To live without purpose
is like an empty bottle
Dreaming without work,
success is impossible.
Living without love is unhappy
—Star
| | | Chapter 19 | | |
Ang tiktak mula sa orasan ang mas lalong nagpapainip sa batang si Ulrich na nakaupo sa sofa ng Discipline office. Mahigit isang oras na siyang nakaupo roon at hindi umiimik. Nababahala siyang mpanis ang kaniyang laway. Ito na yata ang pinakamatagal na hindi siya nagsasalita. Hindi siya lalabas roon hagga't hindi tumutunog ang bell ng school. Ang Guidance Councelor naman ay abala habang nagbabantay sa kanya. Kinausap na siya nito kanina at halos sawang-sawa nang pagsabihan siya. Hindi lang tatlo o lima dahil higit pa roon ag beses na napunta si Ulrich sa guidance office dahil sa kulit at palaging may pinapaiyak na kaklase. Wala rin time ang kaniyang parents na pumunta ng school sa tuwing pinapatawag ito ng school, ang nangyayari ay kada nakakagawa ng gulo si Ulrich ay nagdodonate sila sa school. Malakas rin kasi ang mga Harrison sa school dahil sa impluwensiya nito. Kung kaya't kahit anong gulo ang kasangkutan niya ay agad naaayos.
Sa wakas tumunog na ang bell, hudyat para sa recess. Malawak na ngumiti si Ulrich at tumingin sa Guidance Councelor. Siya lang ang bukod tanging bata at ang kambal niya ang hindi takot rito. Bakit nga naman siya matatakot sa matandang dalaga na tita niya. Bagkos ito pa ang sumusuko sa kaniya dahil sa kakulitan.
"Ulrich, Ulrich, Ulrich." Tatlong beses nito sinambit ang pangalan niya sa seryosong tono. Animo'y nagbibilin. Alam na niya kapag ganito na ang kaniyang tita. Ibig sabihin seryosong galit na ito at hindi ka na pwedeng makipagbiruan dahil tiyak na makakaabot ka ng kurot.
Mabait siyang nagpaalam sa takot na hindi siya palabasin. Matapos makalabas kung gaano siya kabait kanina sa loob ay kabaliktaran ang nangyari sa labas. Patalon-talon siya kung maglakad sa corridor. Masaya siyang nakikipag apir sa mga kapwa studyante na kilala niya. Agad niyang tinahak ang kanilang room. Nadatnan niya ang mga kaklaseng kumakain ng baon sa mga upuan nito. Bigla niyang naalala si Taegan na siyang taga dala ng kanilang baon. Ayaw niyang magbitbit dahil nakakatamad, ayaw naman niyang isiksik ang baonan sa bag niya na masikip dahil sa notebook at libro na 'di naman niya magawang buklatin.
Muli siyang lumabas ng room para pumunta sa kabilang section. Hindi sila magkaklase dahil sinadya ng kanilang mga magulang. Puro raw kalukuhan ang nagagawa ng dalawa kapag magkasama.
Agad na nahanap ni Ulrich si Taegan na nakaupong kumakain sa teacher's table. Nang makita siya nito ay agad siyag sinimangutan.
"Nasaan na ang baon ko, bal?"
"Ayun! Binigay ko sa kanila." Nginuso nito ang tatlong lalaki na kumakain sa gilid. Animo'y umusok ang ilong ni Ulrich sa inis hanggang sa nauwi sila sa marahas na habulan. Napapatili ang mga babae dahil walang pakialam ang dalawa kahit na tumumba ang mga upuan o may mabunggo sila.
Natapos na naman ang buong araw ng dalawa na mayroon na naman sila napaiyak na kaklase. Nabunggo ni Taegan ang isang batang babae, dumugo ang nguso nito nang sumobsob sa sahig. Tila tinakasan ng dugo ang dalawa dahil sa nangyari. Hindi lang 'yon ang unang beses kung hindi marami. Pero iyon na ang naging dahilan para ilipat ng school si Taegan, para lang mapaghiwalay ang dalawa.
"Mula ngayon paghihiwalayin ko na talaga kayo! Ikaw Taegan Raven sa Ferrero ka na mag-aaral. Napapagod na ako sa inyo. Ikaw naman Ulrich Tregor, isa pa talaga magho-homeschool kana lang talaga. Subukan mo pa ako."
Isang gabi palihim na nagkita ang dalawa na mahigit na ipinagbabawal dahil sa mga ginagawang kalukuhan kapag nagsama. Nanonood ng isang educational video ang batang si Taegan nang may sumitsit sa labas ng kaniyang bintana. Gulat siyang napabangon sa kama nang makita ang ulo ng kapatid na nakadungaw sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings ✔️
JugendliteraturStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...
