16

149 7 1
                                    

| | | Chapter 16 | | |

"I thought you're Taegan."

Iyan ang isinulat ko sa papel matapos kong iusog sa kaniya para basahin niya. Nagtagal ng halos limang segundo ang pagtitig niya doon saka niya nagawang tumingin sa akin. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya tapos sinundan ng pilit na tawa.

"Parang may gusto akong bangasan pag-uwi." Sagot niya habang nagkakamot sa leeg niya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil pahina ito ng pahina. Nanatili akong naka obserba sa kaniya nang mapagpasyahan niyang magpaalam sandali.

Doon ko muling nagawang ilibot ang tingin sa paligid. Sumapit na ang alas-singko ng hapon, mas dinadagsa ito ng mga tao. Karamihan sa nakikita kong papasok ay mga grupo ng studyante. Mas naging maingay ang paligid dahil sa mga biruan at tawanan. Isama ang kasalukuyan na kumakanta sa videoke. Hindi rin nagtagal ay muling bumalik si Ulrich, dala nito ang isang tray ng mga in-order niya.

Masaya niyang inilapag ang umuusok na mangkok sa tapat ko, isang basong orange juice at halo-halo ice cream. Napalunok ako ng sariling laway dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na hindi ako masyadong mahilig sa matamis.

"Best seller nila itong 'Ginataang bilo-bilo' hindi siya sobrang tamis, sakto lang. Tiyak magugustuhan mo to."

Marahan akong tumango at sinubukan ngumiti para i-appreciate ang effort niya. Nahihiya tuloy akong tumanggi dahil ang laki ng ngiti niya ngayon. Tumikhim siya matapos makita ang awkward kong ngiti. Dahil sa kaba ko na baka ma offend ko siya ay agad ko itong tinikman nang hindi nag--isip na mainit pa pala. Napapikit ako ng mapaso, alerto ang kamay niyang inabot sa akin ang malamig na inumin.

Ang hindi ko sunod na inasahan ay ang pagkuha niya ng mangkok at siya na mismo ang naghalo  nito para hindi na maging gaanong mainit kapag kinain. Nagsimula siya magkwento ng kung anu-ano pero ang atensyon ko ay nasa ginagawa niya pa rin. Na-touch ako sa ginawa niya na hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Siguro dahil hindi lang ako sanay.

"Bakit nga pala napagkamalan mo akong si Taegan?" Pagbalik niya ng usapan tungkol sa kapatid niya. Inabot niya muli sa akin ang mangkok. "Common na magkamukha nga kami, pero wala ka ba talagang nakitang differences sa aming dalawa?" Sandali siyang nag-isip. "Kapag nakikita kami ng mga kakilala namin agad nilang nahuhulaan kung sino kami kahit na gayahin pa namin ang style ng bawat isa. Iyon ay kung kilala mo talaga kami." Dagdag niya.

Sandali akong napaisip habang nakatitig sa kaniya. Kung hindi ko lang alam na may kakambal si Taegan ay iisipin kong siya nga ang nasa harapan ko. Sobrang magkamukha nga sila pero magkaiba nga sila ng style.

Mula sa buhok ay parehas na itim ang buhok nila naiba lang kung paano ang style. Nakabagsak lang ang buhok ni Taegan, kung minsan ay may hati sa gitna o gilid. Sa gano'ng style nagmumukha siyang isang Koreano. Ang hair style naman ni Ulrich ay sa tingin ko ay undercut hairstyle ang tawag dito. Bagay sa kaniya. May ilang hibla ng buhok ang naiwan sa harapan na parang sinadya. Madalas kong mapansin sa suot ni Taegan na mahilig siya sa mga hoodie, kahit nakaschool uniform ay pinapatungan niya ito ng jackets. Ang style naman ni Ulrich ngayon simpleng itim na t-shirt.

Ngayon ko lang napag-aralan ang stylist ni Ulrich, ngayon ko lang din siya nagawang pagmasdan ng hindi naiilang, siguro dahil alam kong hindi siya si Taegan.

Nagsulat ako sa papel saka ito inabot sa kaniya.

"Sa tingin ko agad ko na kayo makikilala sa susunod."

"Tama 'yan. Dapat makilala mo ako, ako pinakaguwapo sa aming dalawa."

Natawa ako ng hindi namamalayan sa sinabi niya. "Madali ko lang kayo makikilala dahil magkaiba kayo ng hairstyle." Tinuro ko ang buhok niya. Bumaba rin ang tingin ko sa labi niya. "Walang hikaw si Taegan sa labi." Agad ko rin binawi ang kamay ko nang mapagtanto ko na nakakailang ang pagturo ko sa labi niya.

SWD#1: Voiceless Feelings ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon