ATON
I don't know what to feel.
Si Aila, Sol at Shio ay nandito din? Paano nangyari 'yon? Noon naman ay wala silang pinapakita na interes sa pag pasok dito sa training camp pero ngayon ay biglang nandito na sila? Ano kaya ang nagpabago sa isip ng mga ito at sumunod sa akin.
I deeply sigh, I need to be more careful. Masyadong matalas ang mata at pandama ni Aila, she has all what it takes to be able to discover my little secret affair. Yes, I called it that way dahil kahit saang anggulo ko tignan, that's really how it is. I know how dangerous and scandalous this is, but at the same time ayoko tumigil, ayokong hanggang dito nalang ang lahat.
For the past almost two weeks, siya nalang bumubuo sa araw ko. The way her smile could take off the tiredness and pain in my body, how it brightens my day and how it motivates me to get up every morning. Siya nalang ang nakikita ko sa lahat ng mga ginagawa ko, ang inuuna ko, ang iniingatan ko. Paano ko hahayaan na mawala nalang siya sa'kin?
"Aiah!"
Nagulat ako ng biglang may mukhang bumungad sa akin, it's Daphne.
"Hey, A? Are you okay?" Alalang tanong niya habang kinakapa ang noo ko.
Napahinga ako ng malalim napapikit sandali, ilang minuto na pala akong nakatulala lang kaya humapdi na sa mata. Napatingin ako kay Daphne na konti nalang ay magtatama na ang mga ilong namin at napatango.
"Ayos lang ako Daph, thank you. Ano pala yung sinasabi mo?" Pag iiba ko ng usapan.
She sighs and retreated her hand before she sits on the chair beside me.
"I'm just asking if what food do you want to eat? You're in the clinic lang simula kagabi kaya alam ko na hindi ka pa nakakakain ng maayos." She lowly said, quietly observing my mood.
Napatango ako at napangiti. "Ah, kahit tinapay nalang. I'm not in the mood din to eat something heavy pa."
She then nodded and pat my shoulder before she stood up and leave. It's true, simula ng asikasuhin ako ni Mikha kahapon when the new trainees arrived ay siyang pagdala naman nila ulit sa akin sa clinic kaya hindi ko kaagad nalaman kung sino ang mga iyon. Kagabi ng madaling araw nalang ako nakabalik sa kuwarto ko at doon ko nalang din nalaman na sila Aila ang mga bagong trainees when I saw Mikha's note on my bed side table. Dala ng matinding pag iisip at pag aalala ay hindi ko na naman nagawang makatulog ng maayos kaya kahit kaka galing ko lang sa clinic ay mukhang maputla na naman ako. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit hindi ko magawa na isantabi lahat ng mga nasa isip ko at magpahinga sandali, bawat galaw ko ay masyado ko ng ikinababahala. Isa pa, alam ko naman na hindi din ako sanay sa mga ikinikilos ko ngayon kaya pati katawan ko ay pinapa alala na sa akin ang mga limitasyon na hindi ko na pansin.
I sigh once again, I'm here under the Mango tree with numerous pairs of chopsticks, popsicle sticks, and some other materials in hand. Our next task is to create miniature houses for the upcoming fund raising event on the handcrafted projects we made. All funds na mabubuo namin from the event next week will be given to the communities here na kailangan pa ng tulong.
This task is by pairs, kaya ang kasama ko ngayon ay si Daphne and since we can choose our own spot, dito kami nagpunta para malayo sa lahat at presko. I'm also thankful na ito lang ang kailangan namin gawin para sa araw na 'toh, at least hindi na naman ako tatambay sa clinic.
Also, pansin ko na hindi kami masyado maagang ginising ngayon. If before our usual wake up call was three forty five, kanina ay six am na kami ginising, may pagkain na din for every teams. It's really new, pero no one tried to argue dahil pabor pa sa amin 'yon. Pansin ko din na hindi pa pinagsasama ang mga teams ngayon, kanina pagka baba namin ay kami lang ang nasa field while the other teams have their own different spot according to Captain Guzman, kaya hindi ko pa rin nakikita ang kapatid at mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Maiden
FanfictionBOOK 1 - Temptation | Desire x Damage Mikhaile Jayden Lim, young and full of surprises who doesn't like people intervening in her life is the inheritor of their kin's highly prestige enterprise-Lim Madeland. With her father's criticism on her capab...