"At sana ay huwag nito iyong itanggi, or else baka mabaliw siya."
"Tara na, baka mainip na si Prince Charming," yakag ng kinikilig na si Luzviminda. Inalalayan siya nito sa paglabas ng silid.
Nasa punong hagdan na sila nang makasalubong nila si Tita Guada.
"Balik, balik!" sabi nito, sabay tulak sa kanya pabalik. "Doon sa kuwarto ni Frederick, bilis!"
"Tita Gua—"
Wala nang nagawa si Phoebe kundi magpatianod sa nais nito. Nang maitulak siya paupo sa malambot na kama sa silid na inookupa ni Frederick sa bahay na iyon, mabilis nang lumabas ng pinto ang may-edad na babae.
"Be still..." utos pa nito bago tuluyang umalis. Naiwang nakakunot-noo si Phoebe. Mayamaya ay naisipan niyang magmasid sa kabuuan ng silid. Maraming framed pictures si Frederick na nakasabit sa dingding ng silid; ngunit isang maliit na frame ang nagnakaw ng pansin ni Phoebe. Nasa bedside table iyon, sa tabi ng telepono. Dinampot niya iyon at namangha sa nakita. Larawan iyon ni Phoebe, ipininta sa canvass. At sa likuran ng kanyang pigura ay ang nakangiting si Frederick! Nagbibigay iyon ng impresiyon na nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Nasa ganoong posisyon si Phoebe nang biglang bumukas ang pinto ng silid.
Saka pa lamang siya napukaw at napatingin sa pinto. Pareho silang nabigla ni Frederick pagkakita sa isa't isa. Ngunit higit itong napamaang.
"Kuya, iiwan na kita sa maganda mong physical therapist, ha?" Pagkasabi niyon ni Gracie ay mabilis na itong lumabas ng silid. Naiwan sila ni Frederick na kapwa nakatitig sa isa't isa.
Ito ang bumasag sa katahimikan.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Frederick.
Ikinadismaya iyon ni Phoebe. Hindi ganoon ang inaasahan niyang magiging reaksiyon ng binata.
"A-ako ang physical therapist mo," kiming tugon ni Phoebe. "I was a physical therapist before I went to med school."
Tumayo siya, pilit ikinukubli ang samu't saring nadarama sa kanyang dibdib; partikular ang mumunting paruparong nagsisipagbaligtaran sa kanyang sikmura.
Pumuwesto si Phoebe sa likuran ng wheelchair ni Frederick at marahan iyong itinulak palapit sa kama. "Come on, dito ka sa kama," sabi niya.
Walang imik na nagpatulong ito sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "Why are you here?"
"To help you," sagot ni Phoebe na hindi tumitingin kay Frederick. Nagkunwari siyang busy sa pag-aayos ng mga unan nito. "To love you..."
Maang na napatingin ito sa kanya. "W-what did you just say?"
"I'm here to love you," mariing pahayag ni Phoebe na matamang nakatitig sa mga mata nito. "At huwag mong ide-deny na hindi mo ako mahal. Inamin mo nàyon sa akin."
Kung ano mang emosyon ang naglalaro sa puso ni Frederick, walang ideya si Phoebe sapagka't blangko ang facial expression nito.
"Nagbago ba'ng isip mo?" wala pa ring emosyong tanong ni Frederick. "Na-realize mo na, finally, kung gaano ka-unsexy ang boyfriend mong lumba-lumba?"
Natawa si Phoebe. "Para kang bata. Excuse me, magpapakasal na po si Winnifred, 'no?"
"But you two were together abroad!" protesta ni Frederick.
Tuluyan nang lumakas ang kanyang loob sa nakita niyang emosyon nito. "Consult a world map, darling," malambing na sabi ni Phoebe. "Ang layo-layo naman yata ng Hong Kong sa Florida."
Tumingin ito sa kanya, waring may pagmamakaawa sa mga mata. "Phoebe, please... If this is a joke—"
Mabilis pa sa kidlat na nakaupo si Phoebe sa tabi ni Frederick. Mahigpit siyang yumakap dito.
"Who's joking? Mahal kita, Frederick. Winnifred is out of my life now. He's in Miami at nagpakasal na siya roon sa isang family friend."
Hindi ito nakapagsalita.
Hinalikan ni Phoebe si Frederick sa baba.
"If it wasn't you I love, akala mo ba'y basta ko na lang siya pakakawalan? Bah, mataba ngàyon pero mas mataba ang bulsa niya!" birong-totoo niya.
Tila hindi makapaniwalang tumitig si Frederick sa mukha niya. "Phoebe..."
"Just kiss me, please...?"
Tuluyan nang nabura ang anumang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha ng binata. Sabik na hinalikan siya nito. Kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi sa pagkakahugpong.
"I love you," bulong ni Phoebe. "Sorry, hindi na kita nadalaw sa hospital. Kadarating ko lang from Bukidnon yesterday and your aunt asked me to stay here hanggang sa ilabas ka nga. Surprise daw... and here I am." Hinawakan ni Phoebe sa magkabilang pisngi si Frederick. "Hindi na kita pakakawalan, Lover Boy. Great catch ka. Guwapo na, mayaman pa... at magaling pa sa farming! Rancho San Buenaventura will live forever!"
Biglang nalukot ang mukha ni Frederick. "So, dahil lang pala sa rancho kaya mahal mo ako," kunwa'y nagtatampong bigkas nito.
Ngumiti si Phoebe. "Ay, hindi lang 'yon. Alam kong kahit pekeng Doctor Yuco ka, mapapalago mo pa rin ang experimental na planta ni Kuya Rudolph..."
May bumikig sa kanyang lalamunan nang maalala ang pinsan. Nang mamatay si Rudolph, sa tulong ng abogado ng kanyang yumaong papa ay nalaman ni Phoebe ang mga katiwalian nito sa pagmamaneho ng mga naiwang ari-arian sa kanya ng ama.
Nang tumingin muli si Phoebe kay Frederick, may namumuong luha na sa kanyang mga mata. "Bakit mo ginagawàyon sa akin, Frederick? Ni hindi pa tayo nagkikita at..." Inabot niya ang frame na may larawan nilang dalawa.
"What's that?" gulat na tanong ni Frederick.
Pagkuwa'y napangiti ito nang may naisip. "Si Tita talaga, oo..."
"Frederick... you have a lot of confessions to make. Ang tungkol sa concern mo sa rancho, ang pagtulong mo kina Nenita..."
"Dalawang salita lang ang explanation sa lahat ng iyon, Phoebe," maemosyong saad ni Frederick.
"And what are those?" nakangiti niyang tanong.
"Mahal kita..." sabi nito. "Noon pa man. Nang minsang ipakita sa akin ng daddy mo ang picture mo'y hindi na kita nakalimutan ever since."
Nakangiting napabuntong-hininga si Phoebe. Punong-puno ng kaligayahan ang kanyang dibdib. "Mabuti naman at inamin mo."
"Lahat ng ginawa ko, Pheebs, darling... Lahat ay dahil sa iyo," madamdaming saad ni Frederick. "Para sa iyo ang lahat, mahal ko. Just to have you."
"You have me now," nanunukso ang titig na turan ni Phoebe sa binata.
"And I am the happiest man in the world."
Magsasalita pa sana si Phoebe ngunit ipininid na ni Frederick ang kanyang bibig sa pamamagitan ng isang mapusok na halik. Nang magsawa ito sa paghalik sa kanya, parang batang isinubsob nito ang mukha sa kandungan niya.
"I have a plan," mayamaya ay sabi ni Frederick.
"And that is...?"
"Getting married," diretsong sagot nito. Pagkatapos ay malamlam ang mga matang tumitig sa kanya. "Phoebe, will you marry me?"
Humagikgik siya. "Only after the honeymoon!"
Napangisi si Frederick. "Your wish is my command."
Minsan pa, pinatunayan ni Frederick kung gaano siya nito kamahal.
Wakas
BINABASA MO ANG
Mawala Man Ang Lahat Sa Akin - Camilla
Romance"I'm willing to do everything... to give everything... to lose my everything... if it means gaining you." "There is no way you are going back to Winnifred," mariing pahayag ni Frederick. "There's no other man for you, Phoebe. I'm the only man in the...