Prologue

2.3K 51 4
                                    


Damang dama ang kasabikan ng mga taong nasa loob ng bar na makapag saya at makapag labas ng stress sa kani kanilang mga ganap sa buhay. Hindi maipagkakaila na marami talaga ang sa bar nagpupunta sa tuwing gusto ng mapaglilibangan dahil na rin sa mga iba't ibang mga alak na nandito at lalo na sa mga taong pwede mo malapitan anytime dahil kapwa gusto ng makaka usap.

Sa dinami daming tao sa mundo na mahilig sa mga ganitong party na may crowd, isa doon ang anak ng negosyanteng si Mr. Martine Lim na umuusok na ang ilong sa galit sa kaniyang babae/lalaking anak na kilala sa kanyang alyas na Aston Martin.

"Nasaan na ba si Mikhaile Jayden?!"

Lahat ng tao na nasa loob ng opisina ng negosyanteng lalaki ay napapikit ng mariin dahil sa muli nitong pang gagalaiti sa anak na hanggang ngayon ay wala pa rin. Mahigit trenta minutos na nila itong hinihintay ngunit ni kahit text o pasabi na mahuhuli ito ng dating ay hindi man lang ito nag abala.

"Master Lim, p-pasensiya na po kayo pero hindi rin po namin alam dahil hindi po siya sumasagot sa mga text namin kagabi pa."

Saad ng kaniyang sekretarya na ngayo'y nanginginig sa takot sa amo.

"Anak ng tokwa! tawagan niyo ulit!!!"

Mariing sigaw nitong muli at kaagad namang kumilos ang mga tao nito upang ma contact na ang anak nito na hindi malaman kung nasaang lupalop na naman pumunta.

—————

Sa isang tago at lumang bar na madalas ay puno ng mga tambay at mga taong walang magawa sa buhay, mapapansin ang isang naka all black na hindi malaman kung babae o lalaki pagkat walang nakikitang balat dito maliban sa kaniyang mga mata na nasa counter at parang naghihintay sa in-order nito.

"Oh! Nandito ka na naman pre, alam ba ni tito 'yan?" Saad ng kakalabas lamang sa loob ng counter na nakakuha sa atensiyon nito.

"Kailan ba'ko nagpaalam na pupunta sa bar?" malamig at walang ganang sagot nito.

Napabuntong hininga na lamang si Chad sa kaibigan pagkat panigurado na naman na magkakaroon ng World War III sa building ng Lim Madeland.

"Hoy pre, diba may meeting kayo ng daddy mo ngayon? Ang sabi mo 3 ng hapon—"

Hindi pa man natatapos ni Chad ang sasabihin ay kaagad na napatayo at napamura ng malakas ang kaibigan pagkat nakalimutan niya ito.

"F*ck! F*ck! Sh*t! Oo nga pala!"

Sa sobrang gulat ni Chad ay natapon niya ang beer na order ng kaibigan at napamura nalang din ito.

"Chad, I have to go! I'm sorry for the mess." Agad na tumalikod ang kaibigan at lumabas pero ng dahil sa pagmamadali ay nakabangga pa ito ng isang lalaking kakapasok lang.

"Bwiset! Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo bata!" Sigaw nito kay Aston at tinapik pa ng malakas ang kanang braso.

Agad na nag-init ang ulo nito sa ginawa ng lalaki sa kaniya kaya naman sarkastikong napatawa ito na halata ang pang-aasar.

"Bata?"

"Oo! Ika—"

Hindi pa man natatapos ang lalaki ay mabilis itong bumagsak sa sahig ng tapunan ito ng napakalakas na suntok ni Aston sa mukha na siyang nagpagulat sa lahat ng nasa loob ng bar lalo na kay Chad. Mabilis itong sumilip at ng makita na sangkot dito ang kaibigan ay mabilis na lumapit at hinawakan ito sa braso upang pigilan ito sa kung ano pa man ang maaari nitong magawa.

"Pre tama na 'yan, may mas importante kang kailangan unahin." Bulong ni Chad sa kaibigan na siyang nakakuha ng atensiyon nito.

Akma pa sanang susugod ang lalaki ng si Chad na mismo ang humarap dito at pigilan ito. Wala na rin naman na itong nagawa pagkat alam nila na si Chad ang may ari ng bar at hindi nila maaaring sugurin ito.

"Sige na pre, umalis kana, mag text ka." Pagbaling ni Chad sa kaibigan at tumango na lamang ito bago tumalikod sa kanila at umalis na ng tuluyan.

Si Chad na rin ang nagpakalma sa lalaki at nag ayos ng gulo na sinimulan ng kaibigan. Sanay naman na ang halos lahat ng mga tao sa bar na sa tuwing mapapadpad ang kaibigan ay lagi talaga itong napapa away kahit na sa maliliit na dahilan lamang.

—————

"Master Lim, nandito na po si young master."

Sambit ng sekretarya nito at tumango naman ito bilang tugon na papasukin ang anak sa loob. Sa pagpasok ni Aston sa loob ng opisina ng ama ay dama na niya ang nakatagong galit nito dahil sa kakaibang init at daloy ng hangin sa kuwarto.

"Dad—"

"Manahimik ka! Nag iinit ang dugo ko sa'yo! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang galitin ako Jayden! Hindi ko alam kung kailan ka pa magbabago o magbabago ka pa ba!"

Natahimik ang lahat na kahit animo paghinga ay parang mahirap gawin sa loob ng malawak at maaliwalas na opisina ng nakatataas na lalaking Lim. Si Aston naman ay hindi man lang nagulat sa mga tinuran ng ama na tila araw araw niya na itong naririnig.

"Hinayaan kita maging malaya sa buong buhay mo, akala ko ang maghigpit sa'yo ay hindi makakatulong dahil anak kita at ayokong masakal ka, pero lumaki kang sutil! I've had enough of your bratty attitude, anak. Kaya kung ano man ang mapagdedesisyonan ko para sa'yo ay kailangan mong sundin kung ayaw mong mawalan ng mana."

Mariin at maotoridad na sambit ng ama na siyang kinakunoot ng noo ng anak.

"Sutil? What's that?"

Tila mababaliw na ang lalaking Lim sa sariling anak pagkat halata sa mukha nito ang hindi mo malamang galit, inis, at pagsisisi. Ang mga tao naman na kasama nila ay hindi alam kung paano magpipigil ng tawa pagkat alam nila na hindi maalam sa sariling wika ang batang amo kaya naman kanya kanya silang pigil na makagawa ng kahit na anong ingay.

"Umuwi ka sa mansyon at mag uusap tayo doon, huwag mo ng subukan na makatakas dahil ako mismo ang hahatak sa'yo pa uwi kapag hindi kita naabutan sa bahay. Nagkakaintindihan ba tayo, Jayden?"

Wala na ngang nagawa si Aston sa utos ng ama at tumango na lamang ito. After all, takot siyang mawalan ng mana.

—————


revised.

The Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon