| | | Chapter 20 | | |
Nang mag second year high school na sila ni Taegan at Ulrich, bihira na lang ni Ulrich makita si Kaycee sa school nito. Nang muli siyang pumunta sa Ferrero University ay napagtanto niyang hindi na kaklase ni Taegan ang babae. Sa lawak ba naman ng school at sa daming section sigurado siyang mahihirapan na siyang makita muli ito. Hindi na tuloy nagiging interesting ang pagpapanggap niya bilang Taegan kapag 'di niya ito nakikita.
Hindi naman siguro lumipat ang babae sa ibang school?
Dahil sa kaniyang kuryusidad, isang araw ay hindi niya napigilan magtanong kay Taegan, na sa mga oras na iyon ay may tinatapos na project, katulong si Kython na abala rin sa ginagawa.
"May kilala ka ba na ang pangalan ay Kaycee?" Sandaling napatingala si Taegan sa tinanong sa kaniya ni Ulrich para alalahanin kung meron. Bigla siyang may napagtanto. Nawewerduhan siyang tumingin sa kapatid. Kahit minsan ay hindi pa ito nagkainteres sa isang babae, wala rin naman sa bukabularyo nito ang manligaw.
Isang tamad, maangas na Ulrich ay manliligaw? Aba! Napakaimposibleng mangyari na manuyo ito ng isang babae.
Natatawang napailing si Taegan. "Bakit? Sino ba 'yan, liligawan mo ba?"
"Nagtatanong lang liligawan agad?" Masungit na saad nito para hindi siya mahalata na interesado nga siya. "Gusto ko malaman kasi may atraso sa 'kin ang babae."
Napatango na lang si Taegan. Tama nga siya kung magkainterest man ito sa isang babae ay sigurado siyang dahil may atraso ito at balak gantihan ng kanyang kapatid. "Wala akong kilala." Simpleng saad ni Taegan.
Nagusot ang mukha ni Ulrich sa narinig. Imposible kasi naging magkaklase sila Taegan last year, seatmate pa nga niya ito.
"Wala ka bang maalala na naging classmate mo last year? Yong laging tahimik na babae na naging seatmate mo noon!"
"Hmm seatmate? Tahimik na babae?" Napaisip si Taegan, bigla itong tumingin kay Kython para sana magtanong din kung may kilala ito. Napatingin sa kaila si Kython. Pinipilit nitong basahin mula sa bibig ng dalawa kung anong pinag-uusapan ng mga ito.
"Ah, oo naalala ko, kaso di ko alam ang pangalan. Baka nga 'yon ang Kaycee na tinutukoy mo. Limot ko na nga ang mukha no'n. Lagi kasi nakayuko pero lagi 'yong perfect sa exam. Buti nga di ko na kaklase ngayon. Wala na akong kaagaw sa rankings."
Dismayadong napahinga si Ulrich, gusto lang naman niyang malaman kung nasaan na 'yon, kung kumusta na. Wala yatang araw na hindi sumasagi sa isip niya ang babae. Baka siguro kapag nakita na niya ulit ito ay mawawala na sa isip niya. Kahit siya naiireta na rin sa sarili. Bakit ba siya nagsasayang ng oras para doon? Ewan, nababaliw lang yata siya.
Isang hapon, naglalakad si Ulrich sa isang eskinita dahil may kikitain siyang tropa. Nagbabanda ang mga ito kaya gusto niyang sumali. May dala siyang bag pero buong araw siyang hindi pumasok. Tumambay lang siya ng buong araw sa isang bilyaran kasama ang ibang barkada na hindi rin pumasok. Sa isang kanto may natanaw siyang dalawang lalaki na may hinaharangan na babae. Napailing na lang si Ulrich at nagpatuloy sa paglalakad. Aminado siyang marami na siyang nakaaway at pinaiyak pero kahit kailan ay hindi siya nanakit ng babae. Wala siyang pakialam sa mga ito, hindi rin niya ugali ang mangialam at lalong wala sa kanya ang tumulong para sa mga naaapi. Kaso bago pa siya makalagpas namukhaan niya ang familiar na babae.
Napalingon siya sa mga ito. Kita ang panginginig nito habang pinagtitripan ng dalawang lalaki. Kumuyom ang kamao ni Ulrich at agad niyang hinila ang dalawa palayo kay Kaycee. Pinagmumura niya ang mga ito at pinaulanan ng suntok at tadyak. Sa takot ni Kaycee ay nagawa na lang nitong tumakbo palayo habang nanginginig sa takot. Samantala, wala nang malay ang isang lalaki dahil sa bugbog sarado na ito. Ang isa naman ay tumakbo na palayo na marami ring tamo. Dahil doon isang gulo na naman ang pinasok ni Ulrich. Muntik pa siyang sampahan ng kaso ng mga magulang ng taong binugbog niya. Dalawang araw kasing hindi nagkamalay ang lalaki. Mabuti na lang mayaman sila. Nagawan na naman ng paraan ng mga magulang ni Ulrich para hindi siya masampahan ng kaso.
BINABASA MO ANG
SWD#1: Voiceless Feelings ✔️
Подростковая литератураStudent with Disability Series #1 If you're mute, speechless, or can't utter even a single word, how can you deal with it every day? How can you face every morning when you start to hate your life? Kaycee Francine Havanah is a grade 11 student who h...
