Chapter 4

1.1K 43 5
                                    


"Jhania!"

Magiliw na tawag ni Aton sa matalik niyang kaibigan na halos walong taon niyang nakasama sa Cebu. Ang tinawag na kaibigan ay napalingon naman sa kaniya at napangiti sa energy ng dalaga. Halos patakbo na lumapit si Aton sa General at kaagad na isinalubong ng yakap. Nagkasama ang dalawa nuong nasa elementarya hanggang sa magtapos ng high school. Naging malapit ang dalawa dahil na rin sa sila ang madalas na tahimik at mahinhin sa klase.

"Aiah, kumusta kana?" Malambing na tanong ni Jhania sa kaibigan matapos nilang kumalas sa pagkakayakap sa isa't isa.

Napangiti ng napaka laki si Aton bago sumagot. "I'm fine! Wala namang nagbago sa akin."

Alas tres ng hapon na nga nakarating ang grupo ng dalawa sa training camp, napagkasunduan nila Jhania at ng mga lieutenant na mamayang gabi magsisimula ang training ng mga bagong salta kasama na nga ang iba pa. Ngayon ay hinayaan muna nila na makapag ayos ng gamit at makapag handa ang mga ito dahil hindi na nga nila mabibigyan ng oras pa ang mga ito sa susunod na araw. Nakahiwalay ang building ng mga lalaking cadet sa mga babaeng trainee, may mga sarili din silang kwarto pero limitado lamang ang espasyo at tanging locker at isang single size bed lamang ang laman. Aaminin ni Aston at Aton na hindi sila sanay sa mga maliliit na espasyo tulad ng kanilang magiging temporary room, pero tulad ng iba ay kailangan nilang magtiis at tanggapin ang kung anong ibibigay ng mga nakakataas sa kanila.

Natapos ang masayang kumustahan ng dalawang magkaibigan ng ipatawag si Jhania, pinagpapahinga muna ng General si Aton at ganon din ang iba pang bagong dating na cadet. Tulad ni Robin ay naiwan na nga sa loob ng tuluyan ang amo na walang personal bodyguard, ganoon din si Aton na ang personal bodyguard na si Nikki ay nagmamasid lang din sa paligid.

Tulad ng ipinangako at bilin ng parehong magulang ni Aston at Aton, hindi sila nakakatanggap ng kahit anong special treatment. Sila lang ang nagbuhat ng lahat ng gamit nila papunta sa kanilang mga silid at kahit pa nakikita ito ng iba at kilala kung sino sila, hindi sila maaari magbigay ng tulong pagka't sa loob ng training camp ay pantay pantay lamang sila. Dahil nga nauna ang grupo nila Aston sa training camp ay hindi nagpang abot ang dalawa, gumana naman ang pag papanggap ni Aston kay Jhania na masama nga ang tiyan nito at nangangailangan mag cr kaya kaagad siyang naka punta sa kaniyang silid.

Ng maiayos ni Aston ang kaniyang dalang gamit ay napahinga ito ng sobrang lalim, ngayon nga na alam niya ng makakasama niya ang babae ay hindi niya alam kung paano kikilos o aakto sa paligid nito. Hindi naman sa pinagtataguan niya ito pero hindi niya lubos na inaasahan na makakasama niya ulit ito matapos ang nangyari sa kanilang dalawa. Sa hindi din malaman na dahilan ay gustong humingi ng pasensiya ni Aston, kahit alam niya sa sarili na wala naman siyang ginawa na hindi gusto ng babae ay kinakabig siya ng konsensiya nito dahil hindi niya pa rin inaasahan na siya ang makaka una dito. Sa hindi mawaring dahilan ay lubos siyang nag aalala sa iniisip ng babae, paano kung galit ito sa kaniya? Paano kung hindi nito nagustuhan ang pagpatol at pangsasamantala sa kaniya? Pero ang tanong, bakit? Bakit naman magagalit ito sa kaniya kung hindi naman niya basta nalang ito iniwan at hinayaan? Atsaka, hindi ba't wala naman na dapat na mamagitan sa kanilang dalawa matapos ang unang pagtatagpo? Isang gabing kasiyahan sa piling ng isa't isa, one night stand, at hindi na dapat pa maging big deal sa kanila ang kung ano man ang nangyari at mangyayari ngayon at magkasama pa sila sa iisang lugar.

Napahawak na lamang sa kaniyang noo si Aston ng maramdaman nito ang pagkirot doon, bakit hindi niya maalis sa isipan ang babae? Sa kaniya na mismo nanggaling, hindi na dapat big deal pa sa kanila ang nangyari pagkat parehas naman nila itong ginusto. Sa sobrang pag aalala ni Aston ay hindi niya namalayan na nakatulog uli siya, masyado siyang pinapagod ng kaniyang isipan na maging ang katawan niya ay hirap na niyang ma kontrol.

—————
TIME SKIP

Naghahanda na si Aton ng kaniyang sarili at naka suot na rin ito ng t-shirt na gray na may surname at initials ng kaniyang pangalan sa kanang dibdib, si Jhania mismo ang nag aabot nito sa kanilang lahat at maging kay Aston na naabutan niyang tulog pa rin sa higaan nito. Hindi nga maiwasan ni Jhania ang mag alala kay Aston pagka't hindi naman ganito ang pagkakakilala nito sa kaniya, sa lahat ng bagay ay tulog ang isa sa mga hindi niya masyado ginagawa, lagi pa nga itong puyat pero kung gumising ng maaga ay daig pa ang kumpleto ang tulog.

The Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon