| | | Chapter 18 | | |
"Hindi mo pala talaga maalala." Sumipol siya habang nakatingin sa ibabang hallway kung saan may mga studyanteng naglilinis. "Sabagay, sobrang tagal na no'n." Tumayo na siya ng tuwid mula sa pagkakasandal mula sa railing at tumingin sa 'kin. "Ngayon alam mo na. Sige una na 'ko at pumasok ka na rin." Tinap niya ang kanan kong braso at ngumiti.
Tumango ako nang magpaalam siya pabalik ng room niya. Malalim ang isip kong bumaba ng hahdan para tahakin ang sarling classroom. Hanggang sa magsimula at matapos ang klase ay gumugulo pa rin sa isip ko ang mga kuwenento niya sa akin kanina.
Kung ano'ng dapat kong maging reaksyon ay hindi ko na alam. Matagal akong naniwalang si Taegan ang gusto ko, sa ngayon hindi ko na masabi pa.
Nang sumapit ang uwian ako yata ang pinaka unang lumabas ng room. Hindi ko na kayang magtagal pa roon dahil sa ingay at gulo nila. Ganon rin sa hallway dahil oras na ng uwian ay kanya-kanyang takbo ang mga studyante, ang iba nakatambay pa sa gilid at nagkwekwentuhan. Kung kaya't hindi ko maiwasan na maipit o kaya'y mabunggo ng mga dumaraan. Tulad ng dati ako na lang parati ang mag-aadjust. Mapapabuntong hinga at magpapatuloy sa paglalakad. Kasi mahirap na magkaroon ka pa ng kaaway dahil lang sa maliit na bagay. Hanggat kaya mo magpasensya palampasin mo na lang kay sa lumaki pa ang gulo. Sa tulad kong walang kakayahang makapagsalita, ang masabi kahit papaano ang tunay kong nararamdaman ay wala rin naman silang pakialam. Walang handang makinig o tanungin man lang ako kung ayos lang ba sa akin.
Napatingin ako sa langit nang magsimulang umambon ng mahina. Ang mga kapwa ko studyante na nakatambay sa field ay nagsimulang sumilong, maging ang mga naglalaro ng bola ay lumipat sa covered court. Ang mahinang ambon ay hindi naging hadlang upang hindi ako magpatuloy sa paglalakad. Pababa ng hagdan ay may familiar na babae ang agad kumalabit sa akin. Napaisip ako kung saan ko nga ba siya nakita noon. May kasama rin siyang isang babae na nakasalamin, mukhang mahiyain.
"Hello! Naalala mo ba ako?" Tinuro niya ang sarili at ngumiti ng malawak. Sa paraan ng pagsasalita niya ay para siyang kumakausap ng bata. "Yong jacket na pinahiram ko sa 'yo, pwede ko na bang makuha?" Sandali akong napaisip, naguguluhan ako dahil wala akong matandaan na nanghiram ako ng jacket sa kahit sino.
Napahawak siya sa kaniyang noo nang makita ang naguguluhan kong reaksyon. Kumapit sa braso niya ang babaeng kasama niya at marahan siyang hinila.
"Tara na Argeline, halata naman na hindi ka niya kilala. Umuwi na tayo, marami pa akong gagawin sa bahay."
"Wait lang kasi! Kailangan ko makuha ang bwisit na jacket na 'yon." Inis niyang pagkakasabi, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis niya pero sigurado akong hindi sa kasama niya. Nang bumaling ulit siya sa akin ay muli siyang ngumiti.
"Naalala mo ba no'ng naglalakad ka sa hallway ng ABM, may nambunggo nga sa 'yo tapos tinulungan kita. May tagos ka kasi that time kaya binigay ko sa 'yo yong jacket."
Bigla kong naalala ang araw na 'yon. Nang makita niya ang reaksyon ko ay muli siyang ngumiti nang may ginhawa. Tumango ako at humingi ng pasensya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang sumenyas ako.
"Paumanhin kung nawala sa isip ko na ibalik 'yong jacket. Ngayon ko na lang din naalala, pero pangako ibabalik ko agad bukas."
Nagkatinginan ang dalawa. Muling ngumiti sa akin ang babae. "Sorry, hindi ko alam kung naiintindihan mo ba kami. Hindi pa ako marunong mag sign language. Wait, saglit lang." Hinila niya ako sa bandang gilid para makaiwas sa mga studyante na pababa ng hagdan. Agad siyang naglabas ng stickynotes at ballpen. Sandali siyang nagsulat at agad ibinigay sa 'kin. Ngumiti muli siya at kumaway bago niya hinila paalis ang kasamang kanina pa yata naiinip sa gilid.
Sinundan ko sila ng tingin at nang mawala saka ko lang nagawag basahin ang isinulat niya.
Kukunin ko sana yong jacket na pinahiram ko sa 'yo no'ng dinatnan ka. Pero bukas na lang ulit, nagmamadali kasi kami.
Btw, I'm Argeline Andromeda from ABM-1
Thanks!
________
Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Nakatayo ako sa waiting shed kasabay ang mga taong nag-aantay rin ng masasakyan. Hindi ko na madalas makasabay si ate Sav sa pag-uwi nitong mga nagdaang araw. Alam kong busy siya sa thesis nila kung minsan nga ay hindi na rin siya nakakauwi ng bahay. Ganon rin si Driana at Gueco na palaging gabi na rin umuwi. Busy si Gueco sa pagpapraktis ng basketball dahil may laban sila sa susunod na linggo. Si Driana naman busy din sa paggawa ng research.
Narinig ko ang dalawang ale na nag-uusap tungkol sa paparating daw na bagyo. Mukhang ito na raw ang patikim ng bagyong darating sa sabado.
Habang matiyagang naghihintay ng bus, nakita ko ang isang familiar na lalaking pumasok sa mini store. Hindi ko na siya nakita dahil sa pagtigil ng bus sa tapat ko. Nagsiunahan ang mga pasahero sa pagsakay. Dapat a sasakay na rin ako pero pinili kong tahakin ang tindahan kung saan siya pumasok. Bago pa ako makarating ay pinasok na ng tubig ang itim kong sapatos, nabasa rin ang kaliwa kong manggas dahil sa lakas ng ulan.
Agad kong hinanap si Ulrich sa loob. Nakita ko siya sa isang sulok na kumukuha ng payong. Bago pa siya makapunta sa counter ay hinawakan ko ang kamay niya. Gulat siyang napatingin sa 'kin. Medyo basa na ang suot niyang uniform at maging ang buhok niya. Nang muli siyang tumingin sa kamay kong nakahawak pa rin sa kamay niya ay bigla akong nahiya.
Tumikhim siya at ngumiti. "Bakit, ano 'yon, Kaycee?" Bahagya siyang umatras habang inaayos ang buhok. Nilabas ko ang payong niya na pinahiram niya kahapon. Napatango siya ng ilang ulit at muling naglakad sa mga nakasabit na payong para ibalik ang kinuha niya.
"Pauwi ka na rin?" Tumango ako. Sabay kaming naglakad palabas, dala ang kaniya-kaniyang payong. Patawid na kami sa kabilang kalsada para muling sumilong sa waiting shed, at doon maghintay ng masasakyan. Pinigilan niya ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Gusto mong tumambay sa La Paraiso."
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa mga tingin niyang unti-onting nagpapablanko sa isip ko. Matapos ang mga kuwenento sa akin ni Taegan ay naging malinaw sa akin ang lahat. Nagbabalik sa isip ko ang mga alaala. Kung bakit ito nawaglit sa isip ko at ngayon lang naalala ay siguro ay dahil noon pa man ay wala na talaga akong pakialam sa mga tao. Hindi ko binibigyang pansin ang mga taong nagbibigay ng awa at tulong dahil sa takot na maatach sa isang tao. Nagyon ko na lang naalala at namukhaan na siya pala 'yon.
Kung saan dumarating siya sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings ✔️
Novela JuvenilStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...
