SARISARI ang amoy na sumalubong kay Jocel nang pumasok siya sa gay bar na iyon.
Bumabaliktad ang sikmura niya sa amoy ng usok ng sigarilyo. Sa amoy ng alak. Kulang na lang ay lumabas siya mula sa lugar na iyon noon din. Subalit kailangan niyang makaharap ang taong makakalutas ng lahat.
Kailangan niya ang matibay na deklarasyon.
Isang baklang may katabaan ang mabilis na lumapit sa kanya. Nagtanong siya rito at tumango naman ito. Iginiya siya papasok pa sa kaloob-looban ng gay bar.
Nais niyang manliit sa nakikitang palabas sa entablado. Mga lalaking hubad na nagsasayaw. Mga macho dancers!
Ito ba ang daigdig na pinili ni...
"Steffani, someone's looking for you," anang napagtanungan niya, sabay kalabit nito sa likuran ng baklang sa tantiya niya'y pinakamalakas tumili sa karamihan.
"Sino bang... J-Jocel!" Nagtila-suka ang kulay ng mukha ni Steven, napatayo nang makilala siya nito.
Hindi naman mawari ni Jocel kung maiinis o maaawa sa hitsura ng lalaking dati'y kinabaliwan niya.
Di-hamak na mas maarte pa ang koloreteng nasa katawan nito kaysa sa kanya. Naglalantikan ang mga daliri na nabahiran ng pulang nail polish. Blond ang pinakulot na dati'y suwabeng unat nitong buhok.
"S-Steven?" Gasino na lang na naglagos sa labi niya ang pangalan ng lalaki.
TIGMAK sa luha si Steven nang harapin siya makalipas ang ilang sandali. Inalalayan siya at pinakiusapang lumabas sila.
"This is the world where I belong, Jocel. I'm really sorry kung nagtago ako. Hindi ko lang matanggap before... a-‐‑ang macho-‐‑macho ko, ang guwapo, tinitilian ng kababaihan, and yet... iba naman ang desire.
"Pinipilit kong huwag palitawin sa harapan ninyo ang kulay ko, bagama't nahihirapan ako. Pati na sa harapan nina Mommy at Daddy. I hate to be like this, Jocel. B-‐‑but what can I do?
"Tao lang ako.. may kakulangan. May kahinaan..." At humagulgol ito sa sariling mga palad.
Nahaplos ng matinding awa ang puso ni Jocel. Ang galit dahil sa matagal na panlilinlang na ginawa nito sa kanya'y dagling naparam. Tao lang din siya. Wala siyang karapatang humusga.
Kaya naman dahan-‐‑dahang umangat sa ere ang palad ni Jocel, pigil na rin ang sariling mapaiyak. Humangga iyon sa ulo ng lumuluhang si Steven.
Nagpaangat iyon sa luhaang mukha ng lalaki.
"I-‐‑I'm sorry, Jocel.. "
"At least, tanggap mo na ngayon ang lahat. Mahirap mabuhay sa mundong puro pagkukunwari. I'm still proud of you, Steven." At niyakap niya ang umiiyak pa ring lalaki.
Hupa na ang damdamin nito. Subalit panay naman ang pagpupunas ng butil-‐‑butil na luhang wala pa ring tigil sa pagtulo buhat sa mga mata nito.
"Again, Jocel, I'm sorry. Pero sa totoo lang minahal kita... i-‐‑ibang klase nga lang na pagmamahal. At hindi kagaya ng nararamdaman mo para sa akin."
Tumango siya at pinisil ang palad nitong nakatutop sa tapat ng dibdib nito. "Wala kang dapat na alalahanin. Anyway, nagpunta lang ako rito para nga eto, matiyak na totoo ang narinig ko sa mansion. ."
"Oh!" sambit ni Steven.
"At nagpapasalamat na rin. . sa lahat-‐‑lahat. Sige, aalis na ako. I want you to be happy, Steven. At least noon, hindi mo ako pinangahasan."
"Dahil iba ang gusto ko, gaga! Kahit pa siguro tumihaya ka sa harapan ko, e, kung hindi ikaw ang tipo ko, 'di ba?" nagpapatawa nitong sambit. Pagkaraan ay muli siyang niyapos.
BINABASA MO ANG
Kung Kailangan Mo Ng Magmamahal - Riza Tayag
RomanceIs it possible to love somebody without realizing it? lyon ang tanong na naglalaro sa isip ni Jocel habang nadarama niyang unti-unti nang lumalalim ang damdamin niya para kay David. Hindi niya maaaring sisihin ang sarili, the man was charismatic, dr...