Chapter 4

252 7 0
                                    

AYAW dalawin ng antok si Phoebe nang gabing iyon. Tuksong pabalik-balik sa kanyang alaala ang naging engkuwentro nila kanina ni Dr. Edmund Yuco.

"Papayag ka bang pakasal sa akin?" Tila umaalingawngaw iyon sa kanyang pandinig.

"Ah, hindi ako dapat magpaapekto sa gagong tulad niya!" inis na sabi ni Phoebe sa sarili bago bumalikwas ng bangon. Nagdesisyon siyang bumaba upang uminom ng malamig na tubig sapagka't waring natutuyo ang kanyang lalamunan sa labis na inis.

Napangiwi siya pagsulyap sa luminous alarm clock na nasa kanyang nightstand. Mag-aalas-dos na ng madaling-araw subalit ni katiting na antok ay wala siyang madama.

Kinuha ni Phoebe ang pink robe at ibinalot sa kanyang katawan na natatakpan lamang ng puting negligée. Pagkuwa'y magagaan ang paang lumabas ng silid at bumaba.

Nasa pintuan na si Phoebe ng kusina nang matigilan. Bukas ang ilaw roon. At this wee hour, sino kaya bukod sa kanya ang gising pa?

Nakiramdam muna si Phoebe at mayamaya lamang ay dumilim na ang paligid. Saka pa lamang siya humakbang papasok sa kusina.

Dumiretso si Phoebe sa kinaroroonan ng refrigerator. Mula roon ay kinuha niya ang isang pitsel ng tubig at ipinatong sa ibabaw ng mesa. Maingat niyang nilapitan ang cupboard at kumuha ng isang mug.

Kasalukuyang lumalagok ng malamig na tubig si Phoebe nang gulatin siya ng baritonong tinig mula sa kanyang likuran.

"Hindi ka rin ba makatulog, Phoebe?"

Halos mapalundag siya sa gulat. Pagharap ay hindi agad naaninag ni Phoebe ang mukha ng may-ari ng tinig subalit nakasisiguro siyang si Edmund iyon.

"What the hell!" sikmat niya.

Mabilis na binuksan ni Edmund ang ilaw. Nang lumiwanag ay nakita niya itong nakahalukipkip sa pagkakasandal sa dingding.

"Magugulatin ka pala, Phoebe."

"Damn it," yamot na bulong niya. Ibinaba niya ang hawak na mug. "What are you doing here at this hour?"

"Gaya mo, nauhaw rin ako," walang-anumang tugon ni Edmund. "Ayaw ka ring dalawin ng antok, Phoebe?"

"It's none of your business," irap niya na muling lumagok ng tubig. Pagkatapos uminom ay mabilis na inilagay ni Phoebe sa sink ang ginamit na mug at saka ibinalik sa refrigerator ang pitsel ng tubig.

Akmang tatalikod na si Phoebe upang bumalik sa kanyang silid nang pigilan siya ng matitigas na kamay nito.

"Not so fast, lady."

Nagpumiglas si Phoebe. Tila masusunog ang kanyang mga braso na hawak ng lalaki sa tindi ng init na inihahatid ng mga kamay nito. "Damn it, let me go!"

"Wala akong gagawing masama sa iyo kaya huwag kang mag-eskandalo, puwede ba?"

Nabanaag niya ang pagkainis sa mukha ni Edmund. "Will you act like a lady? Para kang isang batang paslit, Phoebe. Palibhasa'y spoiled-brat ka."

Pinandilatan niya ito. "Wala kang pakialam sa ugali ko, you brute. Now if you don't mind, gusto ko nang bumalik sa kuwarto ko." Subalit hindi pa rin siya binitiwan ni Edmund. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Let go of my arms, please," sarkastikong bigkas ni Phoebe.

Ngunit sa halip na pakawalan siya, lalo pang inilapit ni Edmund ang katawan sa kanya.

Kinabahan siya. What's going on in his crazy head? kinakabahang tanong ni Phoebe sa isip.

Kung hindi siya nagkakamali, nais siyang halikan ni Edmund.

At hindi nga nagkabula ang kanyang hinala.

Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon