Chapter 6 🎀

2.5K 55 3
                                    


Everyone was awakened by the sudden alarm in the trainees headquarters, oras na nga para bumangon ang mga ito dahil hindi lang traning ang gagawin nila sa araw na ito kundi ngayon din nila ipapamahagi ang mga naipack na donations kahapon sa kabilang baryo na halos isang oras pa ang byahe sa kanila.

Nagising si Aston at Aton sa kani kanilang kwarto at kahit nga medyo masakit pa ang paa ni Aston ay nakayanan niyang makabalik sa kaniyang silid kagabi at doon magpahinga, habang si Aton naman ay madaling araw ng nakabalik. Lahat ay naghanda at nagbihis na para sa araw na ito, tulad ng ginawa ni Aston sa unang araw nito sa training camp ay maaga siyang naligo kinagabihan para hindi na ito makipag sabayan pa sa iba sa banyo. Matapos maghanda ni Aston ay lumabas na ito at dahan dahan na naglakad pababa ng hagdan at sa labas ng headquarters kung saan nandoon na ang ibang kasamahan nito sa kaniyang kampo. Matapos ang interaksyon ni Aton at Aston sa clinic ay hindi na nagawang mapuntahan ulit ni Aston ang babae dahil na rin sa mga nurse na nasa designated desk nila at ayaw niyang mag isip ito ng kung ano patungkol sa kanila ni Aton kaya dumiretso nalang ito sa kaniyang silid, kampante rin naman ito na hindi pababayaan ng mga nurse ang babae kaya isinantabi na muna niya ang pag aalala dito.

Ilang minuto nga lang ay lumipas at lahat ay nakapila na base sa kanilang mga team at pumunta na rin sa harapan ang mga General upang ipaliwanag ang magiging agenda nila sa buong araw.

"Tulad ng nasabi namin kahapon ay tatlo lamang mula sa kada grupo ang makakasama sa donation drive na gaganapin sa kabilang baryo, ang mga team captains niyo na ang bahalang magdesisyon kung sino sa kanilang miyembro ang dapat isama at maiwan dito sa training camp. Huwag kayo mag alala dahil ang mga maiiwan ay hindi pa rin makakatakas sa mga gawain dahil lilinisin ninyo ang buong camp at dapat tapos na kayo bago pa kami makabalik. Malinaw?"

"Yes General Rocero!" Tumango nalang dito sa Jhania at ang mga captains nga ay kani kaniyang pagtitipon sa kanilang mga miyembro.

Ang napagkasunduan sa Team Kuneho ay ang trio nilang si Aston, Justine, at Kimchi. Sa Pusa ay si Rhian, Joshua at Oliver. Sa Aso ay si Aton, Yoyo at Kristine. At sa Ibon ay sina Mark, Jackson, at Jade. Lahat ay naghanda ng ilagay ang mga donations sa mga truck at iba't ibang sasakyan na mag coconvoy sa kanila papunta sa kabilang bayan. Binigyan din sila ng mga kani kaniyang mga name tag dahil nasabihan ang mga ito na may maikling programa muna ang magaganap kung saan kailangan nilang dumalo kaya naman para hindi na mahirapan ang mga residente doon ay naglagay na sila ng mga name tag.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ngang magsi alisan ang mga truck at nauna na rin ang mga General na nakasunod dito. Ang mga Lieutenant at ang mga representatives nito ay magsasama sama na sa isang van. Ang labing dalawang trainees na ang sakay sa likod habang ang apat na Lieutenant ay nasa harap at si Lieutenant Castillio na ang kanilang driver. Si Aston ay ang nasa pinaka dulo at katabi nito si Kimchi bago si Justine at Jackson na may iisang braincells. Sa harap naman nila ay si Mark, Oliver, Yoyo at Joshua, habang sa pinaka unahan bago ang mga lieutenant ay sina Rhian, Aton, Kristine at Jade. Sa buong umaga nga ay hindi nagawang magpalitan ng tingin ni Aston at Aton pero ni isa sa kanila ay hindi nababahala dito dahil na rin sa parehas nilang pinili na mag focus sa mga naka atang na gawain sa kanila.

Hindi pa umaabot ang halos bente minutos na byahe ay nakaramdam ang mga trainees ng antok at hinayaan na lamang nga ng mga lieutenant na makatulog muli ang mga ito dahil alam nila na hindi pa nakakapag adjust ang mga ito sa bagong routine. Pilit naman pinipigilan ni Aston na makatulog dahil kung makaka idlip siya ay malamang kapag kinulang ay mahihirapan lamang siyang kumilos. Halos lahat nga ng mga trainees ay nakatulog na maliban kay Aston at Aton pero parehas nilang hindi ito pansin. Napatingin si Aston sa mga katabi at lalo ngang bumagsak ang kaniyang mga balikat at ang talukap ng kaniyang mga mata dahil ang sarap na ng tulog ng mga ito. Napahinga ng malalim si Aston at napasandal na sa upuan nito at tumitig sa labas, hindi naman niya pansin na ganoon din ang ginawa ni Aton sa harapan at sabay silang napapikit. Magmula sa nangyari sa kanila sa clinic kagabi ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanilang mga dibdib, para bang naintindihan na nila ang isa't isa ngayon kahit na wala pa nga sa bente ang palitan nila ng mga salita. Actions speak louder than voice ika nga nila.

The Maiden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon