Chapter 7

264 8 0
                                    

SA LABAS ng gate, nakahimpil ang kotse ni Ryan. Bukas ang dalawang bintana, naka-recline ang driver's seat. Nakapikit ang binata habang nakahilig ito sa upuan.

Humahangos na lumapit siya sa binata. "May problema ba? Bakit hindi ka pumasok sa loob ng bahay? Naroon pa naman ang lolo."

Pumaling ang ulo ni Ryan sa gawi niya. "I'm sorry, medyo masama lang ang pakiramdam ko," matamlay nitong sabi.

Bahagyang namumula ang mga mata ni Ryan nang magmulat ito. Agad siyang pumasok sa kotse. Dinama niya ang leeg at noo nito. "May sinat ka."

"Tumuloy na tayo. Importante itong lakad natin. Mawawala rin mamaya ang sinat ko dahil uminom na ako ng gamot," katwiran naman ng binata.

Hindi pumayag si Nadine sa gusto nitong mangyari. Pinalipat niya si Ryan sa passenger's seat at siya ang nagmaneho patungo sa condo unit nito.

Nakahalukipkip si Ryan, lukot ang mukha. "Tumuloy na tayo sa hotel. I've already reserved a table for two. Let's go on with the plan."

Nagsalubong ang mga kilay ni Nadine. Kung sino pa itong maysakit ay siya pang nagpupumilit. "You need to rest. Masama ang pakiramdam mo."

Dumeretso ang binata sa pagkakaupo at inayos ang sarili. "Come on, Nadine, I feel better now. I'm okay."

"Ayokong mabinat ka," katwiran niya. "Wala itong lagnat na ito. I'm just tense."

Hindi iniba ni Nadine ang direksyong tinatahak. "Bakit ka naman tense? May problema ka ba?" concerned na tanong niya. Saglit niya itong sinulyapan.

Unti-unting namula si Ryan. "It's a big day. Ngayon ako magpo-propose sa iyo."

Naapakan bigla ni Nadine ang preno. Halos umuga ang kotse. Narinig pa niya ang nakangingilong pagkiskis ng mga gulong sa semento. Malakas ang murang pinakawalan ng driver ng kotseng nakasunod sa kanila. Mabuti na lamang at hindi sila nabangga. Humingi siya ng paumanhin sa driver. Pinaandar niyang muli ang kotse.

"Ano, itutuloy na ba natin ang date?" nakangising tanong ni Ryan.

"Huwag matigas ang ulo. Kailangan mo nang pahinga. I can wait."

"But I can't hardly wait." Nilaro-laro ng binata ang kanyang buhok sa isang daliri. Pagkuwa'y naglandas iyon sa kanyang tainga at leeg. "Gusto ko nang malaman ang sagot mo."

"Ryan, nakikiliti ako. Gusto mo bang tuluyan na tayong mabangga?" saway ni Nadine.

"So what's the answer?" pangungulit nito.

"Ryan, please, let me concentrate on my driving," pakiusap ni Nadine. Tinigilan naman nito ang pangungulit kaya nakarating sila nang maayos sa condo nito.

Naghalungkat si Nadine sa kusina. May delatang corn and chicken soup. Ininit niya iyon at dinala sa kuwarto ni Ryan. Nagdala rin siya ng bimpo at maliit na sisidlan ng maligamgam na tubig na may alcohol.

Nakapagpalit na ng pambahay si Ryan at komportable na itong nakahiga sa kama. "Are you going to take care of me?" naglalambing na tanong ng binata sa kanya.

Itinirik ni Nadine ang mga mata sa kisame. "Do I have a choice?" Pinakain muna niya si Ryan ng mainit na sopas, pagkatapos ay pinainom ito ng gamot.

"That was the best soup ever," puri ng binata.

Sumimangot siya. "Hayaan mo't susulatan ko ang manufacturer." Binasa na niya ang bimpo. Nanlaki at nangislap ang mga mata ni Ryan. Itinaas-taas pa nito ang dalawang kilay.

"Pupunasan mo ako? Sa lahat ng parte? This is getting interesting."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Naughty boy," sita pa niya.

The Sweetest Revenge - Andrea CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon