Chapter 5

211 6 0
                                    

"TAKE your pick," anang binata matapos siya nitong alalayang makaupo at iabot sa kanya ang menu.

"I want to have my own set of meal tonight," anito at saka tiningala ang unipormadong waiter ng Eduardo's. "I want this, binagoongang baboy. Manggang hilaw, gisadong sitaw at dalawang rice. Pakilagyan lang ng sili, huh."

"Pansit sotanghon and apple juice," order naman ni Jocel sa waiter.

"Oh, bakit naman 'yon lang?" disappointed pang tanong ni David sa kanya.

"That's enough for me, David. I prefer to eat light meals, lalo't gabi."

"Figure conscious as always," anitong nangingiti na tinanguan na ang waiter na agad namang lumayo para ihanda ang kanilang order.

"So.. how was your trip?" untag niya bilang pagpapatuloy lang sa naputol na pag-uusap nila sa sasakyan kanina. Nalaman niyang nag-abroad pala ito.

"So tiring but I enjoyed it very much! Marami akong nakilalang businessmen at... I'm sure na sasang-ayon ka na kung buhay lang sina Mommy at Daddy, ipagmamalaki nila ang isa ko pang achievement sa ipinagkatiwala nila sa akin," anito sa himig ay nais siyang i-impress.

"Hmm, ano naman iyan?"

"Nakapagpatayo ako ng travel agency sa California."

"Talaga?" nasisiyahang bulalas niya.

"Yeah."

"Wow! Talagang achievement 'yan. I'm sure na kahit noon pa ay alam na ng mommy at daddy mo na magiging successful ka."

"Sila ang inspirasyon ko sa lahat ng ito. At ikaw, Cel," anito na walang-kaabug-abog na inabot ang palad niyang nakapatong sa ibabaw ng parisukat na mesa.

"Sana, David... isa na rin sa hinanap mo sa California... ang babae na makakasama mo sa habambuhay." Hindi niyang magawang tingnan sa mga mata ang lalaki na batid niyang matiim na namang nakatitig sa kanya.

"Easier said than done, Cel. Kung ganoon nga lang sana kadaling gawin, why not? Kaya lang... ikaw pa rin talaga, e."

"Bulag ang puso mo!" aniyang pilit na inaalis ang kabang nais maghari sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon.

"At baliw. That's true," segunda naman nitong tumawa. Pagkaraan ay sumeryoso ito at muling nangusap. "Ikaw, Cel, kumusta ka? I'm sorry if after all these years ay ni hindi man lang kita nasulatan o natawagan kaya."

"No need to say you're sorry, David. W-wala namang nabago sa akin. I'm still the Jocel Esparcia na nakilala mo noon."

"I doubt it," anito na nanatiling tangan ang kanyang palad.

"H-ha?"

"Kanina, nang makita kita sa trabaho mo, malaki ang nakita kong pagbabago sa iyo. 'Yong mga ngiti mo... kahit na alam kong tumatawa ka sa harapan ko, pilit lang. Meaningless. Why, Cel?"

"A-ayan ka na naman sa mga hula mo..." aniya, iniwas ang mga mata sa lalaki.

"Marami na akong naging hula sa iyo noon na nagkatotoo. I'm not a fortune-teller or what, and pardon me if I'm wrong, ngunit talagang malaki ang pagbabago mo. May I know and ask why?"

Hindi siya agad nakahuma.

Totoong wala siyang magawang sabihin o gawin. Paano ba?

Kumusta na nga ba siya?

"Cel...

I'm your friend, remember?" pagpapaalala nito sa kanya.

And saved by the bell siya dahil bago pa man siya uli nakulit nito'y lumatag na sa harapan nila ang kanilang in-order.

Kung Kailangan Mo Ng Magmamahal - Riza TayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon