STEVEN and David Labarigo.
Dalawang taong naging mahalaga sa kanya. Nag-‐‑ingat sa kanya. Nagturing sa kanyang hindi ibang tao. Anak ng mga taong itinuring niyang mga magulang nang siya ay maulila. Kumalinga, humubog at nangalaga sa kanya.
Subalit hindi niya sukat-‐‑akalaing ang dalawang nilalang na ito ang siya ring yuyurak sa kanyang pagkatao. Si Steven ay durug-‐‑durog ang damdaming ikinintal sa kanya sa pagwawalang-‐‑bahala nito sa kanya noon. At si David na inakala niyang savior ang siya pa palang wawasak ng kanyang buong pagkatao!
Kung ano mang laro ang nasa utak ng dalawang magkapatid sa buhay niya sa magkaibang panahon at pagkakataon, wala siyang kaalam-‐‑alam. Nilinlang siya!
Puwes. Pagbabayaran nila nang mahal ang lahat ng ginawa nilang ito sa akin. Sisingilin ko sila. Magpapakasal siya kay Steven para lalong saktan si David. At gagawin naman niyang miserable ang buhay ni Steven kapag mag-‐‑asawa na sila. Masasaktan din ito kapag nalaman nitong nauna na si David na umangkin sa kanya.
Nasaan na nga ba ang pagmamahal? Ang pag-‐‑ibig?
Totoo. Nang makaharap niya si Steven, isang buwan na ang nakalilipas, kinapa niya ang sariling damdamin. Inalam kung naroon pa ba ang lalaki. Subalit klarong-‐‑klaro ang kasagutang naapuhap niya. Wala na! Ni katiting na pagmamahal o paghanga ay wala na siyang nararamdaman para sa manlolokong lalaki.
At aaminin niya, mahal na mahal niya si David. Kahit halos tagos sa buto ang pagkasuklam niya rito nang malaman niyang ito ang salarin. Subalit hindi siya magpapakagaga dahil lamang sa damdaming iyon.
Sasaktan din niya ang lalaki. Kesehodang ang maging kapalit niyo'y ang tuluyang pagkawala ng kapayapaan ng kanyang isip. Ng kanyang puso.
Humimpil ang taksing sinasakyan niya sa tapat ng gate na bakal ng mansion ng mga Labarigo.
Natuwa siya nang makitang naroon ang dalawang kotse ng magkapatid. Ano kaya ang mukha ni David kapag nalaman nitong magpapakasal siya kay Steven?
MAPAPAIT ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi habang hagod niya ng tingin ang mansion ng mga Labarigo. Napakalaki ng ibinahagi ng tahanang ito sa kanyang buhay. Dito siya nahubog ng tama.
Pinalaki ng mga itinuring na magulang sa tama, hinubog siya sa mabuting paraan. Sumunod siya at tiniyak na hindi magkakamali. Subalit ang bukod-‐‑tanging pagkakamaling nagawa niya ay ang mahalin nang sobra si Steven Labarigo. At biguin ang pag-‐‑ibig na iniluluhog naman ng bunso nitong kapatid. At dito rin sa mansion na ito nakatira ang dalawang ulupong!
Ang mga hayop! Napangiti siya nang makitang malalaki ang mga hakbang ng kawaksi at agad siyang pinagbuksan ng gate matapos ang tatlong beses niyang pag-‐‑doorbell.
"Ay, Senyorita! Naku, mabuti naman at napasyal kayo rito," tuwang-‐‑tuwang salubong sa kanya nito.
"Nariyan ba ang mga senyorito mo?"
"Ay, opo. Nasa itaas. At kanina pa parang nagtatalo."
Lumipad ang tingin niya sa matabil na katulong.
"Parang kayo ang pinag-‐‑aawayan nina Sir, Senyorita.. "
Iyon lang at tiyak na niya ang bawat hakbang. Diretso sa itaas ng bahay. Maingat ang mga hakbang niya. Kailangang hindi mamalayan ng dalawang ulupong na naroon siya.
At tama ang sinabi ng kawaksi. Nagtatalo ang dalawa. Malalakas ang mga tinig. At naganyak siya.
SA SILID ni Steven nagbubuhat ang pagtatalo. Pinili niyang makinig na muna. Hayaan ang dalawa na magtagisan ng mga kamandag. Lalo pa niyang idinikit ang tainga sa uwang ng pinto ng silid ni Steven.
![](https://img.wattpad.com/cover/371524148-288-k36488.jpg)
BINABASA MO ANG
Kung Kailangan Mo Ng Magmamahal - Riza Tayag
RomanceIs it possible to love somebody without realizing it? lyon ang tanong na naglalaro sa isip ni Jocel habang nadarama niyang unti-unti nang lumalalim ang damdamin niya para kay David. Hindi niya maaaring sisihin ang sarili, the man was charismatic, dr...