17

313 11 1
                                        

Voiceless Feelings is now officially back. Thank you  you are still here!

| | | Chapter 17 | | |

"Para sa 'yo."

Napatitig ako sa maliit na kahon na naglalaman ng chocolate cupcakes na bawas na. Nahihiya akong napasulyap kay Ulrich na nasa harapan ko ngayon. Katabi niya si Taegan na sarap na sarap sa kinakain na cupcake. Nakurot siya ni Ulrich kanina dahil agad niyang dinikwat ang isang cupcake. Nagtalo pa sila at sa huli nauwi sa malalim na buntong hininga si Ulrich at pinalampas na lang ang nangyari.

Nasa main cafeteria kami na matatagpuan sa roof top. First time ko lang din dito makapunta dahil para lang ito sa mga studyante na may special treatment sa school tulad nila Taegan  at Ulrich. Matapos akong magulat kanina sa paglitaw ni Ulrich sa room ko ay dinala niya ako dito para daw humingi ng sorry sa nangyari noong isang araw.

"Peace offering ko 'yan, sorry talaga sa nangyari sa 'yo."

Naubo si Taegan nang marinig ang sinabi ng kapatid. Matapos mahimasmasan ay bigla itong natawa at pinalo sa braso ang kapatid. "Naks marunong mag sorry."

Nagsukatan pa ang dalawa ng tingin habang ako ay naguguluhan sa kanila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto mag sorry sa 'kin ni Ulrich. Kung anong atraso ang nagawa niya sa akin dahil wala akong maalala.

"Ano ba'ng ginagawa mo dito? Umalis ka na nga." Kita sa mukha ni Ulrich ang pagkairita nang akmang kukuha ulit si Taegan ng cupcake. Pinalo nito ang kamay at pinandilatan ng mata. "Mamaya ka sa 'kin."

Kinuha ko ang atensyon nilang dalawa gamit ang pagwasiwas ko ng kamay sa harapan nila dahilan para matigil sila sa bangayan na nagyayari.

"Bakit Kaycee?"

"Ano 'yon Francine?"

Sabay pa nilang tanong.

"Bakit ka nagso-sorry?" Pareho nilang sinundan ang kamay ko sa bawat pagsenyas ko. Iyon ay tamong para kay Ulrich. Magsasalita na sana siya pero inunahan na siya ni Taegan.

"Ganito kasi 'yan." Pasimple itong kumuha ulit ng cupcake nang hindi napapansin ni Ulrich. "Si Ulrich ang may atraso doon sa tatlong lalaki na nang-away sa 'yo no'ng isang araw. Gusto nilang gantihan 'tong mukong kaya ka nila pinagtripan no'n."

Napakunot ang noo kong tiningnan si Ulrich dahil gusto ko siya ang magpaliwanag. Kung totoo ba ang sinabi ng kapatid niya. Hindi pa rin malinaw sa akin kung anong dahilan, kung bakit ako ang ginamit nila para gantihan si Ulrich?

Naguguluhan ako. Sino ba ako para kay Ulrich? Para gantihan nila.

"Bakit nila ako dinamay? Sa 'yo lang naman sila may atraso?"

"Yon na nga ang problema. Ang akala kasi nila——" hindi muli natuloy si Ulrich dahil hinawi siya ni Taegan at ito na ang nagpaliwanag.

"Hindi mo pa rin ba gets Francine? Gusto nilang gantihan 'tong si Tregor, para makaganti sila at masigurong mapipikon nila 'to, kaya ka dinamay nila."

"Pwede bang manahimik ka lang Taegan——— walanghiya ka! Ba't mo kinakain 'yan? Para sa 'yo ba yan!" Nanggagalaiti na sa kunsumisyon si Ulrich sa kakambal dahil ang cupcake aya para sa akin talaga ngunit malapit na itong maubos ni Taegan.

SWD#1: Voiceless Feelings ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon