Chapter 10

197 7 0
                                    

PAGBABA niya ng tricycle ay kagyat na umarko ang kanyang kilay. May kotseng nakaparada sa harapan ng bahay nilang magtiyahin. At hindi na niya kailangan pang sinuhin kung sino ang may-ari niyon.

Kilalang-kilala niya ang nag-iisang may-ari ng sasakyan. Bumigat ang kanyang dibdib.

Matapos na kunin ang sukli na iniabot ng driver ay naging mabagal ang mga hakbang niya papasok sa gate.

Nasa labas si Tita Cely at waring siya ang hinihintay.

"May bisita ka," ani Tita Cely na tinanggap ang halik na iginawad niya sa pisngi nito.

"Kanina pa ba 'yan, Tita?" matabang niyang tanong. Ano pa ba ang kailangan ng taong ito sa kanya?

"Kaninang-kanina pa. Sinabi ko nang gagabihin ka dahil may midnight sale ngayon, pero nagtiis na maghintay."

"Sige na po, Tita. Matulog na kayo."

"Pero..."

"Ako na po ang bahala. Don't worry."

"Huwag kang pabigla-bigla sa desisyon, Jocel. Kailangan mong pag-isipan nang mabuti ang lahat ng sasabihin ng lalaking 'yan. Duda ako riyan," paalala ng tiyahin nang makapasok na sila sa loob.

Sinenyasan niyang kumalma lang ito.

Mabilis na tumayo mula sa kinauupuan ang kanyang panauhin.

"Ano'ng kailangan mo?" matabang niyang salubong sa nakangiting lalaki. Hindi siya naupo at talagang sinadya niyang malaking agwat ang nilagay sa pagitan nila.

"Ikaw," sabi nito na dagling nagkaroon ng lambong ang mukha at ang tinig.

"After so long na hindi ka nagpakita sa akin? Lilitaw kang parang kabute at sasabihing kailangan mo ako? Huwag mo akong patawanin!" paismid niyang turan na humalukipkip.

"Jocel, babes..." anito na lumumbay ang tinig, bumigat.

"I am no longer your babes, dammit! Matagal na tayong tapos, hindi ba?"

"Ikaw lang ang tumapos. Gusto kitang puntahan, pero natakot ako sa pagbabanta mo. So I respected your decision. Pero kailanman ay hindi ako nawalan ng pag-asang maaayos pa rin ang lahat sa pagitan nating dalawa."

"Ang tigas naman ng mukha mo, Steven!" galit niyang singhal dito. Bakit ba parang ang magkapatid na ito'y kapwa siya pinaglalaruan? Pinagmumukha siyang tanga!

"Babes, listen..." anito na nilapitan siya at umakmang yayakapin, ngunit mabilis niyang iniwasan.

"Don't touch me! Hindi mo na ako mabobola ngayon, Steven. Kung noon, tanga ako at parang asong susunud-sunod sa iyo, mistulang alipin kung tratuhin mo, ngayon ay hindi na!" At ipinadapo niya ang isang malakas na sampal sa mukha nito.

"J-Jocel, babes!"

"A-­‐‑akala mo siguro, ako pa rin ang tangang si Jocel na magmamakaawa sa iyong mahalin mo lang! Akala mo siguro. . ganoon pa ako kagaga! Hindi na, Steven! Matagal nang inilibing ang Jocel na naging tanga sa iyo noon. Matagal na."

Talagang isinumpa niyang hindi na siya kailanman magpapakita ng luha sa harap ng lalaking ito.

Subalit pakiramdam naman niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niyang parang batang humagulgol sa harapan niya si Steven.

At hindi pa doon natapos iyon. Lumuhod pa ito sa kanyang harapan.

"Steven!" She was shocked. Hindi ang klase ni Steven ang gagawa ng ganito. Bakit ngayo'y parang nabaligtad ang mundo? Siya noon ang kulang na lang ay lumuhod dito mahalin lang nito. Pero ngayon...

"J-­‐‑Jocel, I-­‐‑I know na napakalaki ng pagkukulang ko. I took your love for granted. Inakalang isa kang babaeng puwede kong laruin sa aking mga palad. Pinagtawanan at binale-­‐‑wala nang kalasan mo at inisip na. . ikaw din ang maglulumuhod sa harapan ko just to love you."

Umarko ang kilay niya. Totoong nasaling ang kanyang pride. Gayung-­‐‑gayon ang description niya sa sarili noong mga panahong iyon.

"B-­‐‑but," patuloy nitong nakaluhod pa rin sa kanyang harapan at umiiyak, "I was damned wrong! Dahil iba ka! Ibang-­‐‑iba ka sa kanila, Jocel. Ni minsan, hindi mo ipinagkaloob ang sarili mo sa akin kahit na alam kong hanggang langit ang pag-­‐‑ibig mo sa akin!"

Mahal na mahal kita noon, oo. Pero talagang hindi naman ako makikipila sa ibang babae na ang sarili'y handang ibigay.. Pero ano ba ang nangyari sa kanya? Ano na ang nangyari sa dangal na pinakaiingatan niya noon? Hindi ba't nauwi rin naman sa wala?

"And it was only then that I realized that I was not getting any younger. Nagsawa na ako sa lahat ng bagay. Women.. para lang silang laruan sa akin. But only now I realized. . It's you that I need most. I love you, Jocel."

"Tell that to the marines, Steven! I won't buy that bullshit!" Binaklas niya ang braso ng lalaki na nakapulupot sa kanyang binti, pinipilit na maalis ito sa kanyang harapan. Subalit ang kanyang pagtatangka ay nawalan ng saysay dahil lalo pa nitong pinakahigpitan ang pagkakayapos doon.

"J-­‐‑Jocel, please. Love me again. Marry me. I need you. Kahit ano'ng kabayaran, tatanggapin ko. Parusahan mo ako, I'll be very willing! Just love me again, please!"

Nang marinig ni Jocel ang mga pakiusap na iyon ng lalaki ay may ngiting sumilay sa kanyang mga labi. May napakagandang ideya na biglang pumasok sa isipan niya. .

"Tumayo ka riyan, Steven. I don't deserve that kind of treatment," aniya rito.

"Lahat gagawin ko, Jocel. Patawarin mo lang ako.. "

"Pinatatawad na kita," deklara niya na nakapagpaangat sa luhaang mukha ng lalaki.

"J-­‐‑Jocel?"

"You heard me."

"W-­‐‑what do you mean?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Tumayo ka na at nang malaman mo."

Tumalima naman ang lalaki. Tumayo ito at halos ay tingalain niya. Mataas sa kanya ito nang halos walong pulgada. Walang nagbago rito. Nanatiling matingkad ang kakisigan nito. Naroon pa rin ang karismang taglay na halos ay kabaliwan niya noon.

Na huwag lang din na marinig niya ang tinig nito'y daig pa niya ang pusang di-­‐‑mapakali. Iyon si Jocel Esparcia noon. . noong baliw siya sa pag-­‐‑ibig.

Pero ngayon, kinakapa niya ang sarili. Inalam kung naroon pa ang kakaibang dating ng personalidad ng lalaking kauna-­‐‑unahan niyang minahal. Makailang beses. Tiniyak.

At noon din, nagkaroon ng kasagutan ang kanyang paghahanap.

"J-­‐‑Jocel.. what now?"

"You really have to go," aniya ritong tinalikuran ito.

"Jocel—" Ramdam na ramdam ni Steven ang malaking kabiguan. Diyata't mabibigo ito sa huling card na nakatakda nitong isugal?

"You heard me, didn't you?"

"Y-­‐‑yeah.. " At mabigat ang mga paang humakbang itong lulugu-­‐‑lugo, hindi makapaniwala sa natuklasan.

Totoo ngang nawala na ang pagmamahal ni Jocel. Nagkamali ito ng hinala. He misjudged her. Inakala nitong siya pa rin ang babae na handang lunukin ang lahat ng pride sa sandaling muli nitong bilugin ang ulo niya.

Paano na ngayon?

Subalit bago ganap na makalabas ang sawing si Steven, minsan pa'y narinig nito ang tinig ng tumawag na dalaga.

"J-­‐‑Jocel?" balik na balik ng tingin dito ni Steven.

"Settle everything we need for our wedding. And if you can make it. . I want it as soon as possible."

Mulagat ang mga mata ni Steven. Hindi makapaniwala sa naging deklarasyon ni Jocel. Umakma itong susugurin ng yakap ang dalaga subalit nagsalita uli siya.

"Good night." At isinara na ng dalaga ang pinto.

Mayamaya'y narinig niya ang ingay ng papalayong sasakyan ni Steven.

Malinaw namang narinig lahat ng tiyahin niya ang kanilang pinag-­‐‑usapan. "Mag-­‐‑ingat ka sana sa gagawin mo, anak..." usal nito.

Kung Kailangan Mo Ng Magmamahal - Riza TayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon