| | | Chapter 14 | | |
Isa lang ang tumatakbo ngayon sa isip ko, hindi siya si Taegan. Saktong bumukas ang pinto, nagulat rin ito sa nadatnan.
"Hoy ba't nandito ka?" Naglakad papalapit sa amin si Taegan, nagtatanong ang nakarehistro sa mukha niya. Gusot ang mukha nang humarap sa lalaking kamukha niya.
"Malamang, nandito ako, kwarto ko 'to!" Bigla akong tinuro ng kamukha ni Taegan, na naguguluhan rin tulad ko. "Anong ginagawa niyan dito?"
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa. Tinulungan ako ni Taegan tumayo, hindi ko napagtanto na nasa sahig pa rin pala ako.
Hindi ko alam may kakambal pala si Taegan.
"Ba't nasa lapag ka, Francine?" Hind ako sumagot. Gulat pa rin ako sa nakikita. Magkamukha talaga silang dalawa. Kahit saang anggulo ko pa tingnan ay para silang pinagbiyak na bunga. Kakausapin pa sana ako ni Taegan nang bigla siyang hinila ng kamukha niya palayo sa 'kin. Naguusap sila sa gilid pero naririnig ko naman.
"Ano'ng ginagawa niyan dito? Huwag mo sabihin balak mo akong asarin? Aba umayos ka, Taegan."
"Huwag mo nga ako tawagin sa first name ko, Tregor! Umayos ka rin."
"Gusto mo'ng isabit kita patiwarik—"
"Ano ako bata? Kung isumbong kaya kita kay lola——shskshsk." Inalis ni Taegan ang kamay no'ng Tregor nang bigla nitong takpan ang bibig niya. "Ang baho ng kamay mo."
"Sige isumbong mo ako, aasarin ko ulit si Kyline." Mapanghamon at puno ng kumpyansa na saad no'ng Tregor. Kitang-kita ko kung paano nagusot ang mukha ni Taegan
"Sige subukan mo, at pwede ba tigil-tigilan mo si Kyline ah, pag talaga kita inasar, hihimlay ka talaga. Alam ko naman na asar talo ka."
"Ba't 'yan nandito?!" Muling tanong no'ng Tregor. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ilang at hiya. Nagtatalo sa isip ko kung bakit nga ba ako nandito. Hindi dapat ako nandito. Doon ko rin biglang napagtanto, nakakahiya pala ang ginawa kong pagsama kay Taegan.
"Hinaan mo boses mo, naririnig ka niyan."
"Ano'ng... Eh, 'di ba hindi siya nakakarinig?" Napayuko nalang ako sa kabila ng naririnig kong pag-uusap nila. Maya-maya pa ay bigla silang natahimik. Saka lang ako nagtaas ng paningin mula sa pagkayuko nang tumikhim 'yong lalaki. Sa tabi nito ay si Taegan na pangiti-ngiti na.
"Francine, pasensya ka na kanina kung ginulat ka ng ugok na 'to." Paghingi sa akin ng paumanhin ni Taegan.
"Ba't Francine ka ng Francine, Kaycee nga!" Nagulat ako sa pagsigaw ng lalaki. Pareho nilang napansin ang naging reaksiyon ko na nagulat. Kahit hindi naman masyadong malakas ang boses ng lalaki ay nagulat ako at iba ang epekto nito sa akin. Pakiramdam ko ay nagka trauma na ako dahil madalas akong sinisigawan ni papa. Pinigilan ko huwag manginig dahil ayoko na isipin nilang masyado akong sensitibo.
"Eh, sa gusto ko, Francine. Paki mo." Tumingin sa kin si Taegan. "Francine, Si Tregor pala—"
"Pucha! Ulrich nga!"
"Siya si Ulrich, kapatid ko sa labas," ngisi ni Taegan. "Huwag kang magtatangka na tawagin siyang Tregor, baka bigla kang tumalsik." Natatawang turan pa nito. Nagawa niya pang diinan ang pangalan na binanggit niya. Halatang gustong mang-asar.
"Ikaw ang tatalsik dito, Taegan, makita mo. Tinatakot mo kasi."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa dahil hindi matapos-tapos ang kanilang bangayan. Hindi naman sila talagang nag-aaway. Sa tingin ko ay ito yata ang kinasanayan nilang normal na pag-uusap. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na sumingit ay itinaas ko ang kamay.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings ✔️
Подростковая литератураStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...
