Chapter 10

558 14 0
                                    

"CHARLOTTE, I'm doomed!"

"Ano na naman ang problema mo?" pareklamong tanong ng pinsan niya.

Ikinuwento ni Nadine ang lahat ng nangyari.

"Ayaw mo ba iyon? Mabuti nga at nakatulong ka pa sa bandang 'yon," komento nito pagkatapos.

Kung katabi lamang niya si Charlotte ay babatukan niya ito. "Hindi ko naman po inambisyong maging promoter nila," nanggagalaiting sabi ni Nadine. "Masaya rin naman ako dahil nakatulong ako, but the point is hindi man lamang 'ata na-appreciate ni Ryan ang ginawa ko para sa kanya."

"Hindi naman siguro. Baka nagpapa-cute lang si Ryan, nagpapa-hard to get."

"Nagpapakipot?"

"Precisely," sagot ni Charlotte.

"What should I do?" kunot-noong tanong ni Nadine.

"Magpa-cute ka rin."

"Ano?"

"Ang hirap sa iyo, Miranda Nadine, masyado mong sineseryoso ang buhay. Subukan mo ngang mag-relax at mag-enjoy," payo pa nito.

"Sa susunod na ako magre-relax. Kapag kami na uli ni Ryan."

"Hay naku," pabuntong-hiningang sabi ni Charlotte. "Kalimutan mo na ang sa susunod. Matagal pa 'yan. Be happy now! Iyan ang natutuhan ko rito sa Amerika."

Ngumiti siya kahit peke at hindi nito nakikita. "Okay, I'll try. So ano nga'ng dapat kong gawin?"

"Bakit hindi mo subukang patawanin siya?"

Nalukot na muli ang kanyang mukha. "Ano?"

"They say that laughter is the best medicine. Make him laugh. Tiyak kapag napangiti mo siya ay mapapatawad ka na rin niya."

"Ano'ng akala mo sa akin, komedyante?"

"Hindi ko naman sinabing mag-stand-up comedy performance ka sa harap niya. Patawanin mo lang siya. Gumawa ka ng isang bagay na ni sa panaginip mo ay hindi mo maiisipang gawin. Hindi na baleng mapahiya ka, basta makita lang niya ang sincerity mo sa paghingi mo ng tawad," paliwanag ng pinsan niya.

"Pabababain ko ang sarili ko?"

"Medyo. Para nga maipakita mo sa kanya na kaya mong lunukin ang pride mo."

"Matagal ko na iyong ginawa. Nagmakaawa na ako sa kanya." Marahil ay hindi na talaga siya mapapatawad ni Ryan.

"Galit siya noon. Hindi maliwanag ang kanyang pag-iisip. Malamig na siguro ang ulo niya ngayon at mas makakaunawa na siya," ani Charlotte mula sa kabilang linya. "Kapag hindi pa ito umubra, bato na talaga ang puso n'on. Umuwi ka na lang sa Manila at kalimutan mo na siya."

"Okay, one last try," pagsang-ayon ni Nadine.

"Ano ba'ng nasa isip mo?"

Bumungisngis si Charlotte. "Hindi wholesome pero sa palagay ko ay magagawa mo naman. Napanood ko ito sa sine."

"Ano nga?" pangungulit ni Nadine.

Sinabi ni Charlotte sa kanya ang ibig nitong mangyari.

Kasabay niya itong bumungisngis bago namilog ang kanyang mga mata. "Kaya ko ba iyon?"

"Mahal mo ba siya?"

"Oo," agad niyang sagot.

"Nagsisisi ka na ba sa mga naging kasalanan mo noon?"

"Oo."

"Gusto mo bang mapatawad ka niya sa lahat ng mga nagawa mong kasalanan?"

"Oo naman."

The Sweetest Revenge - Andrea CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon