||| Chapter 10 |||
Hindi ko na alam kung ilang beses kung sinubukan na umiwas kay Taegan. Ang huwag siyang makasalubong sa hallway, sa cafeteria tuwing lunch break, sa pila tuwing flag ceremony at ang tingnan siya tuwing napapadaan siya sa hallway namin para dumayo sa room ng ICT.
Kapag break time naman iniiwasan ko ang mga paang tahakin ang field o tumambay roon. Madalas siyang magvolleyball kasama ang tropa. Halos pagkaguluhan sila dahil ang gagaling nila.
Madalas ko rin iiwas ang mata sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Kyline. Sinusubukan ko naman pigilan huwag tumingin pero makulit at gusto yatang masaktan ang puso ko.
Lumipas pa ang ilang mga araw. Sa kakapigil ko sa kakatanggi ko mas lalong lumalala. Sa kakaiwas ko mas lalo pang napapalapit. Ang pinipigilan na emosyon ay tuluyan nang napuno at nabulwak.
Masama bang magpigil ng damdamin kapag alam mong walang pag-asa? Katangahan ba kung hindi ko pipigilan at hayaan ang sariling palihim na humanga sa kanya? Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili. Kahit anong pigil ko mas lalong lumalala. Paano ko pa siya kakalimutan kung parati ko siyang nakikita sa bawat sulok ng school.
Tulad ngayon. Malawak naman ang school pero nananadya yata talaga ang tadhana.
"Hi!" kumaway sa 'kin ang kamay niya. Nakangiti na naman pero may pilyo. Yumuko ako at lalampasan na lang sana siya. Kaso bigla niya hinarangan ang daan. Naguguluhan na nag-angat ako ng tingin.
"Gusto mo tulungan kita?" Itinuro niya ang mga dala kong libro na balak ko nang ibalik sa library. Limang makakapal na libro. Hindi naman mabigat at kaya ko naman. Umiling na lang ako at tipid na ngumiti. Muli ko siyang nilampasan.
Nagtataka pa rin ako kung paano siya natuto mag sign language. Ang galing niya. Sa personality kasi ni Taegan mukhang impossible at hindi kapani-paniwala.
Hindi ko alam kung anong nakain niya at bigla niya akong sabayan maglakad. Kinuha niya ang tatlong libro sa kamay ko at iniwan ang natirang dalawa sa 'kin. Bigla niya akong kinindatan. Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Damn cute talaga."
Rinig kong sabi niya. Mas lalo akong namula. Mahilig ba siya magpaasa? Paano niya ito nasasabi sa akin na meron naman siyang gustong iba. Ganito ba talaga siya?
_____
Noong una hindi ko talaga maintindihan si Taegan kung bakit napapadalas ang paglapit niya sa 'kin. Minsan nagugulat na lang ako na bigla na lang siyang susulpot sa tabi ko. Minsan sasabayan ako sa hallway maglakad o kaya ay tutulungan akong magbitbit ng mga dala kong libro. Maliit na bagay pero malaki ang impak no'n sa 'kin. Napagtantuan ko lang na kaya siya gan'on dahil may kailangan nga siya. Noong una nainis ako pero sa pangungulit niya sa 'kin araw-araw napapayag na lang ako.
Nagrequest ulit siya na tulungan ko siya sa ginagawa niyang preparation para surpresahin si Kyline. Sinabi niya sa 'kin na balak na niyang magpropose bilang boyfriend nito. Nakikita ko naman ang pagiging ma effort niya at talagang gagawin niya ang lahat para kay Kyline. Kahit papaano ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi makaramdam ng inggit. Masyado na yata akong nabulag dahil handa kong gawing tulay ang sarili para kay Taegan at Kyline, para lang mapalapit sa taong palihim kong ginugusto.
Makukuntento na lang siguro ako na kahit sa pagiging kaibigan na lang. Gusto kong mapalapit kay Taegan, gusto kong maging kaibigan siya. Kahit sa gano'n na lang magiging masaya na 'ko.
Nasa may garden ako ng school. Payapa at presko ang hangin. Maganda pa ang view dahil sa mga iba't ibang uri ng bulaklak sa paligid na maganda sa mata. Nakaupo ako sa kahoy na upuan na pwede mong iduyan ang sarili. Hawak ko ang sketch pad habang seryosong gumuguhit.
![](https://img.wattpad.com/cover/369667657-288-k536408.jpg)
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings ✔️
Teen FictionStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...