Chapter 6

267 7 0
                                    

HINARAP niya si Ryan.

"Goodnight." He kissed her on the cheek before she could make a single move. The customary good-night kiss, and yet she saw stars and heard angel's voices.

Kung hindi nakahawak si Nadine sa gate ay malamang na pulutin siya sa kanilang Bermuda grass.

"Goodnight, mag-iingat ka," halos pabulong na sabi niya.

Lumakad na si Ryan patungo sa kotse nito. Tuluyan na ring pumasok sa loob si Nadine.

Agad na tinungo ni Nadine ang kanyang kuwarto. Initsa niya ang kanyang handbag sa kama at dumeretso siya sa harap ng salamin.

Mamula-mula ang kanyang mukha at tila nangingislap ang kanyang mga mata. Hinawi niya ang kanyang buhok at nginitian ang sariling repleksyon sa salamin. Pakiramdam niya ay nakita niya ang sarili sa kauna-unahang pagkakataon.

"Hello, beautiful," humahagikhik na sabi ni Nadine sa sarili pagkatapos ay kumindat siya. Nag-pose siya sa harap ng salamin.

Hindi siya makapaniwala. Paano bang nangyari ang lahat ng ito? She was dating Ryan at mukhang nagkakagusto na ito sa kanya. Patunay na lamang ang mga gawi nito.

"If you play your cards right, Nadine, you'll be one hell of a lucky lady," bulong niya sa sarili.

Nilukuban siya ng kakaibang lakas ng loob. Paiibigin niya si Ryan, pagkatapos ay iiwan niya ito. She would drop him like a hot potato; her revenge would finally be complete.

ILANG araw pagkatapos ng kanilang date ay pinatunayan ni Ryan ang sapantaha ni Nadine.

Muling dumalaw sa kanya ang binata, at hindi sa opisina kundi sa kanilang bahay.

Katanghalian ng Sabado nang datnan ito ni Nadine sa hardin na kahuntahan ang kanyang Lolo Roberto. Si Ryan pala ang sinasabi ng kanilang katulong na bisita niya.

"Here she is," wika ng kanyang lolo. "Hija, kanina ka pa hinihintay ni Ryan." Ipinulupot ng matanda ang kamay sa baywang ni Nadine. Hinalikan naman niya sa noo ang kanyang lolo.

"What brought you here, young man?" nakangiting tanong niya kay Ryan. He looks perfect. Umupo siya sa pagitan nito at ng kanyang abuelo.

"Visiting your garden. Masyadong madilim nang huli akong maparito."

"It was his excuse, honey," komento ng kanyang lolo. Sa kanilang tatlo, si Lolo Roberto ang mukhang pinakamasaya. "Iiwan ko muna kayo."

Nalukot ang kanyang mukha. "Lolo, kakarating ko lang," protesta ni Nadine. Tinaasan niya ito ng kilay. "And what's your excuse?"

Tumayo na si Lolo Roberto mula sa kinauupuan. "Bibisitahin ko si Herald." Tumayo rin si Ryan, nagkamay ang dalawa. "Take care of her for me," habilin ng lolo niya. Pakiramdam tuloy ni Nadine ay may unawaan na ang dalawang lalaki.

Hinalikan siya ng kanyang lolo sa pisngi. "Just be happy, honey." Lumakad na ito pabalik sa loob ng bahay.

"Your lolo is cool," komento ni Ryan habang nakatanaw pa sa papasarang pinto kung saan pumasok ang kanyang abuelo.

"Yup, the best."

"He's a great businessman. Maraming matututuhan ang isang nagsisimulang tulad ko sa kanya."

"Iyon ba ang rason kung bakit narito ka ngayon, para makakuha ng pointers sa lolo ko?" biro ni Nadine.

"Among others," nakangising sagot ni Ryan. "Sabi ng lolo mo sa akin ay may collection ka raw ng orchids. Can I see them?" ungot pa ng binata.

"What else did he tell you?" nakakunot-noong tanong niya. "Ibinenta na ba niya ako sa iyo?"

Nilaro-laro nito ang table napkin. "Ang sabi niya sa akin, you cook the best lasagna he'd ever tasted."

The Sweetest Revenge - Andrea CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon