KINABUKASAN
Maagang nakatanggap ng tawag si Blessie sa amo niya si Frederick. May importante itong bagay na ipinagbilin sa kanya.
"But, Sir," ani Blessie sa medyo nagpoprotestang tinig. "How can I find this certain Nenita? Ni walang surname..."
"She's Phoebe San Buenaventura's former maid-cum-chaperon. Sa pagkakaalam ko'y anak siya ng dating labandera ng mga San Buenaventura na kamamatay lang this month. Ah, basta, do everything para ma-locate siya," mahigpit na utos ni Frederick. "Hire a detective if you must, basta gusto kong matagpuan mo siya. Understood?"
Napabuntong-hininga si Blessie. "Yes, Sir," sabi na lamang niya bago narinig ang mahinang click, tanda na ibinaba na ng kausap ang telepono.
Napapailing na ibinaba na rin ni Blessie ang telepono. Hindi niya maintindihan ang kanyang amo nitong mga nakaraang linggo. Ang weird kung umakto.
He needs a wife, napapangiting sabi na lamang ni Blessie sa isip.
Hindi pa man nakakahuma ni Blessie nang muling tumunog ang telepono. Iniangat niya iyon.
"Villavicencio Enterprises, good morning," bati niya sa nasa kabilang linya.
"Blessie, I forgot something."
Umikot ang kanyang mga mata. "Ano poyon, Sir?"
"I want you to purchase a set of diamond jewelries," utos ni Frederick. "A pair of earrings, a necklace, a ring, pati na bracelet. Kung puwede pati anklet, the better."
Napamulagat si Blessie. "D-diamonds, Sir?"
"Yeah, diamonds. And, Blessie..."
"Sir...?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng amo.
"Do you think mas ma-appreciate niya ang emerald?"
Napangiti si Blessie. "Emerald is fine, Sir. But if I were the lady, I think, mas gusto ko ang diamond. Bakit, Sir? Sino ho ba'ng lucky girl na ito na pagbibigyan ninyo ng mga alahas?" Naisip niya na baka ang 'Nenita' na binanggit nito kanina ang masuwerteng babae. "Si Ma'am... Nenita ho ba?"
"No," mabilis na tanggi ni Frederick. "Kahit heirloom pa ang emerald, do you think she'd prefer the diamonds?"
"Aba, ibang kaso na iyan. Of course, the lucky lady would always prefer the heirloom. Mas may sentimental value iyon, which means, she's really important to you. Mas ma-appreciate niya iyon."
"Thanks, Blessie. Huwag ka nang maghanap ng diamond, then. I just have the perfect gift for Phoeb—oh, never mind!"
"Phoeb... what, Sir?" pangungulit niya.
"Phoebe San Buenaventura?"
"For God's sake, Blessilda," pakli ni Frederick, "go back to work!"
Humahagikgik pa rin si Blessie nang muling marinig ang click sa kabilang linya. Sabi ko na nga ba, sa loob-loob niya. Sir has been acting weird lately. And he's been obsessed with Rancho San Buenaventura for quite a while now. Hmm... Sabi na nga ba at may romantic intentions ang amo sa labis na obsession nito sa naturang rancho.
ISANG linggo ang pinalipas ni Frederick bago niya tinawagan ang kanyang sekretarya. Katatapos pa lamang ng meeting niya sa isang prospective client.
"Blessie, have you found her?" agad na usisa ni Frederick.
"You mean, Nenita Duque, Sir?"
"If that's the full name of Phoebe's chaperon, then yes. Have you found her?"
BINABASA MO ANG
Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - Camilla
Romance"I'm willing to do everything... to give everything... to lose my everything... if it means gaining you." "There is no way you are going back to Winnifred," mariing pahayag ni Frederick. "There's no other man for you, Phoebe. I'm the only man in the...