Chapter 9

270 8 0
                                    

"FIGHT! Fight! Fight!" determinadong sabi ni Nadine sa sarili habang sumusuntok-suntok siya sa harap ng salamin. "Fight for your happiness."

Ang goal niya ngayon ay paibiging muli si Ryan. Kung pumalya man siya sa mithiing iyon ay puwede na ang bukal sa loob na pagpapatawad nito sa kanya. Gusto niya na maging magaan sa damdamin ang kanilang paghihiwalay.

Ang una niyang agenda—alamin ang whereabouts ni Ryan sa Cebu. Si Beth ang nahingan niya ng tulong. Maraming address ang nakalap niya mula sa babae—bachelor's pad ni Ryan, opisina nito, at mansion ng mga Marquez. Pati na ang address ng RTW shop ni Mrs. Marquez ay kinuha na rin niya.

Nag-empake na si Nadine ng kanyang mga gamit. Naalala niya ang minsang nabanggit sa kanya ni Ryan: follow your heart and you'll never go wrong. Sana nga ay hindi siya magkamali.

"Are you sure about this, hija?" tanong sa kanya ni Lolo Roberto. Inihatid siya nito sa domestic airport.

"I just have to do this, Lolo. Kung mabigo man ako, sinisiguro ko sa inyong magbabalik na sa dati ang aking buhay. Tatanggapin ko na ang pagkatalo."

Inakbayan siya ng kanyang lolo habang magkatulong sila sa pagbubuhat ng kanyang mga maleta. "I have told you before, we can always kidnap him. Just give me the go signal."

Napangiti si Nadine. "Lolo, hindi iyon kasama sa mga plano ko." Alam na niya ngayon kung saan niya minana ang kanyang mga schemes at plots.

SA ISANG hotel sa Cebu tumuloy si Nadine. Pagkatapos i-unpack ang kanyang mga gamit ay agad niyang tinawagan si Charlotte.

"Narito na ako ngayon sa Cebu. I followed him. Sinunod ko ang payo mo. What now?"

"Good," nasisiyahang sang-ayon ng pinsan niya. "Tulad ng sinabi mo noon—woo him, court him, hanggang sa mapasagot mo na siya."

Nalukot ang mukha ni Nadine at bumagsak ang mga balikat niya. "Paano nga?"

"Paano ba tayo nililigawan ng mga lalaki?"

"Padadalhan ko siya ng roses at chocolates?" kunot-noong tanong niya. "Baka hindi niya magustuhan iyon."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Charlotte mula sa kabilang linya. "Ano ba ang ginawa niya nang ligawan ka niya?"

"Kinaibigan niya si Lolo."

"Then kaibiganin mo rin ang parents niya." Sandali siyang nag-isip. Tutal naman ay narito na siya, mabuti pa ngang kilalanin na niya ang mama ni Ryan. Anong klase kayang tao ang nagpalaki rito?

"Okay, pagkatapos ay ano?"

"Surprise him," suhestiyon pa ni Charlotte. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. "Surprise him with what?"

"Kahit anong sorpresa basta yung magugustuhan niya. Try to impress him."

It's worth a try. Kaligayahan niya ang nakataya rito.

"Salamat, Charlotte. Hindi ko ito makakalimutan. Kumusta na nga pala si Tita?"

"Àyun, nakahanap na ng Amerikanong tatalakan," pagbabalita ng kanyang pinsan. "Magkaka-stepdad na 'ata ako, si Tito Rob."

Narinig niya ang muli nitong pagbuntong-hininga. "Hihintayin ko ang developments ng love life mo," bilin pa nito.

"Sure. Ikaw lamang naman ang natatakbuhan ko. Tatawag ako sa iyo kapag nagkaroon uli ako ng problema."

"I'm glad to be of help."

HINDI na nag-aksaya ng oras si Nadine. Pagkatapos nilang mag-usap ni Charlotte ay naligo na siya at nagbihis. Bibisitahin niya ang shop ni Mrs. Marquez.

The Sweetest Revenge - Andrea CoronelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon