pero ano kaya kung pera lang ang habol ni Phoebe kay Dr. Concepcion?

Ang pag-­‐‑asang iyon ay dagling napawi nang muling marinig ni Frederick ang sinasabi ni Luzviminda.

"Nakakakilig din naman sina Sir Winnifred at Ma'am Phoebe, ano? Nakita mo naman kung gaano ka-­‐‑sweet si Ma'am. Kulang na lang ay subuan ng pagkain si Sir noong dumating kami rito."

Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon