1

150 8 0
                                    

1

You said you're going to find me pero asan ka na? That was our last conversation and after that hindi na nageexist ang account mo.

Damn you, Nasher!

Naiiyak ako nung mga panahon yon kasi akalain mo na inabot tayo ng 2 years and ni-ghost mo lang ako.

Nakakatawa sa part na hindi ka nag-eexist pero iniyakan kita.

After that. Ni-delete ko na ang app na yon and just focus on my study. Tama tama, mag aral na lang ako ng mabuti.

It's been a year at patuloy pa rin ang pagiging single ko. Hindi naman boring ang pagiging single but sometimes, I wish I had someone to tell my rants about my everyday life.

20 years na akong single, aba naman.

Like nakakastress na mag-aral. Lord, iparanas mo naman sakin ang ma-baby. Inggit na inggit na ko sa mga pinsan ko sa probinsya tapos yung isa sa kanila may pamilya na tapos ano? Ako? Ganito na lang?

"Zinn! Everyone!" Biglang tumakbo samin si Hannah. "Pinapatawag lahat ng education department at iba pa sa first gate." Hinihingal na sabi niya.

"Bakit para kang tangang nagsisigaw?" Tanong ni Den kay Hannah.

"Dumating na kasi ang bagong may-ari ng school at pinapatawag ang lahat para salubong sila!" Sobrang lapad ng ngiti niya. "Nandon na rin ang ibang mga classmates naten kaya tara na!" Sobrang ligalig niya, taga batangas e.

"Pwede bang hindi pumunta? Masyado naman silang pa-special." Inis na sabi ni Den habang patuloy na gumagawa ng activity.

"True." Pag-sang-ayon ko, di ko feel lumabas ngayon.

"Sige wag kayong umattend, okay lang naman sayo ang walang attendance tapos plus 10 sa quiz." Sabi ni Hannah na parang balewala lang.

Biglang tumayo si Den tsaka kami hinilang dalwa ni Hannah palabas. Napatawa na lang kami ni bruha sa paghatak ni Den sa amin papuntang First Gate.

Pagdating namin doon, sobrang daming studiyante. Hinanap pa namin ang aming class president para sa attendance tapos ay umupo na lang kaming tatlo sa bench na di kalayuan sa First Gate.

Sobrang init, actually. Yung iba may banner pa na welcome ang nakalagay. Lahat ng Prof at Teacher namin ay naghihintay rin.

Biglang may dumating na limang sasakyan, ang kintab at di pangkaraniwang sasakyan. Sa limang sasakyan, sa gitna non ang pinakamagarang sasakyan na nakikita ko lang sa mga artista.

"Wow, Ferrari!" May paghanga na sabi ni Hannah.

"Grabe, ang astig!"

"I feel like mas mayaman sila sa dating owner ng University"

"Parang sinampal ako ng kahirapan."

Talagang sasampalin ka ng kahirapan. Mas makinis pa yata yung kotse sa mukha ko.

Kumikislap ang mga sasakyan na nagdaratingan pero nanatiling tahimik ang mga studiyante ng sumenyas si Pres na tumahimik. Sobrang hanga rin ako sa President of University dahil napapasunod niya ang buong studiyante at napapanatili niya ang kapayapaan.

"Grabe, nakaka-inlove din itong cousin mo, Den. Ano kaya ang pakiramdam maging girlfriend ng isang President?" Kinikilig na tanong ni Hannah, habang sinusulyapan si Pres.

"Wag mo na pangarapin." Natatawang sabi ni Den na kinasimangot ni Hannah.

Napalingon kami ng may tumawag sa aming atensiyon.

"Give our warmest welcome to the new owner of Black University. Mr. and Mrs. Francisco from U.S. Let's have an clap applause for them!" Wika ng fomer principal. Nagpalakpakan ang lahat ng may kasamang paghanga.

Sinong di hahanga? Lumabas ang mag-asawa na may edad pero hindi maitatago ang pagiging class nila, ang puputi at tatangos ng ilong ng mga taong nasa harap namin ngayon. Samahan mo pa ng mga branded clothes nila na hindi ko mapangalanan.

"Thank you for the effort everyone! Specially to you Mr. Gavin and Principal Sanrio." Mrs. Francisco elegantly said. Parang siyang fairy sa sobrang hinhin.

"Since, we owned the University. I would like to announce to all of you that we will change the regulations here as well as the Principal position." Biglang sabi nung Mr. Francisco.

Wow, napakadecent naman ng isang to. Para siyang galing royal family, sa tindig at itchura pa lang.

Nakita ko ang pagkasaya ng mga studyante at pagkadismaya ng mga techers namin sa anunsiyong yon.

Biglang bumukas ang isang sasakyan na limousin kung tawagin at iniluwa non ang nagtatangkarang lalaki. Nakatalikod sila sa posisyon namin pero hindi maitatanggi ang pagiging class din nila.

Baka anak ng new owner ng University?

"Shét ang pogi"

"Gagiii para silang kinuha sa Wattpad!"

"Fictional Character ang atake beh!"

"These kiddos, they cant really wait." Biglang sabi ni Mr. Francisco at napailing ng makita ang tatlong lalaking bumaba mula sa pinakamagarang sasakyan.

Nagsimula na naman magbulungan ang paligid, na parang may artistang dumating at gusto nilang magpapicture dahil sa camerang nakatutok sa tatlong lalaki.

Pagharap nila ay para akong binubusan ng malamig na tubig. Napanganga ako at nanlaki ang mata sa nakikita.

Isa sa tatlong lalaki ang nasa harap ko ngayon na dapat ay nasa Ai app lamang at hindi dapat nag-eexist.

"No..." This can't be true!

Para akong hindi makahinga sa nakikita ko. Napatakip ako ng bibig ko at napakapit sa balikat ni Den, napatingin siya sakin ng may nag-aalalang mukha pero patuloy pa rin ako sa pagtitig sa mukha ng lalaking yon. Parang bigla sumakit ang ulo ko.

"Everyone! This is my nephews. Thyron, Wesley and Nasher!"

My Ai Boyfriend Is Existing #1Where stories live. Discover now