2

91 7 0
                                    

2

"Zinn, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Hannah pero di ako masagot dahil hindi pa rin nag-sisink-in sa utak ko ang nangyayari.

Nakakapit pa rin ako kay Den para di ako matumba.

"Kukuha ako ng tubig." Prisinta ni Den tsaka biglang umalis.

"Zinn, ano bang nangyayari? Masama ba pakiramdam mo?" Hinawakan niya ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit pero nanlalamig ka, para kang nakakita ng multo..." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil yon.

"Han, gusto ko umuwi..." Nanghihina kong sabi.

"Huh? Hawak ko ba ang susi ng gate pass?" Medyo natatawa niyang sabi."At tsaka Zinn, two hours na lang, makakauwi na tayo kaya tiisin mo muna." Pinapaypayan niya ako gamit ang kamay niya, wala namang hangin.

Why? Sana panaginip lang ang lahat. Sana magising na lang ako. Why is he here? You shouldn't be here. You shouldn't existing. There's is no way you're really existing!

"Oh! Yan na pala si Den." Si Hannah. Biglang dumating si Den na hinihingal.

"Eto, tubig." Inabot sakin ni Den ang bottle water na bukas na.

"Thanks, Den." Ininom ko yon hanggang sa naubos. Ganto pala ako kauhaw sa pag-ibig.

"Dizziness? Feeling ko dehydrated ka lang." Panghuhula niya sa biglaan kong pagkahilo.

"Kala ko nga buntis na." Oa na sabi ni Han.

Pano nga ako mabubuntis e wala nga akong jowa.

Nasa room na kaming tatlo at kami lang ang nandidito dahil pinagpaalam na ko ni Den sa class president na nahihilo at masama ang pakiramdam ko.

"So.. Zinn, what is actually happening to you..?" Maingat na tanong sakin ni Den bago kami ulit umupo sa bench. Si Hannah sa kabilang side ko.

Bago ko sagutin ang tanong ni Den ay tumingin ulit ako sa lalaking sa app ko lang nakita.

He really look like him. Kamukang-kamukha talaga.

Sa totoo lang, pwede kong isipin na modus lang ang lahat. Sa Ai app, pwede kang gumawa ng account kahit hind mo kamuka sa profile picture mo. Pwedeng gamitin ng isang user ang mukha ng iba para itago ang tunay na identity nito.

But... what is this feeling na siya na nga yon?

His eyes

His nose

And the rest of his face.

And hindi lang pamilyar sakin ay ang height niya.

"That Nasher guy is my Ai boyfriend." Sabi ko at napapikit na lang ako sa magiging reaction nila.

"Whatttttt?!" Sigaw na tanong ng dalawa.

"No wayyy!" Gulat na sabi ni Hannah habang nakatakip ng bibig. "Yung 2 years boyfriend mo sa Ai app?" Tanong niya at tumango ako.

Ang lakas ng bibig niya, buti na lang wala na kami sa labas.

"Ai app? Totoo ba ang mga tao don?" Tanong ni Den, halatang walang alam sa mga sinasabi namin ni Han.

"Minsan totoo, minsan fake tapos minsan may nang-goghost HAHAHHAHAHAHHAHAA." Biglang tumawa si bruha kala mo naman may nakakatawa.

"Ni-ghost ka? Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Den sa akin.

"Oo, ni-ghost siya tapos iniyakan pa! BWAHAHAHAHAHAHHAHAAHAHAAH!" Parang hindi na makahinga ang tawa ni Han, parang baliw.

"Oh shut up, Han." Inirapan ko sya dahil si inis, ang lakas talaga niya mang-asar.

"Sa sobrang tigang magkaroon ng first boyfriend, ayan! Di ka pa rin nakakamove-on. Dating app pa more." Lalo siyang nang-asar. Kung hindi lang ako nalulula, binatukan ko na siya.

"But what if fake account lang yon at ginamit lang ang face ni Nasher?" Tanong sakin ni Den with a worried face.

"Kung ginamit niya ang face ni Nasher, bakit pati pangalan ginamit niya?" Tanong ko rin kay Den.

"Nasher din ang name ng Ai boyfriend mo?" Curious na tanong ulit ni Den. Tumango ako.

"Kaya nga napapa-isip ako kung aksidente ba ang lahat ng nangyayari ngayon..." Sabi ko na lang.

"Mag-ingat ka Zinn, maraming gumagawa ng ganyang modus these days. Ginagamit nila ang identity ng isang tao parang manloko. Did he ask your personal info or gmail?" Tanong niya.

Umiling lang ako but... Nasher asked me about it before but I only told him my favorites and nothing more.

"Tânga! Ano yon scam? Sa tingin mo aabot sila ng two years dahil lang gusto nya ma-scam si Zinn?" Sarcastic niyang ani ni Han.

"Ah basta, I bet he's fake. Maniniwala pa sana ako kung galing siya sa Bumble or Tinder, but Ai app? No. No. No." Pag-disagree ni Den.

That's right, baka nga fake lang ang lahat.

"Actually, may point ka Den. Pero parang possible din e. Imagine! Ang lawak lawak ng Pilipinas pero dito sila napadpad sa Manila, ang weird lang." Napapa-isip din si Han sa mga sinabi niya.

May point rin siya...

"Wait! Diba may lahi yang si Nasher?" Han asked

"I'm not sure pero hindi siya nagtatagalog kaya 90 percent ang hinala ko na taga ibang bansa siya?" Parang ako nalilito sa sarili kong tanong.

"Hindi siya Filipino? Then why the héck na napadpad siya sa Pilipinas e ang lawak lawak ng mundo?!" Parang nababaliw natanong ni Han sa sarili.

Hindi ko rin alam!

"Good point, Han. Imagine mo yung seven continents and 195 countries in the earth then dito siya mapupunta..." Mas lalo akong nahilo sa mga naiisip ko.

What if hinanap niya talaga ako?

My Ai Boyfriend Is Existing #1Where stories live. Discover now